Ang Kwento ni Ka Tado (Hingil sa mga Kapre!)

501 14 0
                                    

Malayo pa ay batid na nila Mang Kanor na hindi nag-iisa ang anak. Tanaw niya mula sa windshield ng minamanehong owner type jeep na kapalit ng apat na kalabaw ang isang kumpol ng mga tao na naka-upo sa kanilang sala. Tatlong magkakasunod na busina ang pinakawalan ng jeep na nakapagpatayo sa mga tao.

"Magandang gabi ho."

"Magandang gabi ho." Sunod-sunod na bati ng mga ito. Maya't maya pa ay lumabas ang kanilabg anak mula sa kusina kasunod ang isang seksing babae at isang tila maton pero babae. Magalang na nagmano ang kanilang anak sa kanila.

"Magandang gabi po inay... Itay. Sila po y mga kaibigan ko." Pagpapakilala nito sa kanyang mga kaibigan at isa-isang binanggit ang kanilang pangalan, isa-isa rin silang nagmano.

"Kaawaan kayo ng Dyos mga anak." Si mang Kanor.

Nagkayayaang maghapunan ang lahat. Sabay-sabay ang mga magkaka-ibigan sa paghuhugas ng mga kamay habang ang kulay brown na kanin na umuusok mula sa malaking pinggan, dalawang dosenang pritong tilapia na may sawsawang bagoong na may biniyak na kamatis na sinamahan pa ng kalamansi ay naghihintay sa lamesa.

Ang sinigang na bangus na tira nila kanina ay sadyang kuhang kuha ang asim, ang unang pinapak ni Arold matapus magbigay ng taimtim na panalangin bilang pasasalamat sa Dyos.

Pinakbet naman ang inuna nila Jack at Yrnea. Lihim na napapatawa si Zandra sa paghawak ni Jack sa usang hiwa ng talong na nakalabas pa ang kalingkingan.

Nakakamay silang lahat kubg kaya halos mabulunan sila dahil sa sarap ng pagkain at nakakagana lalo na ang sawsawan.

Ang matabang tilapia ay tinik na ngayon; ang sawsawan nito ay mistulang fishpen na nawalan ng tubig. Lahat sila ay himas ang kanilang tiyan ng madako ang usapan sa binabalak na hiking.

"Hindi ba kayo natatakot mga anak? Alam n'yo ba na maraming nawawala sa bundok na iyan."

Si Mang Kanor hindi bakas ang pag-aalala sa mukha dahil matagal na panahon na rin simula nang may nabalitaang nawawala sa bundok mga sampong taon na ang nakakaraan.

"Syempre natatakot din ho kami pero hindi pa naman ho napapatunayan ng sinuman kung ano talaga ang nangyari sa mga iyon. Malay ho natin baka gawa-gawa lang iyon ng mga tao upang sa ganoon ay matakot ang mga mangangaso at mangangahoy para mapanatili ang mukha ng ating kabundukan na kabilang sa 'Rainforest' O iyong mga kakahuyangbhindi pa nagagalaw ng mga tao." Si Arold.

"At kung totoo naman po ang mga engkantong kumidnap sa mga Gerilya't Hapon hindi naman ho seguro nila kami a-anuhin dahil tungkol ho sa kagubatan ang pakay namin. Dapat mabatid ng ating mga kababayan na karapatan nating alagaan at pagyamanin ang ating mga kagubatan lalo pa at nagiging mainit na ang balitaktakan tungkol sa 'global warning' O iyong pagkasira ng 'ozone layer' na nagiging sanhi ng pabago-bagong klima sa iba't ibang parte ng mundo."

"Ay nako Jane... Big correct ka d'yan." Panbabaeng tugon na boses ni Jack.

"Oo nga naman Pang," sabat ni Linda sa asawa, "mukhang may point itong mga bata... Kung sumama na din kaya tayo. Matagal ko na rin pangarap na akyatin iyan pero ayaw akong payagan ng mga magulang ko. Pakakasal na lamang daw ako sa iyo basta huwag lang umakyat sa bundok na iyan."

Napuno ng halakhakan sa gitna ng hapag na iyon. Pagkatapos ng mga talakayan at bangayan ay napagplanohan ng lahat na akyatin ang bundok bukas na bukas din.

Bago pa man namayani ang kahulan ng mga aso sa kanilang bakuran ay nagpagaspasan na ang mga tandang at sunod-sunod na tumilaok. Ang pitong magkakaibigan ay mahimbing pa rin sa pagtulog; ang mga hilik ng mga kalalakihan kasama si Jack ang nakapagpapalabas sa mga magagandang ngipin ni Zandra; hindi nagtagal ay sumunod ang kahulan ng mga aso dahil may mga tao nang nagdaraan sa labas.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon