Tao-Laban sa mga Kapre

229 13 0
                                    

Habang ang gera sa mundo ng mga kapre ay nagpapatuloy, patuloy naman ang paglobo ng pinsala nito sa buong kaharian.

Ang magarang palasyo ng Kaper ay sira na sanhi ng mga sunod-sunod na pag-atake ng mga sundalo ni Yorep at Tarep. Hawak na nila ang ikalawang teritoryo ( Kayanian ).

"Kunti na lamang at mapapasa-atin na ang buong kaharian sa buong Munpre!" Masayang sigaw ni Tarep habang ang hukbo ay nagdidiwang.

"Tignan mo nga naman." Pagbibida ni Yorep. "Ang dating hinahamak at minamaliit ay kinatatakutan na ng hangal na Karep!"

-at ang buong hukbo ay nagtawanan.

Sa paligid, ang mistulang moog na pader ng Kananian na mahirap pabagsakin ay sira-sira na; ang bahay-aliwan na ang tanging pumapasok noon ay lahi lamang ng Parep. Sa loob mababanaag ang usok ng asokapre. Nagkakasaya ang lahat. Armado ang lahat na naroon maliban sa mga babaeng kapre na dati ay maluhong nabubuhay kapiling ang kanilang mga asawa ngunit ito sila: Ang hubog at hugis ng kanilang katawan ay parang asokapreng nagpapalakas sa mga kapreng mabalahibo, hubo at hubad na nagsasayawan kasabay ng lirikong pina-uso ng mga tao samantalang ang mga sundalo ay agtatawanan.

"Sige sayaw pa!" Sigaw ng isa. Matapang itong umakyat sa entablado at kumuha ng isang babae hila ang mahabang buhok nito. "Bilisan mo naman!!!' " Inilapit ng sundalo ang bibig nito sa tainga ng umiiyak na babae. "Huwag ka na kasing pumalag!"

"Hhhhooooooo!!!" Sigaw ng iba pa at nagsi-akyatan sa entablado, nagsipili ng mapaparaosan.

Isang malakas na dagundon ng bomba ang namayani. Ang mga kapre sa ibabaw ng mga babae ay mabilis na nagsitayo; maya-maya pa ay iyakan ng mga sundalo ang naririnig.

"W-wala akong makita!"

"Bilisan nyo! Inaatake tayo ng mga kalaban!" Lumapit ito sa sumigaw at binatukan. "Gunggong!!! Talagang wala kang makikita! Tumingala ka kaya."

"Magsitago kayo!"

Maliksing nagsitago ang mga kawal sa likod ng mga bato subalit patuloy parin ang paghulog ng mga bomba mula sa himpapawid.

"Mahal na Heneral, kailangan nating bumawe ng putok."

Pakk!!!

Isang malakas na lagapak ang natikman ng sundalo sa kanyang batok mula sa palad ng namumuno sa kanila.

"Huwag mo nga akong pangunahab! Nagsasayang lang sila ng bomba dahil walang kapre sa lugar na binabagsakan nila."

"Madali kayo!" Anang sundalo ng Kaperia. Matapus lumapag ang ekarpe nito na higit na malaki sa mga fighter's, ang mga kapre naman mula sa butas na lilha ng mga bomba ay doon naglabasan ang mga bata, babae (walang lalaki), may kapansanan at matatanda.

Mula sa malayo maingat na enasenta ng Heneral ng Yorep ang isang ekarpe sa himpapawid. Tinamaan niya ito at dumaosdos pababa, damay ang isa pa at kapwa bumulosok pababa.

Bboooooommmmmm!!!!

Nagtawanan ang mga sundalo ni Yorep. Muling umasinta ang heneral at isa pang ekarpe ang nalagas.

Matapus mapuno ang malaking ekarpe ay mabilis nilang nilisan ang lugar, takot-na-takot dahil isa-isa nang nagbabagsakan ang iba pang ekarpe.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Onde histórias criam vida. Descubra agora