Lumalalang Gera sa Mundo ng mga Kapre

268 12 0
                                    

KAHIT malayo na siya ay dinig pa rin ni Elyas ang hiyawan ng mga kapre.

"Koreprep!!! Koreprep!!!"

Yakap-yakap ni Elyas ang dahon at bunga ng "asokapre" sa pagtakbo. Mapanganib ang daan na binabaybay niya. Ang mga ibong kasin - laki ng eroplano ng Hapon ay tiyak na susugod sa kanya at dadagitin oras na mapansin siya ng mga ito. Sinapit niya ang kweba at sinindihan ang bunga ng asokapre matapus tuhugin ng maliit na patpat na kahoy sa pamamagitan ng pagdura rito.

Pinunit ng liwanag ang kadiliman sa kwebang iyon. Ang mga taong kasama niya ay nakatitig sa kanya.

"Huwag kayong matakot. Ako ay bihag rin kagaya ninyo. Alisin ninyo sa inyong dibdib ang pag-a-alinlangan, iwaksi ninyo sa inyong isipan ang lungkot habang kayo ay narito sa mundo ng mga kapre upang mabuhay. Amoyin ninyo ang usok ng asokapre upang kayo ay mabusog. Simutin ninyo upang kayo ay maging malakas; ubusin ninyo ang usok ng sigarilyong aking likha. Huwag kayong mangamba dahil hindi ito kagaya ng : Kampana, Hope, Champion, Philip, Malboro, Plaza, Marvels, at iba pang tabako sa lupa. Ito ang magbibigay sa inyo ng ibayong lakas."

Itinaas ni Elyas ang kanang braso. "Ako si Elyas! Ang magiging gabay ninyo paakyat sa lupa!"

Mistulang mga taong gulat ang mga bagong salta dahil nagkaroon sila ng lakas ng loob matapus marinig ang mga katagang iyon ni Elyas.

"Hahanapin nating ang mga kapwa tao. Ang ating grupo ay katulad ng sa buhangin. Huwag nila tayong maliitin dahil isinusumpa ko sa inyong harapan na magiging isang matibay tayong pader na hindi basta-basta matitibag ng sinoman!"

"Para sa kalayaan!" Sigaw ng isang bata. "Ako si Boboy ginoong Elyas."

Nagkaingay ang kwebang iyon. Nagkaisa sila. Kailangan nilang magtulungan upang walang mapahamak.

Pinangunahan ni Elyas ang grupo at nag-umpisa silang maglakbay. Baon nila ang natitirang tabako na magbibigay sa kanila ng lakas. Ang kanilang laban ay doon pa lamang mag-uumpisa.

"Ngunit!" Sigaw ng isa sa kanila. "Mahal naming gabay? Sadyang malalaki ang ating mga kaaway. Hindi patas ang laban."

"Huwag kang mag-alala. Ang nasusulat noong dakong una ay mauulit. Papaslangin natin ang mga Goliath katulad sa pagpatay ni David sa kanyang kaaway," huminto si Elyas at nilapitan ang taong iyon na ang pangalan ay Marko. "Huwag kang matakot; sapagkat nasa panig natin ang Diyos."

Sa kanilang paglalakbay, ay nabatid ni Elyas ang pangalan ng lahat. Sa kanyang grupo ang pinakabata sa kanila ay si Boboy na labing-isang taong gulang lamang at ang pinakamatanda ay si Marko na nasa tatlompong gulang. Mapanganib para sa mga tao ang maglakbay dahil mistula lamang silang daga sa liit na maaaring dagitin ng mga agila.

Maliksing sinunggaban ni Elyas ang isang ibon na kung tawagin ng mga kapre ay "kuraw" (agila sa atin). Mabilis niyang dinukot ang mga mata ng ibon gamit ang kanyang mga kuko nang akmang aatakihin nito si Boboy.

"Dapat mag-isip tayo ng paraan upang hindi tayo mapansin ng mga ibon." Suhesyon ni Marko.

Matapus puluputan ng mga damo at baging ang kanilang katawan ay nagpatuloy sila sa paglalakbay. Walang kinapitan isa man sa kanila ng uhaw O pagod kaya mabilis nilang sinapit ang kabundukan kung saan nagsipagtakbuhan ang mga kasamahan.

Sa himpapawid, ang mga sasakyang pang-gera ng mga kapre mula sa ikalawa at ika-apat na teritoryo ay papunta sa lugar nila Yorep. Umakyat sa malaking puno ang grupo ni Elyas upang panoorin ang kasalukuyang nagaganap sa ibaba.

"Nag-umpisa na ang gera!" Bulalas ni Elyas.

Mistulang mga kulog ang lakas ng mga sandata ng mga kapre. Nakakatulig, ang mga tainga nila ay nabibingi dahil sa lakas nito.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now