Ang Plano (Sa mahiwagang Bundok)

610 14 0
                                    

[Earth, 2016]:

Maaliwalas ang panahon; ang mga ngitngitan ng mga kawayan na inihahawi ng malamig na simoy ng hangin ay hindi na pangkaraniwan.

Ang awitan ng mga ibong-bahay ay tila nakikisabay sa kumpas ng kawayan at pangilanngilan na tunog ng mga sasakyang nagdaraan subalit humahadlang at wari ay sumasalungat ang mga aso dahil ang kahol ng mga ito ang namayani sa tainga ni Zandra.

Alam ng dalaga na sinyalis iyon na may bagong salta sa kanilang pook O hindi kaya ay balik bayan, sapagkat ang mga kapit-bahay kahit nasa 30-metro ang distansya ng bawat isa ay kilalang-kilala ng mga aso; ito ang nagsisilbing mga guardya sa lugar nila.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng mga mahihinang katok sa kalakat nilang pintuan na kalahating nakabuka ang dahon.

"Sino 'yan?" Pasulyap sa kinauupuan niyang yari sa kawayan; hindi na siya tumayo dahil nahulaan na niya kung sino ang dumating.

"Oh Dhay... Kumusta ka na?" Tumayo si Zandra at sabik na yumakap sa kaibigang bakla, si Jack.

Matipuno at talaga namang napakagandang lalaki ni Jack. Sa pagkaka-alam niya simula pa noong nag- elementarya ito sa Timmaguab Elementry School ay pusong babae na ang taglay ng kaibigan. Ito ay hindi na nakatapak sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng determinasyon para makapagtapus; subalit bata pa naman ito, nasa dalawampo ang edad. Samantala, siya naman ay nakapagtapus na sa kursong edukasyon at balak niyang magturo sa susunod na taon dahil sinusulit muna niya ang buhay tambay.

"Heeeto... parang super Inday pa rin ang felling." Humawak ito sa kanyang magkabilang balikat at tila may sumisirit sa puwetan nito, nakikiliti. "Congratulations!"

"Ang laway mo day."

"Ay... never mind 'di ka naman happy sa profession mo, nako day... Kung ako sayo magtuturo na agad; baka may makilala pa akong guwhaaapoo..."

Natawa na lamang si Zandra sa tinuran ng kaibigan.

"Kung ako sayo maghahanap na ako ng boyfriend... Balita ko wala ka first lab."

"Maupo na nga tayo."

"Ay ang taray ini-iba ang usapan... Nagpapatangkad pa ako nuh."

"Bahala ka."

"Palibhasa kasi day ang sungit mo. Kaya seguro takot ang mga barito sayo. Subukan mo din kayang magpa-kikay pag-may time." Umupo na rin ito sa tabi niya. "Sayang ang beauty mo... promise!" Saglit itobg huminto.

"Maiba ako, bakit nag-iisa ka rito?"

"Maaga kasing umalis sila inay at itay patungong bayan. Alam mo na para makarami ng benta."

Halos araw-araw na nag-iisa si Zandra sa munti nilang tahanan. Ang kanyang ama si Mang Kanor ay isang huwarang magbubukid at mabuting ama sa kanya. Samantalang ang asawa nito si Linda ay tumutulong naman sa paglalako ng mga bagong pitas na gulay. Ito ang tanging tulay upang makatawid sa pang-araw-araw na pamumuhay at laking tulong iyon sa maagang pagtatapus ni Zandra sa kolehiyo.

"Bilib na ako sa mga parents mo. Kahit hindi nakapag-aral ngunit masipag at masikap ay unti-unting ring umaangat. Sana makahanap ako ng kagaya ni Mang Kanor..." Boses babaeng wika nito.

"Bakit kasi lalaki ang type mo... Y napakarani naman d'yang mga babae."

"Yikes! Ayaw ko nga nakakadiri kaya nuh."

"Eh bakit hindi ka nandidiri sa sarili mo?"

"Ah! Basta lalaki ang gusto kong makasama," umawit ito. "Hanggabg sa punuti ang mga buhok ko."

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now