Chapter 37

35.5K 1K 94
                                    

Chapter 37

Clare's P.O.V.

Nagising ako na si Irvin ang bumungad sa akin. I already assumed that Blue is with Kina right now. And I understand that.

"Okay ka na ba, ate?" tumulo uli ang mga luha ko.

"Hindi, Irvs..." hindi na ako nag-abalang magsinungaling sa kapatid ko.

"Sinabi sa akin ni Kuya Blue..." hinawakan niya ang kamay ko, " Atalam kong mahal ka niya."

"Magkaka-anak na sila."

"Pero, hindi niya ginusto yon---" Humarap ako sakanya.

"Hindi ginusto? Walang mabubuo kung hindi niya ginusto." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Here I am again, being emotional.

"So susuko ka na?" Sabi nito kaya napangiti ako nang mapait.

"Sa buong buhay ko, puro na lang laban ang ginawa ko, hindi naman ako nananalo... Lagi nalang ako yung naiiwan, kawawa at talo! Siguro naman pwede namang magpahinga muna?"

"Ate, may tanong ako..."

"Ano?"

"One plus one?"

"2?" nag-aalangan ko sagot, kahit tama naman.

"Mali. Walang equals, so ang sagot ay... silver swan!!" Kahit luhaan ako ay natawa ako sa sagot niya.

"Yung utak mo, Irvin. Ayusin mo ha. Pogi ka. Pogi ka lang." sabi ko at tumawa siya.

"Sayo lang ako na-bobobo ate. Nahahawa ako kapag katabi kita. Legit 'yon." Sabi nito kaya binatukan ko siya.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Zach. Nag-aalala siya sa akin, pero siya 'tong mukhang nasagasaan ng three wheeler sa putok ng labi.

"I've talked with the doctor... okay ka naman na daw, over fatigue and stress lang kaya ka hinimatay..." sabi nito kaya tumango ako.

"Umuwi na tayo, magpahinga na tayo sa bahay. Ayoko na rito." aya ko at tumayo na. Mas lalo lang akong nanghihina rito.

"Ate, hintayin niyo na ako sa labas ha? Babayaran ko lang yung bill." Ani Irvin.

Ganun nga ang ginawa namin, hindi rin nagtagal ay dumating rin siya, pagdating sa bahay ay tulog ang kambal ko samantalang sila Mommy ay nasa sala't pinag-uusapan ang nangyari kanina na ayaw ko nang marinig pa.

"Ma, matutulog po ako." Sabi ko kay Mommy at tumango naman siya.

Si Irvin naman ay pumunta sa kusina kasama si Shannen. Si Zach ay sumama papunta sa kwarto upang matulog rin. Tinabihan namin ang mga kambal at natulog nang mahimbing.

—-

Shannen's POV:

Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto kasama sina Nanay Mery at Mercy. Malapit nang maghapunan, masyadong mabilis ang oras. Maraming nangyari.

"Ma'am Sha, Sino ho yung lalaking lasing dito nuon?" Tanong ni manang Mery.

"Ah siya po ang tatay ng kambal." Sabi ko at tumango-tango sila.

"Buti at naghiwalay sila? Bagay pa naman sana sila." Nalungkot ako sa tinuran niya. Tama siya, sayang silang dalawa.

"Kasi ho nay, may kasama dati si Clare. Dati ho ay magkaaway kami ni Clare, dahil rin kay Blue yung lalaking lasing. Pero balik po tayo sa topic, yung babaeng kasama ni Blue dun sa ice cream parlor ang pangalan po ng ahas na 'yon ay Kina. Pero dipende po sa specie na gusto niyo, pwedeng higad, basta yung masalimuot po sana. So ayun po inagaw niya po si Blue kay Clare, dahil sa kainggitan niya. Hayop po siya, ano?" Tumangi naman sila sa tinuran ko.

The Real Revenge (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن