Pagkakatuklas ng mga Dwende sa Lagusan Patungo sa Mundo ng mga Tao

163 8 0
                                    

Araw-araw na nakakatanggap ng mga regalo si Zandra. Puno na ang lalagyan niya ng mga stop toys. Puno na rin ng chocolates ang sarili niyang refrigerator sa kwarto dahil kay Albert.

Naging madalas ang paminsanminsang paglabas nila. May mga pagkakataong kasama nila sila Gladys at Nicole, at mas madalas na sila lamang ni Albert ang magkasama.

Ilang buwan na rin ang lumipas nang unang halikan siya ni Albert. Hindi na naulit iyun dahil napagkasunduan nilang isantabi muna ang bugso ng kanilang damdamin, ang malinaw sa ngayon ay nasa getting to know each other pa lamang ang status nila. Hindi paman niya boyfriend si Albert ay may tawagan na sila.

"Good morning mylab =)" Ganito agad ang mensahing sumasalubong sa inbox niya tuwing umaga. Agad naman niya itong ri-replyan.

"Maganda naman ba ang gising mo mylab?"

"Lagi namang maganda eh."

"Talaga?"

'Oo naman, kahit in-snob mo ako kagabi..."

Nag-isip siyang mabuti kung anong isasagot rito dahil nakatulugan niya ito kagabi matapus siyang ihatid sa kanyang bahay.

"Pasensya ka na mylab, nakatulog na kasi ako noon... Ang layo kaya ng Tagaytau... :( hayaan mo, babawe na lang ako."

Maghapon silang namasyal kahapon, hindi niya makalilimutan ang araw na iyun dahil first time niyang makita ang Taal volcano at lake nito kasama ang pinakamamahal niya.

"Naiintindihan ko naman po mylab ;), okay lang po yun.... Nga pala, paano ka naman po makakabawe?"

"Ngayon na?"

'Eh, ano namang gagawin ko dyan?"

"Ano?"

"Iiyak ka lang!"

"Ausss?"

"Baka hindi mo matanggap kapag matalo ka sakin."

"Oh ano... Pupunta ka ba o hindi."

'Saka na lang."

"Bakit? :(."

"Magpraktis ka muna."

"Ay, ang yabang."

"Wait mo ako..."

Hindi na nagreply si Albert. Tumayo siya at naligo sa banyo. Matapus maligo ay nagpalit siya, seksi short at sando lamang ang susuot niya. Hindi siya nagasusuot ng bra kapag nasa loob siya ng kwarto, dahil may bisita siya ay muli niyang hinubad ang damit at isinuot ang kulay itim na bra na lalong nagpalusog sa dati na niyang malulusog na dibdib. Katatapus lamang niyang magdamit nang makarinig ng mga katok sa pinto.

Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad ang gwapong mukha ni Albert, napanganga pa ito dahil sa suot niya. Napalunok ito. "H-hi." Tanging namutawi sa kanyang bibig.

Matangkad si Albert, hanggang leeg lang siya nito. Nakashort lang dib siya lampas sa itaas ng tuhod at kulay puting t-shirt na pinatungan ng bulaklaking polo.

"Hi."

Pinatuloy niya sa loob ng kwarto si Albert, inilock niya ang pinto. Dalawa ang kompyuter ni Zandra sa kanyang kwarto, isang personal at laptop. May dala namang sariling computer si Albert.

"Zandra."

'Mmm?"

"Anong lalaruin natin?"

"Barilan."

"Sige, ako na ang gagawa."

Matapus mag join ni Zandra ay nagbakbakan sila.

"Hetong sayo!" Pinaulanan siya ng bala ng player ni Albert ngunit nakatago siya.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now