Patalastas

133 6 0
                                    



Bumalik si Zandra sa kanyang silid matapus pagmasdan ang bahaghari sa kalangitan, umupo siya sa gilid ng kama. Napagko ang kanyang mga mata sa isang maliit na kahon, isa iyong holographic personal computer. Dalawang taon na din siyang hindi nakapagFacebook. Binuhay niya ang aparatos at nagLog-in suya.

"One thousand three hundred messages?"

Pagbukas niya sa mgs mensahe ay puro pangalan ni Albert ang nakarehistro.

Bago lamang ang mensaheng iyon:

Napatingin sa holograpikong kalendaryo si Zandra, dumilim ang kanyang mukha nang maalala ang tagpong iyun. At nagpatuloy siya sa pagbabasa, kalmado, at kampante sa binabasa dahil wala na din naman siyang nararamdaman pa rito.

"Alam kong kinalimutan mo na ako ng tuluyan. Pero ikaw parin ang nasa isip ko. Alam kong wala na ako sa puso mo... Magkaganun paman ay nasa puso parin kita. Gusto kong malaman mo na mahal parin kita." -March 3, 2026*

Napapailing na lamang si Zandra. Araw-araw pala siyang pinapadalhan ng mensahe ng lalaki kaya minabuting magfast forward at piliin ang mga araw na mahalaga sa kanila noon.

"New years resolution ko? Magpapakabait pa ako lalo, iiwasan kong tumingin sa iba para walang dahilan para ma-love at first sight...para sayo lang ako Zandra. Miss ko na ang mga tawanan at asaran natin... -Jan. 1, 2026*

"Noche buena! Sana masaya ka kasi malungkot ako. Labis ang karmang bumalik sakin. Ito ang araw na gusto kong iluwal mo ang unang anak natin. Wala na nga akong hiya. Dahil sa isang pagkakamali ay mistulang bulalakaw na naglaho ang lahat ng mga pangarap ko kasama ka. -Dec. 25, 2026*

"Ipinagtirik ko na naman ng pulang kandela ang aking sarili. Ganito pala ang pakiramdam kapag nadurog ang puso mo. Mistula akong patay! Maliban pa sa patay-na-patay na ako sayo. Ipinagdasal ko ng mataimtim ang aking puso na huminto na sa pagtibok ng Zandra...Zandra...Zandra, pero dahil mahal kita hindi dininig ng Dyos ang panalangin ko... -Nov. 1, 2025*

"Consumers month of the Philippines, sana naging tindera ka na lang at ako ang inilalako mo para kapag may bumili sakin. Kung sakali mang may sira ako, malapit ng mabulok, o kaya ay wala nang silbi... At least ibabalik nila ako sayo. -October 16, 2025*

"Sana ako na lang ang binaril sa Ninoy Aquino International Airport para makaganti ka sa mga pagkukulang ko. Mahigit isang taon na rin... -Aug. 21, 2025*

"Ito anh unang beses kong ipagtirik ng pulang kandela ang aking sarili. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasaksak ang puso mo. Bakit hindi ka matahimik sa aking isip? Ayaw kong ipagdasal na maging masaya ka sa piling ng iba... -Nov. 2, 2025*

Hindi namalayan ni Zandra na lumuluha na pala siya. Muli niyang binalikan ang iba pang mensahe.

"Tapus na ang Drug Abuse Prevention and Control Week maari na naman kitang singuti at iturok papasok sa aking puso. Adik na kung adik basta at marihab akong ikaw ang dahilan. -Nov. 20, 2024*

"Wala sa bukabularyo ko ang tabako gusto ko lang man sanang subukan para kahit sandali ay maibuga ko ang sakit na nadarama ng aking puso ngunit "World no tobacco day' pala ngayon... Kaya hanggang ngayon nasa heart parin kita. -May 31, 2024*

"Ika-5 balik ko sa bahay mi. Nais ko sanang magpaliwanag...pero walang kataotao. Hindi ako nagdala ng bulaklak dahil itatapon mo lang, hindi ako nagdala ng stop toy dahil sisirain mo lang, hindi ako nagdala ng chocolates dahil ipapakain mo lang sa langgam, at lalong hindi ako nagdala ng bibig dahil hindi mo rin pala ako kakausapin. Ang tangi kong dala ay ang nagdurugo ang aking puso. -May 4, 2024*

"Muli kitang pinuntahan sa iyong bahay ngunit sarado. Naghintay ako hanggang alas-dose pasado. Ngayon eh ala-una impunto...tinawagan kita pero 'can't be reached ka... Tinignan ko din kung online ka pero walang berde... Maghihintay ako hanggang umaga... -April 30, 2024*

"Saan ka pumunta? Sinundan kita ngunit naglaho ka. Magpapaliwanag ako. Pumunta ako sa bahay mo pero walang tao. Alam kong monthsary* natin. Alam mo bang gumagawa kami ng 'Sex education film? Sorry pero mali ka ng iniisip... Hindi ako ang nakita mo! -April 29, 2024*

Napanganga si Zandra sa nabasa. Hindi kaya naging malikot lang ang kanyang isip? Pa'nong hindi si Albert ang nakita niya? Impossible!

"Oh my God!" Bulalas niya. "Bakit napakatanga ko."

Dalidali siyang lumabas ng kwarto. Pupuntahan niya ngayon din si Albert. At may nagFlash na mensahe.

"Hi kumusta ka na? Akala ko hindi ka na mag-o-online ulit. Sayang wala ako dyan sa atin, nasa Mindanao ako ngayon... Miss na kita..."

*********

Peep-peep!" Paulit-ulit na nagbosena si Zandra. Mayamaya ay bumukas ang gate.

"Sino po sila?"

"Ako si Zandra, andyan ba si Albert?"

Umiling ang may edad nang ginang.

Gulong-gulo ang isip ni Zandra. "Paanong nangyari ang lahat ng ito?" Tanong niya sa sarili at tumalilis na pauwe.

Kusa namang nag-off ang PC ni Zandra maya hindi niya nabasa ang bagong mensahe ni Albert.

'May magbabalik sayo at siya ang iyong mapapangasawa." Naalala niyang hula ni aling Rosa sa kanya.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now