Daigdig ng mga Kapre

315 11 0
                                    

Sibilisado ang pamumuhay ng mga kapre katulad din sa mga tao sa ibabaw. Mayroon silang tanggulan, bahay-aliwan, pinuno at mga sasakyang lumilipad na hamak na mas-moderno sa eroplano ng mga Hapon. Magkakaiba rin ang mga ugali at angkan na pinagmulan.

Ang mundo ng mga kapre ay nahahati sa apat na teritoryo na pinamumunuhan ng pinakamatatalinong mga kapre: Taltalion (Yorep), Kayanian (Rapep), Gawintel (Tarep) at ang pinakamataas sa kanila ay si Kaper ang pinuno ng Kaperia o ika-4 na teritoryo. Ito ang tagataguyod ng kaayusan at tagatatag ng mga kautusan. Siya ay mula sa angkan ng mga anghel na bumaba sa lupa at doon na nanirahan matapus makapag-asawa roon. Tanging sa angkan nila nagmumula ang mga pinuno dahil itinuturing silang pinakamalakas.

Sa Unang teritoryo ang kinalalagyan nila Elyas. Tigang ang lupain rito at sadyang napaka-imposibling mabuhay ang mga halaman. Kahit minsan ay hindi namalayan ni Elyas na umulan O makakita man lamang ng irregasyon.

Halos taon-taon ay dumarami ang bilang nila dahil patuloy pa rin sa pangngato ng mga kapre sa lupa. Ang ilan sa mga bagong salta ay mga bata na may gulang na sampo pataas at ginagawang kalakal kapalit sa ibang produkto O serbisyo. Kayat ganoon na lamang ang galit ni Elyas sa mga Kapre.

"Keyap tarip awekyoer aya ek!" Sigaw ng isa sa mga nagbabantay kina Elyas, "Perka kawak terap kawpik rep?" Halos mamatay ang mga ito sa tawa.

Sa tagal na panahon na silang bihag ng mga kapre ay unti-unti na rin silang natutoto sa mga lingwahe ng mga ito.

'Talagang sumusobra na ang mga bakulaw na ito ah," puna na lamang ni Elyas sa kanyang isip dahil naintindihan niya ang sinabi ng kapre na nangangahulugan ng ganito:

"Ang mga hampas lupa ay tanga! Bakit gusto niyo silang bilhin?"

Sumagot naman ang isa sa mga bumibili:

"Ayokarap sik kapresenkap!"

Nang marinig iyon ni Elyas ay tila nakahanap siya ng kakampi dahil napahiya ang mga kapre at tumila ang mgabito sa pagtawa kaya mas lalo niyang naintindihan ang usapan ng mga mamimili.

..."Kawik kapresantos kaw tarep wek kurap nakaw kaprekent keyap kaslak pikwak wek?" Dugtong na wika ng babaeng kapre, nakasuot ito ng magarang kasuotan. Kabilang ito sa Ikalawang teritoryo kung saan lahat ng naninirahan roon ay mayayaman.Ayon rito: walang karapatan ang mga utusang kapre na insultohin ang mga kapwa nila wek O alipin.

"Hinahan mo lamang ang iyong boses," sabad naman ng isa pang babae. "Baka nakakalimutan mo naririto tayo sa kanilang teritoryo." Pagpapaalala nito dahil ang mga nilalang sa Unang teritoryo ay puro hangal at halang ang bituka. "Tiyak na magrerebelde ang mga aliping kapre kung ganoon ang pagsagot nila sa mga ito."

"Pagpasensyahan na po ninyo ang kaibigan ko." .asuyong paumanhin ng babaeng Kapre na nagngangalang Kayerka. Ang hitsura ng babae ay napakalayo sa mga larawang napapanood sa mga palabas sa pelikula O telebisyon. Makinis ang balat niya kagaya ng lahat sa Ikalawang teritoryo. Mistulang mga kalahok ang mga ito sa Binibining Pilipinas dahil sa kagandahan ng hubog ang kanilang katawan ngunit sa paglakad ay tila mga lalaki na rumarampa sa sikat na fashion show. Maayos silang manamit. Samantalang ang mga kapre sa Unang teritoryo ay kagaya ng mga sinaunang tao dahil sa mabalahibo ang kanilang katawan at tanging hiyas ng mga ito ang natatakpan ng dahon ng saging sa mga kalalakihan O kababaihan.

Nag-angat ng ulo ang mga aliping Kapre imbes na tumugon at ngumiti ay bigla na lamang nilang sinugod ang mayayamang kapre. Walang magawa ang mga babae kundi ang magyakapan. Ang isa sa kanila ay nanubok manlaban, sinampal ito ng aliping kapre sanhi upang malagutan ng hininga.

Hindi makapaniwala si Elyas sa nsaksihan. Naging marahas ang mga sumunod na pangyayari. Walang awang pinagsasampal ang dalawampong babae hanggang sa dumugo ang pisngi ng mga ito. Sa pagkakataong iyon ay nakasilip ng butas ang mga tao para tumakas.

Mabilis na lumapit si Elyas sa mga bagong salta. Ang mga pawis na pumapatak mula sa maitim niyang pisngi ay patuloy sa pagragasa habang ang mga binata at dalagang nakakulong sa rihas na bakal ay patuloy namang damadaosdos mula sa kanilang mga mata ang mga luhang tila bukal.

Batid ni Elyas ang nadaramang takot O pagkasindak dahil sa mga kababalaghang kanilang nasasaksihan.

"Ssssshhhhh... Huwag kayong matakot, itatakas ko kayo."

Walang panama ang mga kandadong bakal kung ang pag-uusapan ay lakas dahil mistulang mabangis na Leon ang lalaking kulay itim sa pagmagat ng lambat upang may madaanan ang mga tao.

"Sundan ninyo ako!" Tawag ni Elyas sa iba pa upang makalayo sa lugar na iyon.

Parang naulit ang tagpong nasaksihan ni Elyas nang walang awang pagbabarilin ang kanyang ama at panggagahasa sa kanyang ina; subalit sa pagkakataong ito ay mga kapre ang gumagalaw sa ibabaw, habang panay ang daing at pagmamakaawa ng mga kababaihan.

Malayo na ang pangkat pangkat ni Elyas. Ang mga punong nadaraanan nila ay sadyang napakatayog na parang nag-uunahan paakyat sa langit; ang mga ibong nasa himpapawid ay kasinlaki ng eroplano ng mha Hapon sa laki. Kung saan sila patungo ay hindi nila alam.

Nagkawatak-watak ang grupo. Nagtakbuhan ang iba papasok sa kagubatan, sa kapatagan naman ang ilan habang sila Elyas ay pansamantalang nasa ilalim ng kweba.

Maliksi at lubhang napakabilis tumakbo ni Elyas, ang tanging inaalala niya ay ang mga kasamahan na nasa dalawampo at lima dahil halos mamatay na sa pagod ang mga ito. At labis na naaawa si Elyas sa mga kapre na walang kalaban-laban lalo na at babae pa ang mga ito.

Mahirap matunton ang kwebang pinagtataguan nila Elyas, natatabunan iyon ng naglalakihang bato, sa may bunganga nito ay kasya lamang ang isang tao. Medyo may kadiliman dahil sa kalaliman ng kweba. Nagpaalam si Elyas sa mga tao, hindi sumagot ang mga ito. Halata sa mukha ng mga ito ang labis na takot. Natutulala.

"Dito lamang kayo at maghahanap ako ng ilaw at makakain."


Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now