Chapter 27

38.8K 1.1K 98
                                    


Clare's POV:


Hindi ko alam paano ko nagawang malagpasan ang tanong niya tungkol sa anak namin na hindi ako umiiyak. My twins... they're my weakness at banggitin palang sila, naiiyak na ako kaya nagpapasalamat akong agad kong nagawan ng paraan para maiba ang usapan naming ni Blue.

Narinig ko ang boses ni Kina kahit na nakatalikod ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang boses ng babaeng sumira ng buhay ko. Agad na nag-init ang ulo ko nang mukhang parang galit pa siya na kumakain ang fiancée niya ngayon kasama ang magiging katrabaho nito.

"Higad?" I said habang patuloy parin sa pagkain habang si Blue naman ay napatingin sa akin, "Ayoko naman atang ugaliin ang ugali mong alikabok..." I said and smiled as I sip my lemonade.

"Aba't ang kapal ng mukha mo, ha!?" Naramdaman ko ang mga yabag niya na papalapit kaya pinigilan siya ni Blue samantalang ako ay inayos ko lang ang buhok ko na medyo nastress na sa presensya ng higad na si Kina.

"You said no having lunch with me for this w hore?!"

"She's not a w hore, Kina. Don't f ucking spill bullsh its!" I'd be happier if Blue said I'm her ex wife. Naramdaman kong hinawakan niya ang likod ko kaya napatayo ako at pinagpagan ang parte na hinawakan niya habang dahan dahan na humaharap.

"Hi. Oh, gosh... Threatened? Don't be, sweety. He was once mine, but you managed to--- oops. Nevermind." I smiled at nakita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya.

"Wow..." palak siyang natawa, "So you're with the loser..." Sabi nito ng makabawi ito sa gulat niya.

"Loser?" I laughed.

"Yeah. I managed to take away people, things you love. You... are... a loser." Matigas na sabi niya.

"Then, congratulations for being the tira-tira receiver of all time. Nakakaawa ka naman... kailangan mo pang mag-agaw para magkaroon ka? You should be proud..." Sabi ko at pumalakpak habang nakangiti. Akala ko masisindak siya ngunit hindi.

"Namatayan ka lang ng anak tumapang ka na, ah?" Tumaas ang balahibo ko sa katawan at nasampal siya.

"How dare you---" sasampalin sana niya ako pabalik nang sapuin koi to gamit ang kamay ko at itinulak ko siya dahilan para mapa-upo ito sa sahig. Nanlaki naman ang mata ni Blue sa nasaksihan niya.

"Feeling mo ba, Kina napakalakas mo? Feeling mo lang 'yon... Ikaw na nga ang nagsabi. Tumapang ako? Hindi. Matapang na ako, pero nadedemonyo ang ugali ko pagdating sa'yo."

"Sumusobra ka na ah---"

"Sumusobra? You shit. Bakit ka nagagalit na nakikipag-lunch si Blue sa kameeting niya? Are you even thinking? Napaka-obsess mo..." I said.

"Kumakain o baka naman naglalandian?" Tumawa ulit ako.

"Hindi naman kami naglalandian eh, pero dahil sinuggest mo naman at inilagay mo 'yun sa mga choices, ta-try ko minsan. 'Diba Blue?" At tiningnan ko naman si Blue na ngayo'y putlang putla.

"At bakit ako matatakot sa'yo?" Sabi nito at tumawa nang isang walang kwentang tawa Na kumbaga sa isang text message, isa lang itong haha at hindi HAHAHAHA.

"Wala akong sinabi na dapat kang matakot, dahil hindi lang takot ang dapat mong maramdaman, Kina Shin..." nilapitan ko siya at sinakmal ang pisngi niya, "Alalahanin mo lahat ng ginawa mong pang-gagago sa buhay ko. Hinding hindi ko papalampasin maski isa sa mga 'yon. Huwag na huwag mo akong susubukan at huwag kang magpapanggap na kilalang kilala mo na ako, dahil hindi ako ang Evi na nakilala mo. You, bitch!" pinanlakihan ko siya nang mata habang sinasambit ang bawat salitang sinabi ko sa kaniya para siguraduhing tatatak ito sa isip niya.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now