Sana'y Dalawa ang Puso Ko

168 4 0
                                    

Makalipas ang tatlong lingo...
***
Nakangiting pinagmamasdan ni Elyas ang emahe ni Zandra. Hindi pa ito nagkakamalay tao. Araw-araw n'ya itong binabantayan. Wala din siyang tulog dahil nais niyang siya ang unang masilayan ng babaeng nawalay sa kanya sa loob ng napakahabang panahon.

Nakarinig ng mga katok sa pinto si Elyas.

"Tuloy."

Bumukas ang pintuan at iniluwa sila Dwet at Dap.

Tumayo si Elyas, kasinlaki siya ang mga dwende.

"Salamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya mga kaibigan."

"Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung hindi tayo magdadamayan sa oras ng kagipitan..." Si Dap. "Siya ba ang nangangailangan ng lunas?" Tanong nito pagkakita sa babaeng payapang nakahimlay sa kama.

"Siya nga... Siya ang aking kasentahan, si Zandra."

Lumapit si Dap kay Zandra. Idinampi nito ang kanang palad sa noo ni Zandra.

"Wala naman palang dapat ikabahala. Sa kalkulasyon ko'y napagod lamang ng husto ang kanyang puso dahil sa labis na nerbiyos... Pero..." Yumuko si Dap.

"May problema ba Dap?"

"Sabi ko na... Hindi nakakatakot ang lagay niya. Tatagal pa ng isang lingo bago siya magigising."

"May paraan pa ba para mas mapadali ang paggising niya? Sapagkat nasasabik na akong mapagmasdan ang maririkit at mapupungay niyang mga mata habang nakikipagtalastasan ito sa aking diwa."

"Sisiw lang iyan para kay Dap!" Si Dwet. "Patay nga kaya n'yang bihayin, ang paggising pa kaya sa taong umihinga pa." Nakaupo ito sa gilid ng kama hawak ang isang tabako. Binugahan niya ng usok ang mukha ni Zandra.

"Umalis ka nga diyan...nakaka-abala ka na." Taboy ni Dap kay Dwet. Bumaling ito kay Elyas. "Ako na muna ang bahala rito Elyas, maiwan n'yo muna ako. Mamaya ay magigising na siya."

"Salamat."

Lumabas ang dalawa sa silid.

Inilabas ni Dap ang mga dalang gamit. Hinubaran niya si Zandra. Walang mababakas na paghanga o pagnanasa kay Dap kahit pa napaka-alindog ng kanyang pasyente. Matapus damhin ang pintig nito sa puso ay tinurukan niya iyun ng napakaliit na karayom, halos hindi ito makita dahil sa nipis, nakakabit ang bawat karayom sa kulay pulang wire*. Lumabas mula roon ang isang liwanag, kitang-kita niya ang puso ni Zandra sa holographic image nito na nalilikha ng mga karayom na nakatusok sa dibdib ng pasyente. Napakabagal ang tibok ng puso nito. Hinawakan ni Dap ang puso ni Zandra sa ere, pinaikot niya iyun. Inilawan niya ng kulay berdeng ilaw ang puso ni Zandra at doon nakita ang problema. Hindi normal ang daloy ng dugo nito papunta sa iba't ibang parte ng katawan dahil meroong nakabara sa loob ng puso nito. Pinatamaan ni Dap nang leser ang bara, natunaw iyon. Sa isang iglap ay bumalik sa normal ang daloy ng mga dugo patungo sa iba't ibang parte ng katawan ni Zandra. Hinugot niya mula sa pagkakatusok ang karayom na may kamera, inilipat niya iyon sa may sentido ng pasyente. Napapailing na lamang ai Dap dahil mas maraming malfunction ito sa ulo. Katulad sa puso ay may bara din ang isang parte ng utak kaya nawalan ito ng malay, hindi normal ang pagpasok ng mga oksiheno. Pinatamaan ni Dap ng leser ang parteng merong bara. Kalat-kalat ang mga bara kaya natagalan sa prosesong iyon si Dap. Tantya niya ay magigising na ang pasyente paglabas niya. Matapus ibalik ang mga saplot ng pasyente ay kumuha ng tabako ai Dap.

Abala sa pagtatako sila Elyas at Dwet nang bumaba si Dap sa magarang hagdanan galing sa kwarto ng pasyente. Tumayo ang dalawa.

"Kumusta na siya?" Bakas sa mukha ni Elyas ang pag-asang mabute na ang lagay ni Zandra.

"Hayon... Baka akala niya nasa langit na siya." Masayang sagot ni Dap sa kaibigan.

"Ang ibig mong sabihin ay gising na siya?"

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ