Ang Lagusan

230 10 0
                                    

[ZANDRA]

Malamig ang haplos ng hangin. Kalat na sa buong paligid ang liwanag. Ang araw na sumisikat sa Hilaga ay may pagkapula na may pagkadilaw. Walang tilaok ng manok na narinig si Zandra. Tinatamad siyang bumangon. Nais pa sana niyang matulog ngunit sa tantya niya ay gising na ang lahat kaya napilitan din siyang bumangon. Gusto niyang maligo subalit naalala niya nasa bundok pala sila.

"Morning," nakangiting bati ni Arold.

"Good morning," bawi niya, "Ililigpit mo na ba ang tent mo?"

"Oo. Tapus na nga eh, tignan mo?" Nagnguso ito sa paligid.

Iginala ni Zandra ang paningin. Tatlo na lamang ang tent roon.

"Tulungan na kita."

Tumango si Zandra, sapagkat gusto nito ang pagiging matulungin ni Arold sa kanya at maging sa iba. Palihim niyang sinusulyapan ang gwapong mukha ni Arold. Sa tuwing lilingin ito sa kanya ay nagkukunwari naman siyang abala. Mabilis na naayos iyon ni Arold at nagkahulian sila. Nagkatitigan... Tila nangungusap ang kanilang mga mata.

Oh... Ang gwapo niya Lord!!!

"A-ah eh, thanks!" Ngumiti si Zandra, "Iyong sayo naman..."

Matapus kumain at magpahinga ay nagpasya silang ipagpatuloy ang paglalakbay. Maingat na inaalalayan ni Mang Kanor ang asawa dahil may pagkatarik ang bundok. Katulad ng dati ay nasa hulihan sina Arold at Zandra.

" Mukhang nagkakamabutihan ang anak natin at si Arold, ano?" Si Linda hawak nito ang asawa sa kanang braso.

Tumingin ito sa ibaba, kitang-kita ng kanyang mga mata ang masayang mukha ng anak, "Oo nga eh, baka pagbaba natin kasalan n," biro ni Mang Kanor.

"Matanda na rin tayo, syempre gusto ko nang magka-apo."

"Huwag ka ngang nangangarap d'yan, kahapon nga lang nagkakilala ang mga iyan."

"Kung sabagay isang Linggo mo nga ako niligawan."

"Easy to get ka kasi."

"Ah, may gan'un, e kung iwan kaya kita ngayon."

"Huwag naman ganyan. Gusto ko pa kasing sundan si Zandra," pagbibiro pa nito na may kasamang kindat.

"Expired na kaya ako," hinampas ni Linda sa may balikat ang asawa.

"Oo nga pala. Kitas ganun kalakas ang sex appeals mo."

"Mang Kanor! Aling Linda bilisan po n'yo may ilog!" Sigaw ni Yrnea habang hila-hila ang kamay ni Alex.

"Ilog nga!" Maluwang na ngiti ang sumilay sa mukha ni Linda, tanaw-na-tanaw niya ang maliit na ilog na umaagos ng mahina.
Mabilis na naghubad si Yrnea. Suot nito ang twopiece na kulay abohin.

"Wow..." Hindi mapigilang paghanga ni Alex sa kaibigan
"Sira!" Ungos naman nito, "Maghubad ka na rin at nang maturuan kita kung paano lumangoy."

"Sige ba!" Natutuwang sagot ni Alex dahil hindi talaga siya marunong lumangoy. Dahan-dahan siyang lumusong sa tubig. "Hooo!!! Ang sarap ng tubig!"

Pagsapit nila Zandra sa ilog, ang una nilang napansin ay si Yrnea habang tinuturuan nitong lumagoy ang bakulaw na si Alex. Ang mga magulang ni Zandra ay nagsasabuyan ng tubig, sina: Nick, Jolan, Jack, Ka Tado, at Jane ay naghahanda sa paglundag.

"Hhoooooo!!!" Sabay-sabay na sigaw nila sa paglundag sa tubig.

"Tara maligo na rin tayo," paanyaya ni Arold kay Zandra habang naghuhubad ito.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now