Kapalaran ni Zandra

194 12 2
                                    

***ooo***
----+++----

[Mga tao]

"Dito!" Itinuro ni Berto ang isang parte ng mapa. "Nandito ang suplay nila, dito nila ini-imbak ang mga baril at balang magagamit na natin.!

"Kung ganoon dapat nating magapi ang lugar na iyan." Ang Kaper.

Ginawang spy ang mga tao dahil sa kanilang kaliitan sa pagmamanman sa mga kalaban.

"Kailangan nating bawiin ang mga pag-aari natin!" Si Parep.

"Mamayang gabi, susugod tayo!"

***oooo***

Kaperia/Ika-4 na Teritoryo:

Makikita sa paligid ang mga bihag na kapre na abalang nagsisipagtrabaho habang ang mga kawal ni Yorep ay nakabantay sa mga ito. Latay ng latigo ang tanging kinatatakutan ng mga alipin sa tuwing sila ay nagkakamali o kaya ay humihinto sa paggawa. Isang beses sa isang araw lamang sila nakakasingot ng usok ng tabako kaya ganun na lamang ang pagod na nadarama nila.

"Bilis!" Sigaw ng nagbabantay sa isang bihag na nagbubuhat ng isang sako ng lupa at may kasama pang bangis ng latigo. Mapapaiyak naman sa sakit ang kapre. Hindi niya kayang umupo kahit pa naisin ng kanyang mga paa dahil natitiyak niyang sasagarin lamang siya ng latay kapag nagkataon.

[Talumpate]

"Masdan ninyo ang kapalaran ng lahi ni Kaper! Ayon sa nasusulat, lipi lang daw nila ang magiging pinuno. Na sila lamang ang may karapatang tumapak sa lupaing ito! Lumanghap ng hangin! Ang maaaring mag-asawa ng magandang kapre....

"Ngunit ano ang karapatan nila sa mga pinaghirapan nating itinanim? Nais lamang nilang sila ang makinabang sa lahat ng ating pinagpaguran...

"Mga Kapwa ko Gawintel, Taltalion, heneral ka man O hamak na kawal, mga kapwa ko mandirigma at sa mga alipin. Ating samyohin! Na ang nasusulat sa aklat ng kasaysayan ay likhang-isip lamang ng mga mapagbalatkayong lipi ni Kaper!

"Bakit ako ang nagsasalita sa inyong harapan? Bakit ako naka-upo sa trono ni Kaper...? Dahil ako at ang mahal na Yorep na ang mamamahala sa buong Munpre! Lulupigin natin ang mga hangal sa mga kabundukan upang tuluyan nang maglaho ang mga diktador sa ating buhay sa loob ng napakahabang panahon. Hito na! Hito na ang umpisa ng paghahari nating mga alipin noong dakong una...

"Bubuo tayo ng maraming sandata at mga sasakyang pandigma. Sipingan ninyo ang mga kababaihan upang ang ating lahi ang mamumukod tangi at titingalahin ng lahat!!!" Ubod lakas na sigaw ni Tarep.

"Mabuhay ang mahal na Tarep!!!!"-lahat.

"Mabuhay!!!!!!"

"Mabuuuhaaayyyy ang mahal na Yorep!!!"

"Maaaabbbbuuuuuuhhhhaaaaaayyyy!!!!"

"Mabuhay ang mga bagong panginoon!!!!"

****ooooo****
*****----*****
###++++++###

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon