Chapter 33

36.9K 1K 38
                                    

Blue's P.O.V.



"Tanggapin mo na lang Blue! Nangyari na! Wala ka nang magagawa." Sigaw nito at saka isinuot ang damit na ibinigay ko, "Ayaw mo ba nun? Magkakaanak ka na!" Sabi nito kaya natawa ako nang mapait.

"Gusto kong mag ka anak pero hindi ikaw ang nanay." Sabi ko at umalis sa bahay na 'yon.

I drove to Jaeo's place and door belled. May lumabas naman na isang matandang babae na napag alaman kong kasama nila sa bahay.

"Andiyan po ba si Jaeo?" Tanong ko rito.

"Ay opo, ano pong pangalan ninyo?" Tanong nito.

"Lewis po." Pagkasabi ko nun ay ilang segundo lang ay pinapasok na nila ako.

"Bro, I missed you." Sabi nito at akmang yayakap nang pinigilan ko siya.

"I don't do bromance, Jaeo. Buti malinis ang bahay mo? What's new?" Tanong ko rito. Simula nang ikasal kami ni Clare at malaman na inagaw ng kapatid niya ang asawa nang may asawa ay nagkabati na kaming muli.

"Problem?" Tanong nito kaya tumango ako.

"Kina and I accidentally had sx." Sabi ko kaya napanganga siya.

"So paano yung accident na yun? 'Di mo sinasadyang mapasok yang alaga mo sa alaga kulungan niya?" Tanong nito kaya napataas ako ng kilay.

"Ewan ko..." Sabi ko na lamang at napasabunot sa buhok ko.

"Paano kung mabuntis siya?" Taning ko rito.

"Panagutan mo. Gago, anong gusto mo? Iwan mo? Gaya nang ginawa mo kay Clare?" Sabi naman nito. Naglabas siya ng alak, kaya uminom kami. Nang medyo naramdaman ko na may tama na ako ng alak, hindi ako umuwi sa condo kung nasaan si Kina.

Dumiretso ako sa bahay nila Clare at mabilis akong nakarating. Muntik pa akong makasagasa at mabangga nang dahil sa nalampasan ko ang speed limit ng daan. Agad kong pinindot nang maraming beses ang door bell nila. Nahihilo ako ngunit nakakakita pa ako ng maayos.

Hilo ako at lutang ang isip ko ngunit malinaw ang mga mata ko. Binuksan ito ng isang matandang babae, agad akong pumasok kahit na wala pa itong sinasabi. Pilit niya akong tinataboy ngunit kahit pagewang gewang ang aking lakad, ay mas malakas parin ako rito.

"Ma'am, may lasing pong nagpupumilit pumasok! Ma'am Clare!" Sigaw nito habang pinipigilan ako.

Ngunit huli na dahil nakapasok na kami sa loob at nakita ko si Clare na nakikipag laro kasama ang dalawang bata.

Clare's POV:

Nandito ako ngayon, kasama ang kambal ko habang nakikipaglaro sakanila. Wala ngayon sina Mommy at Daddy dahil may trabaho sila, wala din si Irvin dahil nagdate sila ng girlfriend niyang 'di pa naman nakilala, Wala din si Shannen at Zach dahil pareho silang may appointment.

"Mowmie, is my real Daddy alive?" Tanong nito kaya napanganga ako rito.

"Matt..." nabitawan ko ang suklay na pinagsusuklay kay Lianne at niyakap ang dalawa habang pinipigilan ko ang luha ko.

"My friend doesn't have a Dad too, because his Dad died. So is my real dad alive?" Tanong nito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang hirap maging ina lalo na kung wala ang tatay nang mga anak mo. Bukod sa hindi nila nararanasan ang pagmamahal nang isang ama, hindi mo pa alam kung ano ang sasabihin mo pag nagtanong sila tungkol rito.

"It's boring, right? Let's play!"

"Catch me, Mwamie!!" Halakhak ni Lianne, habang tumakbo.

"Wait for us, you little doll! I'll be the one to catch you." Pangaasar naman ni Matt sa tumatakbong si Lianne. Maya maya'y biglang tumunog ang door bell, sunud-sunod ito na parang nagmamadali.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now