Chapter 30

37.3K 1K 85
                                    

A/N: Thankyou sa patuloy na pagsuporta kahit na walang kwenta, pangit ang twist at boring tong story na ito. Mula book one hanggang dito---Ayan para sa mga haters ayan na yung gusto niyong marinig.

I whole heartedly accept constructive criticisms, but to be judged and to tell me what I write is trash? Oh, gosh, no. I love my works as much as I love the readers, so get loss.

Ayokong magmahal ng maling tao. ;)))

___

Clare's POV:

"Eight AM sharp, at my office. Don't be late this is your first shoot."

-B.S.

Ito ang bumungad sa akin matapos kong magising ng 6am. Tatayo na sana ako upang maligo ngunit pinigilan ako ni Zach.

"Ang aga, ha?" Sabi nito sa akin.

"First shoot ko na as an endorser--- it's already 6am for the record." Sabi ko at tumayo na.

"Pambihira naman ang boss mo... 'Diba kadalasan hindi naman morning person mga models kasi puffy pa mga mukha nila? " Sabi nito kaya bumuntong hininga ako.

"I don't know." Sabi ko at tuluyan ng tumayo.

"Who's you boss?" Agad akong napahinto.

"Isa siyang sikat sa field niya. Magaling siya. You don't need to know him though." Sabi ko at naglakad papasok sa banyo.

"Anong pangalan niya?" Tanong nito kaya nagisip ako.

"Kaibigan siya ni Daddy." Sabi ko nalang kaya napatango na lamang siya.

I suddenly feel guilty about lying to Zach about working with Blue.

Mabilis lang akong natapos. Nagsuot ako ng bath robe at pumasok sa wardrobe para pumili ako ng susuotin ko. Nagdesisyon akong magsuot ng button down dress nang hindi na ako mahirapan magpalit mamaya sa set.

Natapos akong maghanda ng magse-seven ng umaga. Nang puntahan ko ang kambal ko, they're still sound asleep, kaya hinalikan ko sila sa noo, isa isa.

"Twins... behave, ha?" Sa pagkasabi ko non ay nagmulat ng mata si Matt.

"Matt, watch for your baby Lianne ha. She's not that strong like you." Sabi ko at tumango naman siya.

"...But where are you going, Mommy?" Tanong nito.

"Mommy's gonna work. Para may pambili kayo ng maraming maraming toys! You want that?" Sabi ko at ngumiti naman ito at tumango.

"Take care, Mom. Love yah!" Sabi nito at inabot ang pisngi ko para halikan ito.

"Go back to sleep. Maaga pa." Sabi ko at tumango siya at natulog ulit.

Agad na akong lumabas at nakita kong 7:12AM na. Malelate na ako kaya lulubusin ko na. Sumakay na ako sa kotse ko at agad na nagmaneho papunta sa building. Agad na akong sumakay sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang floor niya kung saan gaganapin ang shooting.

Nakarating na ako at agad na akong naglakad papunta ron, kumatok ako at nadatnan ko si Serena na may inaasikaso.

Ang aga naman nila ritong pumasok.

"Where's Blue--- I mean Mr. Sown?" Tanong ko rito at tumayo naman siya.

"Nasa loob po siya. Kanina niya pa po kayo hinihintay." Sabi nito at ngumiti.

"Sige, papasok na ako." Sabi ko at kumatok muna bago binuksan ang pinto.

"Good morning," Bati ko rito kahit na nakayuko ito habang may ginagawang paper works.

"Anong 'good' sa morning?" Tanong nito na may kasamang pagsusungit.

"Uhm, I don't know. I just have a very good morning." Sabi ko at ngumiti naalala ko ang kambal.

"Are you living with your boyfriend?"

"You don't care—"

"Was just curious if you're having honey moon every night with him. Hindi ba 'yon naman siguro ang gusto mo?"

"Paano kung sabihin kung 'oo'? 'Diba yan naman ang gusto mong marining?" Sabi ko at tumawa. Papalapit ako sa kaniya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, hindi siya makagalaw. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya at ang sunud-sunod ang paglunok niya ng laway.

"At paano kung sabihin kong gusto ko ulit mangyari yon sa atin... papayag ka ba?" Tanong ko nang may panunukso rito.

"C-clare are you trying to s-s-seduce me---"

"Why? Naaakit ka ba? Akala ko ba mahal mo si Kina, Blue? Agad ka ba talagang nakakalimot sa mga sinabihan mong mahal mo sila?" at isang hakbang nalang ay magtatagpo na ang mga labi namin.

Siguro ito na ang tamang panahon para maangkin ang kung ano ang sa akin. Siya. Ang asawa ko. Ang dating asawa ko na inagaw ng isang ahas, pilingera, ambisyosang malanding si Kina.

Lumapit pa ako at nagkalapat na ang mga labi namin. Akala ko'y lalayo si Blue ngunit kinagat niya ang pain ko at tumugon siya sa halik. Narinig kong bumukas ang pinto kaya hihiwalay na sana ako sa halik nang hilain niya akong muli pabalik sa mga labi niya.

"Babe, I've brought breakfast for you---" Bungad ni Kina sa amin kaya napatigil kami sa aming mapusok na paghahalikan at agad akong umalis sa halikan bago pa kami makita ni Kina. Ibinalibag niya ang dala niyang pagkain at naglakad palapit upang sugurin ako.

I guess in this fight, malandi lang siya, maganda ako. Kabit lang siya, mahal ako. Isinuka ko nalang nga, kinain niya parin. Mangaagaw lang siya, pero maninira ako. Hindi ako papayag na sa buhay ako nalang lagi ang kinakawawa.

Sawa na ako, gusto ko naman na maranasan niya.

"How dare you---" hidni niya pa ako nahahawakan nang itulak siya ni Blue.

"Pati ba naman ditto sa office? You're just a mere employee hindi ba? Bakit nandito ka sa CEO's office?!" Kina asked me in disbelief.

"Maski ako, hindi ko alam why would your fiancée told me to shoot a photoshoot here. Wala bang studio ang business niyo? You could've told me to go there, Blue. Why here?" I asked him and smiled.

"Umalis ka rito." Sabi ni Kina pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kina, are you ware na isa kang higad na ipinaglihi sa kasalanan na mukhang paa ng matandang namundok at ka-ugali ng isang matandang na nastress kaya na aning? Isinuka ko na si Blue, pero kinain mo parin. If I look pathetic to you for being here after what I've been through, you're the worst for marrying a guy who never loved any other than his first love. You're piece of a shit, Kina and it's sad how you're not even aware of it." Sabi ko at halakhak.

"Sumusobra ka ng hayop ka!!!" naglakad siya papalapit upang sugurin ako kaya hinintay ko lamang siya. Ang kamay na isasampal sana niya sa mukha ko ay isinaksak ko sa bibig niya.

"Subukan mong maikalam ngayon, Blue.." I warned him as I pulled Kina's hair and drag her on the floor.

Naramdaman kong gaganti niya ng sabunot kaya kinaladkad ko siya patayo at pinagsasampal siya. Walang sino naman ang nagtangkang umawat sa amin, maging si Blue. Hindi niya magawang pigilan ako, dahil hindi ko kayang tumigil.

She deserves every slap and scratch from me. Kulang na kulang pa 'to sa lahat ng ginawa niya. This is just the beginning.

A bloody beginning.

The Real Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon