Pagbabalik-tanaw. [Elyas]

779 15 0
                                    

MAHAPDI sa balat ang sikat ng araw na tumatama sa mga taong punit-punit ang damit; hawak ng bawat isa ang iba't ibang gamit sa pagbubukid habang binubungkal ang matigas at tigang na lupa na kinatutubuan ng mga damong makahiya na lalong nagpapahirap sa pagbubungkal, dahil ang mga tinik nito ay mahapding naitutusok sa makakapal na kalyo ng paa. Nakatali sila na mistulang priso sa isang bilibid at ginagawang alipin.

Ang amoy ng paligid ang tanging nagpapalakas sa kanila. Ngunit ang ipinagtataka ng lahat ay kung bakit hindi sila tumatanda ni pumapayat. Samantala na kung sa ibabaw ng lupa mo malalanghap at masisimot ay magkakanser ka dahil sa dami ng mga kemikal na nakakasama sa usok ng tabako.

Pagsapit ng gabi sa halip na mga huni ng mga kuliglig at mga hampas ng mga pakpak ng mga paniki ang maririnig ay mga hagalpakan ng tawa ang mga Kapre habang kinukunsumo ang napakalaking tabako sa kanilang bibig ang tanging bumubutingting sa kanilang tainga. Ang mga tawang iyon ay nakasanayan na ng mga bihag maliban kay Elyas.

Pilit na tinakpan ni Elyas ang kanyang mga tainga upang hindi marinig ang mga panlalait at nakaka-insultong kwentohan ng mga Kapre. Lalo siyang nakaramdam ng galit nang mabanggit ng isa sa mga Kapre ang naging kapalaran ng kanyang mga kaibigan nang tumakas ang mga ito habang siya ay naiwan sa loob ng kweba at natutulog.

'May araw din kayo,' banta niya sa kanyang diwa, 'pasasaan ba ang mga pagmamanman ko? Gaganti ako!'

Walang araw na hindi nakalimutan ni Elyas ang mga sandali, sumala nang mabihag sila ng mga Kapre gamit abg isang lambat na nakalatag sa lupa na kung susukatin ay nasa 500-metro kuwadrado...

Bumalik ang kanyang diwa sa nakaraan:

Isang malamig na gabi habang ang hukbo ng mga Filipino ay namundok; upang ang hukbo ng Pilipinas ay mapriserba laban sa mga kapwa-Asyanong mananakop na ang tanging minimithi ay ang mapag-isa ang buong Asya sa pamamagitan ng dahas at lakas. Ang mga teritoryong hawak ng ibang mananakop ay dapat mapasakanila. Ngunit ang pamamaraan ng mga ito ay hindi makatao; mas malala ang naidulot nito sa bansa: kagutuman, pinsala sa mga kabuhayan at ari-arian, sakit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan ang naramdaman ng mga Filipino. Mas-masakit pa rito ang naramdaman ni Elyas nang gahasahin ng isang sundalong Hapon ang kanyang ina at pagbabarilin ang ama sa kanyang harapan habang ang mga Filipinong nakikampi sa mga Hapon ay mistulang mga basang sisiw, walang magawa. Lumapit sa kanya ang isa pang Hapon at pinaghahampas siya ng tabla na galing sa parte ng kanilang dingding. Ginapang niya ang paa ng sundalo upang mag-makaawa ngunit kahit anong pangingiyak niya ay ganoon din ang palo sa kanya hanggang sa ubod lakas siyang pinalo sa may batok at nawalan ng malay.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now