Sekreto

211 10 3
                                    

Sa labas ng kahariang iyon ay nagkatipon ang mamamayang kapre upang hilinging makita ang kanilang mga bayani. Bata, matanda, iba't ibang kasarian ay naroon.

Hinayaan sila Berto at Elyas na makalabas sa silid na iyon. Iniutos ni Kaper na putulin ang linya.

"Mabuhay ang ating mga bayani!"

Hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga kapre.

"Mabuhay!!!" Sunod-sunod na sigaw nila.

Samantala:

*"Magsialis kayo!" Malakas na sigaw ng Kaper sa mga mas nakakababa sa kanya mula sa silid na iyon. Masakit ang loob niya dahil sa pagkapahiya.

"Handa sa'kin ang mga taong iyan!"

Bumukas ang pinto, "Mahal na Kaper, ipagpaumanhin ninyo ang aking pagpasok sapagkat nakarating na Ripa sa kastilyo." Pagbabalita ng kawal.

Nagliwanag ang mukha ni Kaper. "Susunod na ako."

Mula sa himpapawid ay tanaw ni Kaper ang napakaraming Kapre sa ibaba na mistulang buhangin sa gilid ng dagat. Tahimik na aang siyang napapailing. Sabik na siyang makita ang magandang asawa.

"Kailan ka pa nakabalik mahal ko?" Nagagalak na bungad niya sa asawa at nagkayakap sila.

"Kararating ko lamang."

Kasama si Repa o Susi na kapated ni Ka Tado na nagtago sa ilalim ng lupa noong araw ng digmaan.

Malaking babae si Rape na halos kasintangkad na niya si Kaper dahil sa pag-inom niya ng katas ng asokapre. Nakasuot ito ng tapis sa kanyang balakang habang ang malulusog na dibdib nito ay natatakpan lang ng kapirasong tila; napapalamutian ang ulo niya ng dyamanting korona, agkikislapan nan ang mga hikaw niyang ginto na may maliliit na diamond, at nakasabit sa kanyag leeg ang napakagandang kwentas.

"Hindi ka ba nasaktan sa ilalim ng lupa?"

"Hindi naman mahal ko. Ang labis ko lamang inaalala ay ikaw...'' Hinalikan ni Rape ang mga labi ng asawa. "Sabik na akong muli kang makaniig..." Bulong niya at doon nila pinagsaluhan ang nag-aalab nilang laman.

**__**
SA LOOB NG KWEBA na naging saksi ng pagmamahalan nila Elyas at Zandra namalagi sila Berto kasama ang pitong dwende na kaibigan nila.

"Ikinagagalak namin ang inyong kalayaan mga kaibigan!" Matinis ang tinig ni Dwet.

"Salamat munting kaibigan." Si Elyas.

"Utang namin sa inyo ang lahat," si Berto.

"Walang anoman iyon..."

Tumayo si Elyas upang kumuha ng *asokapre. Matapus bilugin iyon ay tig-iisa silang kumuha at nagtabako. Nakaramdam sila ng panobagong lakas.

Sa paglipas ng maraming taon na hindi masilayan ang kwebang iyon ay halos mapuno na ng mga punong asokapre ang lugar.

Isang gabi, habang mahimbing ang lahat sa pagtulog ay naalimpungatan si Dwet dahil nahulog siya sa higaang bato. Tumayo siya. Dinuraan niya ang isang bunga ng asokapre na nagbigay sa kanya ng liwanag. Samantalang malakas naman ang paghilik nila Elyas at Berto.

Habang sinisindihan ni Dwet ang kanyang tabako ay aksidente niyang naapuyan ang kanyang mukha.

"Bakit himdi mainit?" Takang-tanong niya sa sarili. Inulit niya iyon ng inulit hanggang sa magsawa siya.

Pagka-ubos niya sa kanyang tabako ay payapa siyang naupo. Pinapanood niya ang umaapoy na asokapre sa kanyang mga palad.

"Pssst!" Anang tunog.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz