Hudyat ng Digmaan- Munpre

289 15 0
                                    

Nag-aawitan ang mga ibon; ang liriko ng togtogin na naririnig ni Elyas ay nakagagaan sa pakiramdam.

Matapus ang lahat na nangyari sa kanyang buhay, mga trahedyang nag-udyok sa kanya upang umanib sa kilusan ng mga Gerilya at mga paghihirap na dinanas niya sa kamay ng mga higante ay ito siya nilalanghap ang sariwang hangin. Hindi niya nmalayan na pumapatak n pala ang kanyang luha tulad ng sa kalapating nakahawla na pinakawalan matapus ang napakahabang panahon.

Ang matipunong itim na si Elyas ay walang kapaguran sa katatalon dahil sa labis na kagalakan samantalang ang pakay nito sa labas ay biglang sumirit sa kanyang palasimsiman. Kailangan niyang bumalik sa lugar na pinagtamnan nila ng punong asokapre matagal na panahon na ang nakararaan; natitiyak ni Elyas na walang Kapre roon dahil nagpapahinga ang mga ito sa kabila ng mga pangyayari.

Dahil sa liksi at tulin sa pagtakbo ay agad niyang sinapit ang taniman. Ang inaasahan niya ay hindi nangyari, napakaraming kapre ang naroon!

Napapayuko at napapalundag si Elyas dahil sa mga yabag ng mga paa ng bawat kapre; bakas sa mukha ng mga ito ang takot at pangamba dahil nawala ang lahat sa kanila. Naghahabolan ang mga ito na wari ay nagtuturuan kung sino ang may kasalanan, ang iba naman ay nagsisigawan.

"Darating ang pinakamalakas na pinuno sa buong mundo upang tayo ay tugisin!" Ang sigaw na narinig ni Elyas.

Ngunit ang pinakalider ng mga ito na si Yorep ay ubod lakas na sumigaw:

Kureprep isak!!! (Lalaban tayo!!!)

Ang sigaw na iyon ni Yorep ang pinakamalakas at nagsisilbing kahalili ng Kaper sa Unang teritoryo ay hudyat sa napipintong gera sa mundo ng mga kapre.

Sa pagkakarinig ni Elyas: galit na galit ang mga ito dahil hindi raw patas ang pakikitungo sa kanila. Sila ang nagbubungkal ng lupa, nagtatanim at nag-aani ngunit hindi sila ang kumakain dahil ang mga ani at kayamanan ay napupunta lamang sa Ikalawang teritoryo. Ang pinakamasakit rito ay wala raw silang karapatanng manirahan sa inaasam nilang siyudad at makapag-asawa ng magandang Kapre. Kaya nang makatyempo sila ay tila mga sabik na dumede sa suso ng kanilang ina.

Nang mabalitaan ng Kaper ang massacre na nangyari sa loob ng kanyang nasasakupan ay agad siyang nagpadala ng mensahero upang ibalita sa mga aliping kapre na parurusahan sila dahil sa ginawa nilang krimen sa pinakamatataas na uri ng kapre.

Subalit nang makarating ang mensahero sa unang teritoryo ay pinagtulungan ito ng mga aliping kapre hanggang sa mamatay at patiwarik na ibinitin sa krus habang ang mga babaeng kapre ay hubo't hubad na isinampay sa malaking puno.

Ang unang mensahero ay sinundan ng isa pa at dalawa pa hanggang sa maipon ang mga mensahero na nakatiwarik sa krus.

Napuno ang Kaper, labis na nagalit ito at nagpadala ng isang batalyon ng kawal upang wasakin ang unang teritoryo kasama ng mga kapreng nakatira roon: bata O matanda, may kasalanan O wala ay walang palalampasin ayon na rin sa mga spy ng mga aliping kapre na malayang nakakahalobilo sa mga mayayaman.

Hindi na lingid sa kaalamn ni Elyas ang pag-aalsang balak ng mga kapre. Matagal nang naiiinggit ang mga ito sa ikalawang teritoryo at sa maluhong pamumuhay ng Kaper at pamilya nito sa ika-apat na teritoryo kung saan matatagpuan ang mga modernong kapre, ang pinakamayaman sa lahat.

Noong unang araw nila Elyas sa mundo ng mga kapre ay pasikritong kinuha ng mga aliping kapre ang kanilang armas na pinag-aralan naman ng mga inteliktwal na alipin.

Nagkatipon lahat ng kapre sa Unang teritoryo upang paghandaan ang pwersa ng Kaper. Mistulang makata na nagsasalita si Yorep sa harapan ng libo-libong kapre habang si Elyas naman ay sinamantala ang pagkakataon upang lisanin ang lugar na iyon tangay ang isang bunga ng asokapre na kasinlaki ng niyog at ang dahon nito ang ginagawang tabako ng mga kapre, ito rin ang nagbibigay sa kanila ng lakas.

"Koreprep isak!!"

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon