Ang Unang Pagkikita nila Elyas at Zandra

238 10 0
                                    

[Munpre]

"KORE (sugod)!!!"

Ubod lakas na sigaw ng Heneral at maliksing nagsipagtakbohan palapit sa unang-tanggolan ng ikalawang teritoryo ang mga kawal nito. Malalakas ang putukan ng mga naglalakihang baril ang namayani sa buong paligid. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang unang platon ng mga kaaway dahil sa labis na katapangan ay sinalansang nila ang bala ng mga sundalong kapre ng Parep.

"Handa!!! Putok!!!"

Wasak ang pader ng siyudad dahil sa lakas ng pagsabog. Walang humpay ang palitan ng mga putok ng baril. Habang ng mga patay ay lalong lumulobo. Kapre laban sa kapwa kapre ngunit ang labanan ay para sa pagbabago. Kailangan nilang mapabagsak ang ika-2 teritoryo para masimulan iyon.

"Humanda ang ikalawang hanay!" Sigaw ng heneral.

Kunting-kunti na lang ay babagsak na ang unang tanggolan. Sa pagdating ng mga bagongbpwersa mula sa ika-4 na teritoryo ay naging imposible na makuha nila ang teritoryo ngayong araw. Nagkahanay ang mga tangkeng de bomba at pinaputukan sila. Nagkalasog-lasog ang mga tinamaang aliping sundalo dahil sa lakas niyon. Hindi nagtagal at may parating sa himpapawid at nagpaulan ng bala sa mga mananalakay mula sa unang teritoryo sanhi upang umattras ang mga ito.

"Kepar kasi repok tarep awekyoer! (Hindi kayo magtatagumpay, mga hampas lupa!)' Sigaw ng isa sa mga sundalo ng Kaper.

[Taltalion]

SA UNANG TERITORYO, ang lahat ay gumagalaw sa paghahanda.

"Ano!?" Malakas na napabulalas ang Yorep dahil sa laking katangahan ng kanyang heneral.

"Bakit maraming nalagas sa atin???" Malakas niyang sinuntik mesa at napatayo. "Hindi na bale pasasaan ba ang pagsisikap natin. Tawagin mo lahat na general at pag-uusapan natin ang bagong plano."

Sumapit ang gabi, madilim ang buong kapaligiran at ang ulan na matagal na hindi nsilayan ay pumatak sa kampo ng Kaper na nakatayo sa teritoryo ni Yorep. Ang liwanag ng malakas na liwanag ay umiikot sa buong kampo ngunit ang mga bantay nitong kawal ay mahimbing na natutulog katulad ng mga bantay sa may pintuan dahil sa lamig ng hangin na humahaplos sa kanilang makinis na balat.

"Kore!" Mahinang sigaw ng heneral hudyat sa marahas na pagsugod.

Mabilis ang mga pangyayari, ang mga kawal na himbing sa pagtulog ay nagpatuloy hanggang sa umaga. Sa labas ng kampo, tinipon ng mga kawal ni Yorep ang mga bangkay ng mga sundalo ni Karep at sinunog. Sa wakas nagkaroon ang panig ni Yorep ng mga tangkeng de bomba at malalakas na armas maliban pa sa mga granada, 32 caliber at garand ripple ng mga tao. Sa unang pagkakataon ay nakaamdam ng tagumpay ang mga aliping Kapre... Patungo sa pag-unlad ng kanilang lahi.

Ang dating masaya, maayos at ligtas na ika-2 teritoryo noon ay mistulang patay na siyudad ngayon. Walang mga bata sa kalsada, mga kapreng naglalakad, mga sasakyang matiwasay na naglalakbay at mga babaeng kapre na nagbibigay ligaya sa mga kalalakihan... Lahat ng mga iyon ay napalitan ng mga sundalong nagbabantay, mga tangkeng de bomba at mga ekarpeng (eroplano) pang-gera ang makikita sa buong teritoryo. Dahil ang mga mamamayan nito ay nasa ilalim ng lupa at taimtim na nagdarasal na sana ay magwakas na ang digmaan.

^^___^^

[Zandra]

Sa taniman ng asokapre lumitaw ang liwanag, sa paglaho niyon ay lumabas ang isang napakagandang babae, si Zandra. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong kapaligiran. Kasinlaki ng bunga ng niyog ang mga prutas ng damo samantalang ang mga kulay berdeng dahon nito ay katulad sa dahon ng saging, ang tanawing iyon ang tanging nakikita. Ang tilamsikan ng mga tubig at ang kwebang kinaroroonan nila ni Arold kanina ay wala na.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now