Ang Hula sa Kapalaran ng Pag-ibig ni Zandra

171 7 0
                                    

ISANG BUWANG nawala si Zandra. Nagkaroon ng taonang seminaryo ang mga guro. Dumalo roon si Zandra upang madagdagan ang kaalaman niya sa larangan ng pagtuturo. Matagaltagal din silang hindi nagkita ni Albert dahil abala rin ito sa sariling negosyo.

Araw ng linggo nang makauwe siya sa kanyang bahay. Wala sila Nicole at Gladys. Nagtuloy siya sa kanyang silid pasan ang mga damit na nagamit niya sa iba't ibang seminaryo. Pagod na pagod siyang nahiga matapus buksan ang air con. ay naidlip siya.

Gabi na nang magising si Zandra dahil sa mga katok sa pinto. Inaantok pa siya ngunit nakaramdam na siya ng kalam sa sikmura kaya napilitan siyang bumangon. Bumungad ang nakangiting mukha ni Nicole.

"Kain na po tayo sa ibaba ate."

Tumango si Zandra. Bumalik siya sa loob, nagtuloy siya sa banyo upang maghilamis. Matapus maghugas ng kamay ay bumaba na siya.

Tahimik lamang silang kumain. Nagkumustahan sila, pagkatapus mag usap at kumain ay naghiwahiwalay na sila para matulog.

Kinabukasan, maagang gumising si Zandra upang bumili ng regalo para kay Albert dahil ika-2 buwan na ng kanilang relasyon.

Isang pulang t-shirt na may burda ng mukha nila Albert ang naisip niyang ipagawa. Matapus mabayaran ay nagtuloy siya sa bilihan ng gadgets. Habang bumibili ng holographic bracelet na kapag binubuksan ay lumulutang ang apps sa ere ay may dumaan sa kanyang likuran. Malayo na ang mga ito nang lumingon siya. Kumunot ang noo niya dahil parang si Albert ang nakita niya at may kaakbay na seksing babae! Masaya ang mga ito.

"Kukunin mo ba ito miss?"

Bumaling siya sa saleslady, "Oo." Bumuntong hininga siya. Malaki ang tiwala niya sa nobyo. 'Kamukha lamang niya iyon.' Pagkumbinsi niya sa sarili.

Paglabas ng mall ay nagtuloy siya sa parking area kung saan naghihintay sa kanya ang bagong bili niyang sasakyan, kulay pink ito. Hindi pa nakikita ni Albert ang sasakyan niya. Binuhay niya ang makina at humarorot palayo. Dinaanan niya ang order niyang cake sa 'Tania's Fan cake house' at dumeritso sa bahay ni Albert.

Bukas ang gate kaya nagtuloy siya sa loob. Kalahating bukas naman ang pinto kaya nagtuloy na siya. Sosorpresahin niya ang kasintahan.

Nakapasok na siya sa loob. Kumunot ang noo niya dahil may damit sa sahig. Napapailing na sinipa niya papuntang gilid iyon dahil puno na ang kanyang kamay. At isa pang damit pambabae ang kanyang nakita. Kinabahan siya, nagdidilim na ang kanyang paningin, at naghinala. Dahan-dahan siyang lumapit sa silid ni Albert, may mga ungol ng babae at lalaki sa kwarto!

"Oh! Ohhh...!...b-bilisan mo pa..."

Nabitiwan ni Zandra ang hawak niyang regalo. Siya ang nasorpresa sa kanyang nakita. Pasan ng kanyang mga palad ang nagulantang na mukha, nag-umpisang rumagasa ang kanyang mga luha samantalang ang mga hayop ay patuloy sa kanilang pagtatalik.

Mistulang nakakita ng multo si Albert. Tumigil ito sa paggalaw sa ibabaw ng babae.

Hindi na kaya ni Zandra, parang sasabog na sa sakit ang kanyang puso. Pinulot niya ang mga nalaglag na regalo at hinila pasara ang pinto pagkalabas niya. Humahagulgol siyang sumubsob sa manubela. Binuhay niya ang makina at pinaharurot palayo ang sasakyan.

"S-saan ako nagkulang! Huhuhu..."

Muling naalis sa pagkakatahi ang sugat ng ng kanyang puso. Hindi niya alam kung saan pupunta. Mag-iisang oras na rin siyang nagsusunog ng gasolina.

Huminto siya sa isang tabi. Ibinuhos niya sa cake na may nakasulat na 'Happy 2nd months of love,' ang sama ng loob.

"W-walang hiya ka! Bakit mo nagawa sakin ito.... I-isang buwan lang tayong hindi nagkita..." Paghihinagpis niya.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Kde žijí příběhy. Začni objevovat