Prologo

1.5K 19 8
                                    

"Daddy!!!" Masayang lumapit ang malusog na batang lalaki kay Elyas.

Huminga ng malalim si Elyas, ninamnam ang bawat katagang nagmumula sa sariling laman at dugo. Parang lumulundag ang kanyang puso dahil sa tuwa.

"Nagkukumahog na ba at hindi na mapigilan? Ano 'yun Dwenier, anak?"

Masayang niyakap ng ama ang anak. "Ako ba ay hindi ninyo isasali sa yakapan nyong 'yan, ha baby?" Masayang tanong ni Zandra. Hindi pa man sumagot ang mag-ama niya ay yumakap na rin siya sa mga ito.

"Mommy, sabi sa akin ni ginoong Dwet na ipapasyal daw niya tayo sa Mundo ng mga Kapre." Bibong sabi nito habang yakap-yakap ang mga magulang. "Totoo po ba 'yon mommy?"

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Mundo ng mga Kapre..." Ulit na wika ni Zandra. Ang mundo kung saan sila unang nagkita ni Elyas. Ang daigdig na puno ng kagalakan sa kanyang dibdib dahil sa pag-ibig ng asawa. Ang mundong naging saksi ng kanilang pagmamahalan. Kung saan ay nagkahiwalay sila ni Elyas, nakatagpo ng ibang pag-ibig subalit sa huli ay sila parin ang pinagtagpo ng tadhana at biniyayaan ng isang matalino, gwapo, at malusog na bata.

Napangiti ang mag-asawa, at mariing ipinikit ang mga mata...

At bumalik ang diwa ng dalawa sa nakaraan....

***

[Ang Unang pagkikita nila Elyas at Zandra]***


[Zandra]

Habang daan, sinisipa niya ang maliliit na mga batong madaanan. Naghihimutok kung saan pupunta O kung saan magpapalipas ng magdamag dahil ang kapaligiran ay unti-unti nang nilalamon ng kadiliman.

Payapa ang gabi, ngunit maya't maya ay may narinig siyang mga kulog, tumingala si Zandra sa langit.

"Wala namang ulan ha?" Takang tanong niya sa sarili. "Kumusta na kaya sila mama at papa?"

Mahimbing na siyang natutulog nang ano-ano ay magising siya sanhi ng mga kaluskos. Tumingin siya sa paligid at may naaanino siyang isang lalaki.

"A-arold?"

Madilim ang paligid, hindi tiyak ni Zandra kung sino ang lalaking palapit ng palapit sa kinaroroonan niya. Sinukluban siya ng matinding takot. Babae lang siya at nasa pusod pa ng kagubatan sa dis-oras ng gabi at nag-iisa.

"H-huwag kang lalapit." Banta niya sa mama. Kumapa siya ng kahoy. "Papaluin kita-huwag kang lalapit."

Halos maluha na siya at naka-upong umaattras. At ang lalaki ay nawalan ng malay tao, dumaosdos ang mukha nito sa kanyang mga dibdib.

"Kinabahan ako doon ha..."
Ubod lakas niyang inalis ang ulo ng lalaki na nakasubsob sa kanyang dibdib.

Kinabukasan muling nakarinig ng putukan ng mga kanyon si Zandra, "Ano kayang nangyayari dito?"

Inaantok pa rin ang kanyang pakiramdam. Naalala niya ang lalaki.

Mabilis siyang tumayo at tinitigan niya ang mahimbing na natutulog, mahina ang bawat paghinga ng mama.

Mataman niyang siniyasat ang lalaki. "Maitim pero gwapo," anas niya. Malaki ang lalaki na sa tantya niya ay hanggang balikat lamang siya nito.

"Ano kayang gagawin ko rito?"

Nag-isip si Zandra, "Baka masama tao... Kung patayin ko na lang kaya?" Nahintakutan sa naisip si Zandra.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now