Hawak kamay kaming pumunta sa kotse niya.

* * *

"Hmm. Ano bang masarap na cake?" Tanong ko kay Jules habang nakatingin sa mga nakahilera na mga cake sa harap namin.

Nandito kami sa Goldilocks at kasalukuyang pumipili ng cake.

"Itong Black Forest. Masarap ito." Turo niya dun sa cake na Black Forest ang pangalan.

"Sige yan na lang." Hinarap ko yung si kuya na naghihintay ng order namin, "Kuya, eto pong Black Forest, kukunin namin." 

  

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kukuha sana ng pera nang...

O____O!!!

Kulang ang pera ko! Aish! Nakalimutan ko nga palang kunin kay ate yung allowance ko! Naku! Anong gagawin ko?

"May problema ba?" Tanong ni Jules sa akin nang mapansin niyang natigilan ako.

Nahihiyang tumingin ako sa kanya. "Ah.. a-ano.."

"Ahh.. parang gets ko na." Kinuha niya ang wallet niya at kumuha doon ng pera. Siya na ang nagbayad sa cake.

"Hala, babayaran kita bukas! Sorry talaga. Hindi ko pa naman kasi nakukuha ang allowance ko eh! Babayaran kita, promise." Naman, nakakahiya ako!

"Okay lang. Libre ko na ito."

"Naku! Hindi pwede! Ano ka ba!" 

"Kiss na lang ang ibayad mo sa akin."

"O Sige---"

O____O Sige?? 

"H-hindi! Ang ibig kong sabihin, sige, libre mo na lang to! Tama!" Naman, ano ba yung mga pinagsasasabi ko!

"Tara na, ihahatid na kita sa inyo." Lumabas na kami ng Goldilocks at pumunta sa kotse niya.

Nasa daan na kami nang biglang nagtanong itong si Jules.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon