Ang Pag-ibig ni Zandra

259 11 0
                                    


****Pagkaraan ng limang taon.****

[Earth] „[Daigdig ng Tao]

Simula nang mawala si Zandra ay ipinagbawal ng akyatin ang bundok. May puti na sa mga buhok ni Mang Kanor at ang asawa nitong si Linda ay kalilibing pa lamang dahil sa sakit nitong kanser. Tanging si Arold na lamang ang kasama ni Mang Kanor sa kanyang bahay na kapwa naghihintay sa pagbabalik ni Zandra.

"A-anak." Mahinang tawag ni Mang Kanor lay Arold. "Alam ko kung gaano mo lamahal ang aking anak." Umubo ito at idinura ang makapal na plima sa may bintana. "A-alam kong malapit na rin akong sumunod sa kanyang ina."

"Ssshhhh..." Niyakap ni Arold ang ama ng minamahal na nakaupo sa paborito nitong upuan na di-tumba na nakaharap sa bentana kung saan nakadungaw sa mahiwagang bundok. "Makikita pa ho natin si Zandra."

Nabalitaan ng buong bayan ang pagkawala ni Zandra noong araw na iyon. Pagkababa nila sa bundok ay agad silang bumalik kasama ang mga pulis at minero para buksan O sirain ang dingding ng kweba ngunit hindi nila iyon nagawa. Ilang buwan silang nanatili roon ngunit wala silang nakitang lagusan patungo sa mundo ng mga kapre kundi ang mga gintong alahas na nakasilid sa malaking kahon ang kanilang natagpuan. Pinaghatian nilang lahat ang kayamanan. Ang parte ni Mang Kanor ay naubos sa pagpapagamot at pagpapalibing sa asawa.

"B-baka naiinip ka na sa anak ko... Pwede ka namang maghanap ng iba." Mahina at may kasamang ubo na wika ng matanda. "Pwede ka namang maghanap ng iba."

Humawak si Arold sa kamay ni Mang Kanor. "Huwag ho tayong sumuko..."

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng ingay ng bata.

"Lolo Kanor!" Malakas na sigaw ni Roly.

Apat na taong gulang na si Roly. Bibo itong kumilos at masipag. Kada Sabado at Linggo ito na namamasyal sa bahay ng matanda.

"Oh apo."

...Apo ang tawag ni Mang Kanor maging si Linda kay Roly kahit hindi nila kaano-ano ito. "Nasaan si Mommy Yrnea mo?" Nakangiting tanong ni mang Kanor, pilit nitong pinipigilan ang pag-ubo.

"Asa labas po! Lasama ni pops sa labas..."

"Kung hindi lamang nawala ang tita Zandra mo tiyak may kalaro ka na." Wika ni Mang Kanor.

Napangiti naman si Arold sa narinig.

"Hindi bali na po. Sabi ni pops magkaka-ading na daw po ako."

Ngumiti ang matanda, "Talaga? Ano naman ang gusto mong kapates kung sakali?"

"Sabi po ni moms, babae daw po ang gusto niya..."

Masayang nagmano ang mag-asawa kay Mang Lanor. Si Yrnea ay tumaba ng kaunte ngunit ang hubog ng katawan nito ay tila walang pinagbago. Namumula ang mga pisngi nito at lalong lumusog ang kanyang mga dibdib samantalang si Alex ay lalong naging matipuno.

"Kaawaan layo ng Diyos mga anak."

****-----****

[Munpre]

NAGKAWATAK-WATAK ang ika-4 na teritoryo O Kaperia. Ang Kaper at Rapep ay magkahiwalay na namundok. Sakop na ng mga dating alipin ang buong Munpre. Marami sa mga heneral ng Kaper ang pataksil na pinatay. Unti-unting binba at winasak ang lanilang mga suplay at pagawaan ng mga armas. Kasama na ng Kaper ang mga tao na pinamumunuhan ni Komander Daguhoy at ni Berto.

Malaki ang ipinagbago na dulot ng digmaan sa buong Munpre. Nagmistulang patay na syudad ang dati ay kakikitaan ng kaunlaran. Milyon-milyon ang bilang ng mga nasawing kapre kabilang ang iilang bilang ng mga tao.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon