Pinakamadilim na yugto ng buhay ni Zandra

207 10 2
                                    

[Earth, 2025]

Sa loob ng kweba:

Kalat na sa buong paligid ang kalaliman ng gabi, ang napakalakas na liwanag na nagmula sa ilalim ng kweba ang lumamon pagdaka sa kadiliman. Muling nagbalik sa dati at ang katawan ni Zandra ang nalabi.

Nagising si Zandra kinabukasan dahil sa ingay ng tubig pababa sa ilog. Kumurap-kurap siya. Kinusot niya abg kanyang mga mata at nag-inat na mistulang nanggaling siya sa mahimbing na pagtulog. Muli niyang kinusot ang mga mata nang maalala niya ang lugar na kinaroroonan niya. Patakbo siyang lumabas sa kweba upang puntahan ang kanyang mga kaibigan lalo na si Arold. Napahinto siya, ang mga ngiti niya ay unti-unting nabura. Naalala niya si Elyas! Bumalik siya sa loob ng kweba para makabalik sa mundo ng mga kapre. Sinugod niya ang pader ngunit nasaktan lang siya. Makailang ulit niyang ginawa iyon hanggang mag-umpisang dumaosdos, lumampisay siya sa tubig at umiyak...

"Elllllyyaaaaasssssass!!!!"

>###<

Nagliparan ang mga ibon. Basang-basa na ang kasuotan niya, ang sikmura niya ay naghahanap na ng makakain. Lumabas na siya ng tuluyan... Nanginginig ang mga tuhod niyang inakyat ang puno ng mansanas upang kumuha ng bunga nito. Matapus kumain ay sinundan na niya ang daan pabalik sa bahay nila.

°°°°^^^___^^^°°^^

[Alex @ Yrnea]

"Pops!!! Pops!" Sumisigaw na lapit kay Alex ang anak nitong babae, si Desaina. "Pops s-si k-kuya oohh..." Humihikbing sumbong ng bata sa ginawa ng kanyang kapated na si Roly.

"Ohhh....," hinalikan niya ang noo ng anak na tatlong taon ang gulang. "Kawawa naman si Barbie. Bakit niya sinira?" Kinuha ni Alex ang laruan ng bata at muling ibinalik ang natanggal na ulo ng Barbie doll nito.

"Roolllyyyy....?!" Tawag ng ama sa anak.

Nakayukong lumapit ang walong taong gulang na bata sa ama.

"Roll... Say sorry to your sister." Mahinang pakiusap ni Alex sa anak.

"Pero pops?!" Angal ng bata.

Bumaling ai Alex sa anak na babae. "Sai..."

"Mmmm"

"Ano ba kasing ginawa ng kapated mo at sinira mo itong doll niya?"

"Pinunit po kasi niya 'yong librong binili ni mama para sa'kin... " nakasimangot na sagot ni Roly. "Kailangan ko po 'yon sa Monday."

"Okay, ganito na lang." Pinagharap ni Alex ang dalawang anak sa isa't isa. "Rol...? Sai...? Ayaw ko nang maulit ito ha? Dapat ang magkapated ay hindi nagsisiraan ng gamit kasi mag-aaway kayo at ang pag-aaway ay?"

"Ayy maasaaammmaaaaa..." Dugtong ng magkapated."

"...at dapat tayong lahat ay?"

"Magmahalan!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mag-aama.

Araw ng Sabado, ang buong pamelya ni Alex ay nasa bahay nila Mang Kanor na magdadalawang taon nang namayapa dahil sa sakit nito. Ang pamamamasyal nila sa tahanan nila Mang Kanor ay nakaugalian na nila. Samantalang sila Jack, Arold, Nick, Jolan at Jane ay madalang kung mamasyal doon. Huling dumalaw ang mga ito noong araw ng mga patay.

"Eoly!!!" Tawag ni Yrnea sa anak. "Bilisan mo d'yan at aalis na tayo."

"Yes moms... Si pops po?!"

"Hayon inihahanda na ang sasakyan.

Palubog na ang araw nang lisanin nila Alex ang bahay nila Mang Kanor. Kinabukasan ay araw ng Lunes. Tatlong bosena ang pinakawalan ng kotse ni Alex at tumalilis palayo.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن