Author's Note

12 4 0
                                    

Hi guys, I'm planning to replace the Chapter: Ang Wakas. Nais ko kasing dagdagan ang kwento dahil medyo nakakabitin... Skl Hahaha

Also, I wanted to share that this story was originally written in an old notebook of mine last November 2013. Nagsimula ako dito sa wattpad noong 2015 at tumigil din after a year (2016) dahil nag-enrol po ako sa kolehiyo. Kasalukuyan parin akong nag-aaral at kumukuha ng kursong BS Agricultural and Biosystems Engineering, incoming 5th year. At muling nagbabalik sa wattpad 😄

This story, I personally and patiently transfer it from notebook to wattpad para i-share. Para naman kahit mawala ako dito sa mundo ay may maiwan akong alaala... 🤗 I'M not a suicidal person pero hindi natin matatakasan ang kamatayan. At dahil dito, naisipan kong mag-iwan ng marka sa mga giliw kong mambabasa.

Labis akong nagpapasalamat sa lahat ng umantabay at bumasa ng aking kwento. Kilala n'yo po kung sino kayo. Taos-puso ko po itong iniaalay sa inyo. Maraming salamat po sa pagbibigay ng stars na nagsilbi bilang lakas ko upang magpatuloy pa...

Sa kabila ng pandemyang ito, kaisa n'yo ako sa muling pagbangon, pakikibaka, at patuloy na gagawa ng mga bagay na ikauunlad natin bilang isang huwaran at maaasahang indibidwal.

Maraming salamat.

Nagmamahal,
Erniepcon

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora