First Love Dies

190 10 0
                                    


Nanonood ng drama si Zandra nang makarinig siya ng mga yabag at bumukas ang pinto. Mistulang nakakita ng multo ang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng salamin sa mata habang ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa dalawang bouquet ng rosas. Dahan-dahang tumayo si Zandra na nakasuot ng maiksing short at ang suot nitong T-shirt na kulay puti ay kupas na, kayat bumabakat roon ang kanyang mga dibdib.

"A-arold...?"

Binitiwan ng lalaki ang hawak na mga rosas, naluluha at sabik na napayakap sa babae. "A-ako nga!" Magkalapit ang mukha nila. Marahang hinawakan ni Arold ang mala-anghel na mukha ni Zandra. "K-kailan ka pa nakabalik?"

Tumitig si Zandra sa mga mata ni Arold, sa isang iglap ay ninanamnam na niya ang malambot na mga labi ng lalaki na matagal na hindi naramdaman. Buong husay namang tumugon si Arold. Makaraan ng ilang sandali ay nagbaba ng ulo si Zandra upang bigyan ng daan ang hangin.

"Mag-iisang taon na," habol ang hininga at muling nagkatagpo ang kanilang mga labi.

Dahan-dahan silang naupo sa mahabang sofa habang walang puknat ang kanilang halikan hanggang sa makuha ang atensyon nila sa palabas sa television.

Marahang hinaplos ni Arold ang kanang kamay ni Zandra at buong suyong hinalikan iyon.

"Labis na nag-alala ang iyong mga magulang nang ikaw ay mawala." Ani Arold.

Binawi ni Zandra ang kamay. "Hindi ko man lamang sila naka-usap, sana ay nakapagpa-alam ako ng mabuti bago sila mamayapa..."

"Ilang taon kaming nagpabalikbalik sa mundok." Mahinang wika ni Arold. "Your parents really love you..." Napaluha ito. "Hinalughog namin ang buong bundok at ang mga karatig nito until we lost hope na ikaw ay matagpuan... Labis kong sinisi ang aking sarili." Pangingiyak nito.

"I called you to go back inside the cave that time... But you didn't return." Yumuko si Zandra. "Nagliwanag ang dulo ng kweba at kung anong pwersa ang humila sa akin papasok sa Mundo ng mga Kapre..."

Arold look at her seriously. "That's what we had thought. And because I love you so much ay pinilit kong tinanggap ang mga pagdududa at mga paratang ng ibang tao na baka raw pinagsamantalahan kita and hid your body somewhere in the river. I was imprisoned for 3-days at pinakawalan din dahil naawa ang iyong mga magulang sa'kin. Ang pagdalaw ko rito dala ang mga bulaklak sa iyong mahal na magulang ang tanda ng paggalang ko sa kanila.

"P-patawarin n'yo sana ako..." Tumitig si Zandra sa mga mata ni Arold pagkasabi niyon.

"Matagal na panahon na iyon Zandra... Kalimutan na lamang natin ang nakaraan at magsimulang muli," anito at inayos ang buhok ni Zandra na tumatabon sa mga mata nito. Nagkayakap sila.

"Matagal na panahon na iyon Zandra... Kalimutan na lamang natin ang nakaraan at magsimulang muli," anito at inayos ang buhok ni Zandra na tumatabon sa mga mata nito. Nagkayakap sila.

Simula nang malaman ni Arold na nakabalik na si Zandra mula sa ibang bansa ay dunalas ang pagbisita niya rito tuwing Sabado at umuuwe rin pagkagat ng dilim.

Maaga pa ay naroon na si Arold. Palihim siyang nagluto ng agahan sa kusina upang sorpresahin si Zandra pagkagising nito. Naupo siya sa sahig malapit sa pintuan ng kwarto ng babae. Naidlip siya at biglang napamulagat dahil bumukas na ang pinto. Hindi siya nakita ni Zandra at nagtuloy ang babae sa banyo. Mula ulo hanggang paa ay titig-na-titig si Arold. Ang kurba ni Zandra ay lalong nahubog, maumbok ang puwitan nito na natatakpan ng suot nitong panty, samantalang ang towel nito ay nakasabit sa kanang kamay.

Wala na si Zandra ngunit titig-na-titig parin siya sa dinaanan ng babae. Mabilis niyang pinaluwang ang sent'ron nito dahil nanikip ang kanyang pantalon. Tumayo si Arold at nagtungo sa kusina. Naupo siya, muli siyang nakaramdam ng antok at naidlip dahil sa sobrang tagal ng babae sa banyo.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ