Sa Muling Pagbukas ng Puso ni Zandra

154 6 0
                                    

Kinabukasan, nagmadaling umuwe si Zandra. Katulad ng dati, pagkahubad ng uniporme ay tumuloy siya sa banyo upang maligo. Pang-bahay lamang ang kanyang isusuot sa muling pagkikita nila ni Albert, sexy short at t-shirt na may manggas na kulay berde. Hindi sa wala siyang class, gusto lamang niyang maging comfortable sa kanyang suot. Pagkababa niya ng hagdan ay naroon sila Nicole at Gladys, nakaupo sa sofa.

"Oh ate, ang ganda natin ha." Bungad ni Nicole, bakas sa mukha nito ang paghanga.

"May date ba tayo?"

Ngumiti si Zandra. "Wala ba kayong pasok?"

"Wala po ate."

"Tamangtama may lakad ako."

"Ay, game ako dyan pwedeng sumama?" Maluwang ang pagngiti ni Gladys. "Okay lang ba?" Tumamlay bigla ang mukha nito.

"Syempre naman, okay na yang suot nyo."

Mayamaya ay may pumaradang itim na kotse sa tapat nila. Bumukas ang pintuan ng driver's seat, katulad sa isang maaksyong pelikula ay lumabas ang isang napakagwapong lalaki. Mistula itong tinatanglawan ng spotlight, inalis nito ang suot na salamin. Napatulala ang tatlo.

"Hi girls." Nakangiting kumaway si Albert sa kanila.

'N-napakagwapo talaga nya...' Di maisatinig na wika ni Zandra. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumapit na silang tatlo sa naghihintay na si Albert.

"Okay lang ba kung isasama mo sila?"

"Basta ikaw, okay lang."

Pagkatapus maisara ang mga pintuan ng sasakyan ay tumalilis na sila palayo sa kanilang bahay.

Sa isang comedy bar sila dinala ni Albert. Napagpasyaan kasi nilang pumunta o magliwaliw sa isang lugar na tiyak mag-i-enjoy sila. Sa parting unahan sila naupo.

"Anong gusto nyong inumin?"

Walang alam sa mga alak ang tatlo kaya hinayaan na lamang nilang si Albert ang umorder ng iinomin nila.

Lemon juice na may kaunting lasa nang alak ang nasa ibabaw ng mesa. Hindi na nag-usisa pa sila Zandra kung anong pangalan ng inoming iyon dahil lumabas na ang mga performer. Lumapit kay Albert ang waiter, may isininyas ito, at humugot ng dalawang libo sa makapal na walet tsaka iniabot. Ngumiti ang lalaki,nagpasalamat, at naglaho sa kanilang harapan.

Isang bakla ang kasalukuyang nakatayo sa itaas ng intablado. Nakasuot ito ng evening gown na kulay asul.

"Hayan... Puno na ang bar! Pwede na ba nating simulan ang ating programa?"

Biglang sumulpot ang isa pang bakla, naka swimsuit ito, at flat chested. "Dapat lang ano, kanina ka pa dapat nag-umpisa! Yan tuloy, paghahatian natin ang talent fee na ibibigay ni manager. Wahahaha!"

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihing hati tayo? Syempre mas malaki sakin kasi late ka!"

"Eh, ano ngayon?"

"Ay, napakaboba! Merkulis ngayon ng gabi."

Nagtawanan ang mga tao.

"Gaga! Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Eh anho phalang ibhig mhong shabihin? Na umagha nghayon? dahil maliwhanag sha kinatatayuhan mho?"

"Halla. Napakabungangira mo naman. Totoo ngang maingay ang lata kapag walang laman, kagaya mo...walang laman ang utak kaya ka madada. Bigyan mo naman ako ng time para magsalita."

Halakhakan ang mga tao at nagpapalakpakan. Lihim namang pinagmamasdan ni Zandra ang gwapong mukha ni Albert. At nawala ang isip niya sa kasalukuyang panahon:

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now