"Halika na Serene." malumanay na wika ni Rigel na tila ba hinihimok ng husto si Lilian sa kanyang nais. Napahigit si Lilian ng malalim na hininga saka nya dahan dahang tinanggap ang kamay ni Rigel.



"MAGALING!! MAGALING!! HINDI KA MAGSISISI SERENE!!" bulalas ni Rigel na abot tenga ang ngiti. Sa wakas ay nakuha na nya ang isa sa apat na tagapangalaga ng kapangyarihan ng inang kalikasan. Malaking hakbang na iyon upang sirain ang mga dyos at dyosa pati na ang mga meister. "Ngayon sabihin mo sakin kung sino ang nagmamay-ari sayo?" napaangat si Lilian ng tingin kay Rigel upang ibigay ang kanyang pinal na sagot.



*"Lian!"


"Lian!!"*



"Ang boses na iyon..." sa likod ng walang emosyong mata ni Lilian at ng kanyang blangkong isipan ay may mumunting tinig syang naririnig. Isang pamilyar na tinig. Malambing at mainit sa pakiramdam.



*"Lian!!!*



"Lian? Lian?...isang...isang tao lang ang tumatawag sa akin ng pangalang iyon..." napabitaw si Lilian sa pagkakahawak sa kamay ni Rigel at mukhang bumalik na sya sa kanyang ulirat. Nagulat naman si Rigel sa inasal ni Lilian.



"Bakit?!" may bahid ng inis na tanong ni Rigel.



*"Lian! Lian!"*


"Huh? Sya iyon..." napakunot noo si Rigel ngunit muli syang ngumisi sa pag-aakalang ang Mistress ang tinutukoy ni Lilian.


*"LIAN!"



"Ahahaha! Tama Serene! Sya nga! ang Mis--"



"Sagi!" sa sinambit ni Lilian ay napahinto sa pagsasalit si Rigel at halos mamula ang mukha sa inis at pagkadismaya. Bukod pa roon ay di nya inaasahan na babanggitin nito ang pangalan ng kanyang Meister.


Akmang hahawakan ni Rigel si Lilian nang makaramdam sya ng malakas na pwersa mula sa kanyang harapan. Kasunod noon ay ang pagkagulat ng dalawa sa pagdaan ng malakas na pwersa sa kanilang gilid at ang halos pagkakahati ng braso ni Rigel. Sa lakas ay tumilapon pa ito ng malayo.




"Tama ka...ako...si Sagi...ang nagmamay-ari sayo."








Sa kabila ng pagkagulat ay nilingon ni Lilian ang kanyang likuran at nakita roon si Sagi na marahang naglalakad palapit. Kapansin pansin ang maliliit na asul na liwanag na nakapaligid sa kanya.


"I-ikaw?! Paano mo nagawang makapasok sa ginawa kong dimensyon?!" maingat na tumayo si Rigel habang iniinda ang pinsalang tinamo sa pag-atake ni Sagi. "ang batang ito! paano sya nakapasok dito? wala pa ni isang dyos o dyosa na nakagawang makapasok sa aking dimensyon! Ni hindi ko rin naramdaman ang kanyang presensya!"



"Wala akong interes na sagutin ang tanong mo. Ang sa akin lang...hinawakan mo ang aking dyosa...at tinangka mo pa syang agawin sakin!" ramdam ang gigil sa mga binitawang salita ni Sagi kasabay ng paglabas ng kanyang gladiolus ngunit tila mas malaki ito sa normal nitong laki at marahas itong tinusok ni Sagi sa lupa na lumikha ng mahinang pagyanig ng lupa at nabalot ang paligid ng mga bitak at sa isang iglap ay parang isang salamin na nabasag ang dimensyong ginawa ni Rigel.


"KALOKOHAN! HINDI ITO TOTOO! IMPOSIBLE!!!" halos maghesterikal na si Rigel sa galit at pagkagulat sa kakayahan ni Sagi. Sa pagkasira ng dimensyon ay nakabalik na sila sa totoong mundo kung saan ang clinic ay sira sira na at halos nakaguho na ang kalahati ng gusali.


Lady of the Blue Moon LakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora