Muling Pagbabalik ni Elyas

187 5 0
                                    

Mula sa di kalayuan tanaw ni Zandra ang dalawang tao.

"Ang takaw mo!" Protesta ng lalaki sa babae.

"Ikaw kaya..."

"Bili tayo ulit?"

Tumayo sila at umalis, pagbalik nila ay may dala silang malaking supot ng junk food* at isang large cup ng mango shake.

"O...0..." Sita ng babae dahil tumalikod ang kasintahan nito at mabilis na kumakain. "Akala ko ba ako ang matakaw... Mukhang susolohin mo na yan ah?"

"Isang peraso lang..."

Humalakhak ang babae. "Ang daya mo!"

"Bakit..." Pang-iinis nito, yung tipong inilapit pa ang mukha sa katabi.

"Iisa lang naman talaga iyan e!"

"O... Sayo na. Baka sabihin mo pang di kita nadamay kapag nagkabato ako sa kidney."

"Bumili pa tayo ng iba?"

.....

Napapangiti na lamang si Zandra sa dalawa habang pinagmamasdan ang mga ito. Kaunte lamang ang tao sa parke. Katulad ng dati, tahimik lamang siyang nakaupo sa duyan. Araw ng lingo subalit hindi ata makakarating ang tatlo. Napasimangot siya.

"Ngumite ka naman dyan." Anang boses.

Hindi niya kilala ang lalaki kaya minabute niyang huwag magsalita o tapunan man lamang ito ng tingin.

"Kung sabagay...minsan kailangan na lang natin manahimik para sa ikabubuti ng iba."

Napatingin siya sa lalaki. Malaman ang sinabi nito subalit walang ideyang nabubuo sa kanyang utak kung nagkita na ba sila nito noon. Nagkibit na lamang si Zandra ng kanyang balikat at itinuon ang atensyon sa cellphone niya para kunsultahin kung matutuloy sila Nicole, Gladys, at Carla.

"Halos araw-araw akong nagpabalikbalik rito, diyan nga nakaupo yung Polar Bear na may malaking puso. Kadarating ko nga lamang, nagtuloy na agad ako rito."

Tumigil si Zandra sa pagtitipa ng mensahe para sa tatlo.

"Sana... Mapatawad na ako ng taong mahal ko." Garargar na ang boses ng lalaki at halatang umiiyak na.

Nakayuko parin si Zandra.

"H-hindi naman ako yung nakita niya." Sumingot ito. "Sana nga ako nalang iyung nakita niya para may karapatan siyang magalit. Ginawa ko naman lahat e...sinundan ko siya ngunit naglaho siya. Halos araw-araw din akong pumunta sa bahay niya hanggang sa hinahakot na ang mga gamit sa loob ng kanyang bahay. Iba na ang nakatira roon... Kung tutuosin siya naman talaga ang nang-iwan sa ere. Pero bakit ako ang labis na nasasaktan? Baka naman kasi may iba na siya."

Naluluhang nag-angat ng ulo si Zandra.

"A-albert?" Nangingislap ang mga mata niya. "I-ikaw ba iyan?"

"Kita mo na? Humaba lang ang buhok ko hindi na ako nakilala..." Nakayukong pahayag ni Albert.

Nakaramdam siya ng hiya pero hindi niya ininda iyon. Sabik na sabik siyang yumakap sa lalaki. "P-patawarin mo sana ako Albert." Umiiyak na wika niya.

"...umiyak ka pa. Ibuhos mo na ang lahat." Hindi tumutugon sa yakap na sabi ni Albert.

"A-akala ko kasi..."

Sa wakas ay hinahagod na ni Albert ang likod ni Zandra. "Akala ko...niloko mo ako kaya nagbakasyon ako sa malayo..." Maalumanay na paliwanag niya.

"Ssshhh...umiyak ka pa."

Kumalas sa pagkakayakap si Zandra. Pinupunasan nito ang mga luha. "Halos lumuwa na nga ang aking mga mata dahil araw-araw at gabigabi kitang iniiyakan matapus ang mga nangyari. Tapus ngayon gusto mo pa akong umiyak?" Pinipilit ng ngumite ni Zandra pero napapatangis parin siya dahil sa mga alaala at mga pagkataong nasayang para sa kanila.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant