Ang Bagong Buhay ni Zandra

169 9 0
                                    


NAKADUNGAW mula sa ikalawang palapag ng kanyang bahay, wala na ang dating bundok na tinatanaw habang ang sariwang hangin ay humahaplos sa napakaganda niyang mukha. Napapangiti si Zandra. Dahil sa kasipagan ay nakabili siya ng magarang bahay. Ginawa niyang restaurant ang unang palapag nito. Wala na sa kanyang balitataw ang nakaraan. Marahan niyang ibinuka ang dalawang palad upang samyuhin ang bulaklak ng halaman sa kanyang harapan subalit napagtanto niyang may hawak siyang baso na ngayo'y sinusundam ng kanyang mata paibaba ngunit hindi ito nabasag.

"S-sorry!" Paumanhin ni Zandra kay Nicole dahil sa kamay nito bumagsak ang baso.

Tumingala ang dalaga. "Wala po iyon." Nakangiting sagot nito at nagtuloy sa loob.

Tatlumpong taon na si Zandra, simula nang malaman niyang may Asawa na si Arold ay wala nang nangahas sa kanya para ligawan, at kung meron may ay sarado naman ang kanyang puso subalit iba na ngayon. Masaya na siya sa buhay kasama ang mga katulong niya sa bahay na ngayon ay malapit na sa kanyang puso.

"Ate Zandra, halika na po sa ibaba at kakain na." Tawag ni Nicole sa kanya.

Ngumite si Zandra. "Susunod na ako."

Magandang dalaga si Nicole, dalawampo't isa na ang gulang, tulad niya ay wala ring nobyo ito. Ayaw nang mag-aral ni Nicole dahil nahihiya na daw siya. Paano kasi ay grade one lang ang natapus niya ngunit hindi iyon naging hadlang para tanggapin niya ito noong nag-aapply bilang tagapagluto sa restaurant niya. Masarap magluto ang dalaga kaya sumunod na siya.

Halos walang tao sa ibaba. Dalawampo ang ang mesa roon subalit lima lamang ang okupado ng mga kostumer. Araw ng sabado kaya walang masyadong tao, karamihan kasi sa mga kumakain sa kanila ay mga guro, estudyante, pulis, at mga empleyado sa municipyo.

Nakaagaw sa atensyon ni Zandra ang magkasintahan sa sulok. Masayang nagsusubuan ng pagkain ang magkapareha. Naalala niya si Arold, subalit umiling siya at iwinaksi ang ala-alang iyon.

"Nasaan sina Gladys at Carla?" Tanong ni Zandra kay Nicole, pareho na silang nakaupo.

"Tinawag ko na po." Nakangiting sagot ng dalaga. Mayamaya ay dumating na ang dalawa.

Matapus maupo ay taimtim silang nag-alay ng panalangin at pasasalamat sa Diyos - nagsimulang kumain.

"Kumusta kayo ni Aldrin, Glad?" Nanunuksong tanong ni Zandra.

"Yun, umiiyak." Aniya, halatang nagbibiro.

"Nakipagkalas ka na ba?" Interesadimo namng tanong ni Nicole.

"Pinalo kasi siya ng papa niya." Natatawang pahayag nito. "Magsusunog daw muna siya ng kilay kaya nakipagkalas sa'kin." Seryoso nang pahayag nito.

"Anong sagot m0?" Si Carla.

Pinilit nitong ngumite. "Syempre nagbiro ako." Tumigil ito at kumuha ng ulam samantalang kumakain na ang lahat, "Halika nga at ako na ang magsusunog ng kilay mo, biro kong ganun."

"Tapus?"

"Yun! Sinabihan akong tanga! Ni hindi nga niya ako pinagsalita. Tumakbo pa palayo." Tumawa siya, halatang pilit.

"Ay... Okay lang yan, marami pa dyang iba." Si Nicole

"Ay sus! Parang pinagdaanan mo na iyan." Kanti ni Carla.

"Excuse me, lima na kaya ang ex ko nu." Pagmamayabang naman nito. "Ikaw nga itong wala."

"Mabuti na iyan," baling ni Carla kay Gladys, "para pare-pariho tayong single!"

Nagtawanan sila.

Apat ang kwarto ng bahay ni Zandra, nasa itaas lahat iyon. Bago matulog ay nakasanayan na nilang manood ng action movies o iba pang naiisin nila.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें