Ang pagka-ubos ng mga Tao sa Mundo ng mga Kapre

194 11 0
                                    

SA likod ng mga rihas. Ang mabagsik na mukha ni Elyas ay nanlilisik ang mga mata. Wala siyang kasalanan. Ngunit bakit siya pinurusahan? Trinato na parang hayop habang ang iba ay nagsasaya, lumalanghap ng usok ng asokapreng nagbibigay buhay at ito siya sa dilim.

'Gaganti ako! Ipapalasap ko sa inyo ang aking bagsik!" At ang sigaw na iyon ni Elyas ang namayani sa kailalan ng gabi.

"Ipaghihiganti ko kayo!!!"

°°°°°°°°°*********°°°°°°°°°°

Sa pagwawakas ng digmaan sa mundo ng mga Kapre: muling inayos ang mga nasirang siyudad. Naging pantay ang karapatan ng bawat kapre. Unti-unting bumangon ang mga kaharian. Lalong dumami ang mga sasakyang pandigma, hinubog ang mga bata sa loob ng kampo upang maging mahusay na mandirigma.

Binigyan ng laya ang mga tao upang magtayo ng kanilang teritoryo at doon paparamihin ang kanilang lahi, sinuplayan ng maraming binhi ng asokapre upang mabuhay subalit ang kalayaang iyon ay panandalian lamang.

Isang napakalaking dagok sa buhay ng mga tao nang lusubin sila ng mga sundalong kapre sa kanilang teritoryo. Sinamsam ang lahat ng pag-aari nila. Inangkin ng Kaperia ang kanilang mga lupain na alay sa mga tao sa maikling panahon. At walang awang sinunog ang mga tao. Samantalang ang mga nakaligtas ay tinatrato nilang mga hayop na nakasilid sa isang hawla.

"Bakit hindi na lang natin sila tapusin?"

"Makakarating tayo d'yan mahal na Karep." Wika ni Kaper.

"Pero bakit mahal na panginoon?"

"Dahil, uunti-untiin ko silang papatayin!" Nagdilim ang buong laharian. Namayani sa silid na iyon ang halakhakan ng mga pinuno.

"BERTo!" Tawag ni Elyas sa katabing silda. "Ito na ang tamang panahon."

"Humanda kayo!"

Si Elyas at si Berto na lamang ang natitirang lahi ng mga tao sa Munpre. Matagal nilang pinag-aralan ang buong lihim ng mga kapre sa tulong na rin ng kanilang mga bagong kaibigan.

"Nahanap mo na ba ang lagusan?" Si Berto.

Yumuko ang maliit na nilalang.

"Ano?" Ani Elyas.

Nilapitan ni Dwet at suminyas rito. Nakayuko paring umalis ang maliit na nilalang.

Umakyat sa ibabaw ng bato si Dwet, "Pagpasensyahan nyo na mga kaibigan... Pepe kasi iyon si De."

Nagkatitigan sila Elyas.

"Nadiskobre namin na dalawa ang lagusan patungo sa mundo n'yo at isang lagusan pabalik rito sa Munpre. Limang lagusan patungo sa mundo namin at napakarami pang mga lagusan ang hindi pa namin napapasok."

"Kailangab mo kaming dalhin sa mundo ng mga tao Dwet," si Elyas, "Kailangan namin ng maraming sandata upang makamit natin pareho ang hustisya."

"Kung ganoon ay kailangan nyo munang makalaya sa bilangguang ito." Maliit ang boses na wika ni Dwet. "Kami na ang bahala."

"Sige."

"Pero..."

"Pero ano?" Kunot ang noong tanong ni Berto.

"Pero bigyan nyo muna kami ng kaunting panahon. Pangako, makakalabas kayo rito na may galus subalit hindi kayo mamamatay."

Malayang labas-pasok ang mga dwende sa kanilang silda dahil sa kaliitan ng mga ito na nasa dalawang dangan ang taas at ganoon din ang taas ng mga tao kumpara sa mga kapre.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now