Chapter 31

38.1K 1.1K 75
                                    

Clare's P.O.V.

Nakasandal siya sa pader ngayon habang sakmal ko angpagmumukha niya. Hindi ko inakala na magagawa kong manakit ng isang kapwa ko babae sa ganitong paraan. Na kaya kong manabunot, manampal nang sobrang rami. 

"Walang hiya ka, Clare. Hayop ka!" sabi niya habang maluha-luhang nakatingin sa akin. She looks weak, powerless, but never the type na kakaawaan mo.

"Wala nang mas ha-hayop at babasura sa'yo, Kina. How dare you to try to mess my life? Nakakadiri ka---"

"At least, I didn't let an innocent child die in my womb." I kicked her toes and that made her look like she's begging on her knees.

"Huwag na huwag mong idadamay ang anak ko rito." Sabi ko at tinadyakan siya ulit habang nakasakmal sa pisngi niya. Sinampal ko siya nang malakas na dahilan para mamula ang kanyang pisngi napa ngiwi naman siya at napahagulgol sa sakit.

"Para 'yan sa pagta-traydor mo sa akin bilang isang kaibigan!" Ang kamay na pinagsampal ko kanina ay ibinalik ko sa kaliwang pisngi niya naman kaya, nahawakan niya ito sa sobrang lakas nang pagsampal ko.

Hindi ko na kayang kontrolin ang galit ko, lahat ng tao napupuno sa sobrang galit, mayroon silang hangganan at ang sakin ay umaapaw na. Sobra na ang ibinigay niyang sakit. Hindi ko hahayaan na maging masaya siya.

"Para naman yan sa pagsira sa relasyon namin ng asawa ko!" At hindi pa siya nakakabawi sa sakit ay sinampal ko siyang muli.

"Para naman ito sa pang-aagaw, pang-gagago at paninira sa akin!" at sinampal ko siya sa abot ng aking lakas na dahilan upang dumugo ang labi niya.

Serves her right.

Sasampalin ko pa sana siya ngunit, lumapit naman si Blue upang awatin ako. Iwinaksi ko ang kamay niya at nginitian siya.

"Masakit ba ha, Kina? Nasaktan ka ba?" Tanong ko rito habang siya ay umiiyak. She's wearing a black tube na halos mapunit na at ang make up nito na halos magkaiba ibang direksyon na.

"If you think you ruined my lfe, you're wrong. You didn't. You just helped me eliminate toxic in my life. Get ready for your full course meal, because this is only the appetizer." Sabi ko at tinadyakan siya agad naman akong hinila ni Blue.

"T-tama na, Clare..." Maamong tupang sabi niya. Humalakhak naman ako.

"I'll sue you!" Sigaw nito habang umiiyak. Inalalayan naman siya ni Blue upang makatayo. Nagtamo din ako ng sugat, but hindi niya man lang ako tinanong kung ayos lang ako.

Well, bakit pa ako aasa? Mahal na nga niya, eh. Kaya nga dapat mas lalo silang masira dahil mahal na nila ang isa't isa.

"Then, sue me!" Matapang na sagot ko, "But please, make sure to put me behind bars, dahil...sisiguraduhin ko na mapupunta ka muna sa mental hospital bago mo ako mapakulong." With those words I left the building.

Agad akong sumakay sa kotse ko at duon na tumulo ang luha ko kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ito.

Sadness comes in when we're alone.

Drive lang ako nang drive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta naiisip ko lang na masaya akong nakita kong umiiyak si Kina sa harapan ko. I'm not even near to beign satified, but I'm relieved to know that she can cry too. I am relieved knowing I can hurt her, make her cry and even ruin her life. 

Nang patyin ko ang makina ng sasakyan, napatingin ako kung saan ako tumigil. It was the church where Blue and I married each other. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa lugar kung saan kami kinasal ni Blue.


Kung saan isinumpa niya sa Diyos na mamahalin niya ako hanggang sa kamatay, pero nasaan na siya ngayon? Sabi niya aalagaan niya ako at bubuo kami ng pamilya nang magkasama, but where is he now?!


I know it's wrong to ask God to not let a person happy, but the, is Kina Shin even a human being? Hindi na maka-tao ang ginagawa niya. Bakit siya ganoon? Bakit niya nagawa ang lahat nang 'yon?' Diba babae rin siya? Tao rin siya at may puso rin siya? Bakit galit na galit siya sa akin?


Hindi naman sapat na mahal niya lang si Blue kung bakit siya nagkakaganito. Tiyak akong may mas malalim pa na dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Kina, kasi hindi makatarungan. Wala naman akong ginawa kung hindi mabuhay ng tahimik, so why?


Nagtagal ako ng tatlong oras sa lugar na 'yon, tinatanong ang Diyos kung bakit nangyayari lahat ng ito bago ako magpasyang umalis, dahil baka umihip ang hangin at maisipan kong bumalik kay Blue kasama ang kambal na hinding hindi ko gagawin. I didn't resist the pain just to be in that kind of situation.


Buong araw akong drive lang nang drive. Ni hindi ako nagtangkang kumain. Gusto ko lang parusahan ang sarili ko sa salang paghawak sa balat ng demonyo matapos kong halikan si Blue na labas sa kalooban ko.

Gabi na nang maka-uwi ako. Napatingin naman sila sa gawi ko kaya napatayo si Mommy pati na rin sila ay gulat nang makita ako.

"Diyos ko, Clare! Anong nangyari sa'yo? Bakit may mga pasa ka?!" Tanong ni Mommy at agad akong sinuri, "Minaltrato ka ba ng boss mo? Diyos ko, halika nga!" Sabi nito at dinala ako sa sofa.

"Irvs, kuha ka ng yelo at ng icebag." Agad naman kumuha si Irvin at dinala ang mga ito sa mesita sa sala.

"Ate, anong nangyari?" Tanong ni Irvi habang naglalagay ng yelo sa ice bag.

"Wala. Naglalakad ako, tas bigla akong natumba kanina." Sabi ko at nginitian sila. Mukhang hindi sila naniwala ngunit hindi na nila ako tinanong pa. Ang kapatid ko lang talaga ang hindi ako tatantanan. Kilalang kilala niya nga talaga ako.

"Mommy, does it hurt?" Tanong ni Lianne sa akin habang mangiyak-ngiyak.

"It'll be okay soon."

"Ma, ako na po..." At binigay naman ni Mommy ang ice bag kay Irvin.

"Mommy, kain na po kayo. Susunod na lang kami ni Irvin." Sabi ko at agad naman silang pumunta sa hapag.

"Ate, I know you're lying." Bulong nito na ako lang ang nakakarinig dahil ang lahat ay kumakain na.

"And I know you know I'm lying." I said and laughed a little bit.

"Kina did this. But what I did to her was nothing compare to this. She cried. Begging for me to stop hurting her. For the first fcking time, Irvs, I saw her hurting in my own hands. And it felt so nice. That's why I want more." Sabi ko at ngumiti sa kawalan.

"You're so not my ate..." Sabi nito kaya nailing ako.

"She turned me into this kind of person, Baby Bro... Kina made this Clare." Sabi ko at nginitian siya. Siya naman ay hindi na lamang nagsalita at nagkibit balikat na lang. 

___

Thank you for reading! xoxo!

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now