Ang Paghahanap ni Zandra kay Elyas

168 5 0
                                    

Sa basement nila naisipang gawin ang lagusan. Bago nila simulan ay nagtungo sila sa lagusan doon sa ilog upang kunin ang mga kakasangkapanin para mabuo ang proyekto. Nawala sa isip ni Dwet ang tungkol sa ekarpe. Matapus makuha ang mga kailangan ay kaagad din silang bumalik sa earth matapus magpaalam kay Berto.

Nalilito si Dwet sa ginagawang lagusan ni Elyas. Halos hindi niya makita dahil sa kaliitan ang mga microchip naikinakabit ni Elyas sa bawat dyamante. Parang balbon ng ood ang bawat wire nito, hindi niya nakikita sa mukha ni Elyas ang pagod. Talagang bihasa na ito sa paggawa ng lagusan.

Dumaan ang gabi at araw, naroon parin si Elyas. Walang tigil sa paggawa, at wala ding tulog si Elyas dahil na rin sa kapangyarihan ng usok ng asokapre na tinatabako ni Dwet. Katulad ni Elyas, wala ding tulog si Dwet.

"Nangalahati na ba?" Si Dwet, nakaupo ito sa isang dyamante.

"Hindi pa..."

"Ano?" Nanlalaki ang mga mata ni Dwet dahil ilang araw na ang nakalipas. "Bakit ko pa kasi naisip ang tungkol dyan... Kaya mo iyan. Madali lang naman para sayo, diba?"

"Oo naman... Alis dyan!" Taboy ni Elyas sa dwende. Dinampot ni Elyas ang kinauupuan ni Dwet kanina. "Ito na ang huling dyamante."

"Huwag mong sabihin na nag-uumpisa ka pa lang mula ng sinimulan mo yan?"

"Unang hakbang nga."

Tahimik na inayos ni Elyas ang mga dyamante. Siniguro niyang sakto ang bilang ng mga ito, matapus mag-ayos ay lumapit siya sa dingding. Tinapalan niya ng marker ang dingding pinagdikitdikit niya ang mga dyamante hanggang sa matakpan ng buo ang marker na inilagay niya na may maliliit na wire na parang balahibo naman ng aso ang nipis. Tumagal ang prosesong iyun sa loob ng apat na araw.

"Bakit natagalan ka riyan?" Enteresadongvtanong ni Dwet, kasing laki nito si Elyas.

"Ito kasi ang pundasyon ng lagusan. Dapat maging maingat dahil kapag nagkamali ka ng isang detalye ay hindi gagana ang lagusan."

"Oh siya lalabasna muna ako at magpapahangin."

Matapus maidikit ang mga dyamante ay oras na para ilagay ang balat nito.Piniga ni Elyas ang sampong malulusog na bunga ng asokapre para makuha ang katas, pagkatapus ilagay sa lalagyan ay hinaluan niya ito ng kung anong kemimal. Naging malapot ang katas ng asokapre na parang pintura. Maingat niyang tinakpan gamit ang magkakahalong sangkap sa mga dyamante.

Nang bumalik si Dwet ay buo na ang lagusan.

"Bakit hindi kumikidlat?" Kunot ang noong tanongxni Dwet kay Elyas habang nagtutunaw ng isang palayok ng gintocgamit ang isang uri ng kemikal.

"Isang lingo na bukas kaya bukas pa ito magkakakidlat."

Kinabukasan, manghangmangha si Dwet nang makitang kumikidlat na ang lagusan, naglalabas ito ng boltaboltahing kuryente na animo ay isang painting na nakasabit sa dingding.

Masayang pumasok ang dalawa sa bagong gawang lagusan. May mga nagliliparang ekarpe sa itaas, may mga kapreng naglalakad habang ang iba ay nakasakay sa sasakyang iisa ang gulong. Naglalakihan ang mga gusaling may antena na hugis sebuyas.

Nagpaalam si Dwet at iniwan siya. Pagbalik ng dwende ay sakay na ito ng pangarap niyang ekarpe na malayo ang anyo nito sa mga anunang modelo.

"Paano kaibigan, babalik na ako sa mundo namin." Pagpapaalam ni Elyas sa kaibigan.

"Papasyalan na lamang kita... Yeeehaaaa....!"

Lumiladna palayo si Dwet at muli siyang pumasok sa lagusan.

*****

Natapus na ang isang lingo pero hindi pa nakakabalik si Albert.

"Akala ko ba ngayon tayo magkikita?" Malungkot na tanong ni Zandra sa telepono.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon