Lagusan, Pabalik sa Mundo ng mga Tao

165 11 5
                                    

***oooo***

"Kep... Kep?" Tawag ng Kapreng bata na isang babae.

Napamulagat si Zandra dahil sa laki ng batang kapre. Dinukot siya nito mula sa kwarto ng bahay-bahayan. Habol niya ang hinga nang pakawalan na siya nito. Pabiglang hinila ng bata ang kanyang bra at itinapon.

"Arayyyy!!!" Malakas na sigaw ni Zandra. At ganoon din ang ginawa ng bata sa panty niya. Halos mangiyak-ngiyak siya sa sakit...

Maya't maya ay muling hiawakan si Zandra. Sa pagkakataong iyon ay umakyat ang bata sa upuan at binitiwan siya nito.

"Aaaaaahhhhhhhhh!!!!" Sigaw ng laruan at nahulog sa naghihintay na tubig. Masaya ang mukha ng batang hegante habang siya ay pinapaliguan.

Hinawakan ng bata ang paa ng babae at patiwarik na inilublob sa balde. Namumula na ang mukha ni Zandra, kumakawag siya. Nanginginig na ang buo niyang katawan dahil sa kaba. Mistula siyang kutsara na ginagamit sa pagtimpla ng juice sa isang basong tubig.

"Hhhhaaaa uh uh..." Malalalim na hininga ni Zandra matapus mailublob. Hindi nagtagal ay sinasabunan na ng bata ang buo niyang katawan. Nakikiliti siya, maingat na sinabunan ng bata ang mga dibdib at ari ng kanyang laruan. Matapus siyang banlawan ay mariin siyang pinunasan nito, binuhusan ng polbo at sa huli ay sinuotan siya ng batang babae ng magarang gown na kulay dilaw.

Muling ibinalik si Zandra sa naghihintay na kama.

"A-akala ko mamamatay na ako..." Nanginginig pa ring wika niya.

Iniwan siya ng heganteng bata. "Kailangan kong makatakas rito..."

Tinungo ni Zandra ang pintuan subalit dekorasyon lang pala iyon, maging ang mga bintana ay pinta lamang. Minabuti niyang akyatin ang mataas na pader at dahan-dahang bumaba. Maliksi siyang tumalon pababa sa sahig. Natatanaw ni Zandra ang maraming bata sa daraanan niya palabas. Nang malayo-layo na siya ay narinig niya ang hikbi ng isang bata dahil nawawala ang laruan nito. Huminto siya sa paglalakad at palihim na nagtago sa isang kariton. Maya-maya pa ay itinutulak na iyon ng heganteng bata na lalaki palabas ng kweba.

Sa labas, ang mga yabag ng mga kapre naman ngayon ang nagpapakaba kay Zandra. Sumilip siya. Tumakbo siya papunta sa isang puno nang wala ng mga kapreng nagdaraan. Ginawa niya iyon ng paulet-ulet hanggang sa makalayo sa lugar.

Maraming bangkay na kapre sa kanyang dinaraanan. Napakarumi ng buong kapaligiran. May mga bahay na sadyang napakatayog nguniy kulay itim na ang mga ito at umuusok pa ang ilan sa mga iyon. Masangsang na amoy ang tanging malalanghap sa buong paligid. Ang mga naglalakihang mga ood ang unti-unting lalamon sa mga bulok na bangkay ng mga nilalang. Lumihis ng daan si Zandra dahil nandidiri siya. Umalingawngaw naman ang putukan ng mga baril sa di kalayuan. Tanaw niya ang mga sasakyang pandigma sa himpapawid at kung anong mga bagay itong ibinabagsak sa lupa.

Habang pinapanood iyon ay biglang nagsidatingan ang iba pang kapre papunta sa kiukublian niya. Nakasuot ang mga hegante ng kalasag bitbit ang naglalakihang mga baril na mistula nang kanyon dahil sa laki. Tumatakbo ang mga ito ng mabilis kaya maliksi din siyang umalis at naghanap ng mapagtataguan. Dahan-dahan siyang sumiksik sa pagitan ng dalawang pader nang ano-ano ay bumigay ang lupang kanyang kinaroroonan.

Pagbagsak ni Zandra sa ilalim ng lupa ay siya namang pagsabog ng isang napakalakas na bomba sa kanyang kinaroroonan kanina. Huminga siya ng malalim at luminga sa buong paligid. Napukol sa kanyang paningin ang isang maliwanag na butas habang ang paligid nito ay sumisirit ang bolta-boltahi ng kuryente. Ang silid na kinaroroonan niya ay sira-sira na. May mga krak na sa kesame nito. At sa tuwing gumagalaw ang lupa sanhi ng mga pagsabog sa itaas ay may mga batong nalalaglag. Pumulot siya ng isang bato at itinapon iyon sa butas na nagliliwanag. Sumilay sa kanyang mga labi ang tuwa. Mukhang makakabalik na siya sa Mundong ibabaw.

"Boooommmmm!!!"

Umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog at tumilapon si Zandra papasok sa liwanag.

****oooo****

[Gera]

"Kore!!!" Sigaw ng Karep. Sunod-sunod ang mga bombang hinuhulog ng kanyang mga kawal mula sa himpapawid. Lahat ng hukbong tao ay nagmamaneho ng mga ekarpe dahil ito lamang ang sandatang kanilang magagamit.

"Mga bakla!!!" Tawag ni Berto. "Abante!!!"

Mula sa itaas ay tanaw ni Elyas ang mga kapreng nagtatakbuhan pa-attras. Mistulang mga langgam ang mga ito na binubulabog ng mga tao habang walang humpay na hinuhulugan ng mga bomba.

Ang tropa ng hukbo ng Parep at Rapep ay sa ibaba. Sakay ang lahat na kawal sa mga tangke. Nagliliwanag ang mga mukha nila dahil unti-unti na nilang nababawi ang mga Teritoryo.

"Patumbahin ang Yorep!!!" Sigaw ng Heneral.

Nakabibingi ang mga putukan. Nagkakapalitan ng putok ang hukbo ni Karep at hukbo lamang ni Yorep. Ito ang ika-50 araw na gera sa pagitan lamang nila. Kung susumahin ay sampong taon na ang itinatagal ng gera.

Sa pagbagsak ni Yorep ay siya namang paghina ng hukbo ni Tarep.

########################

I must End this story right here.

May continuation po ito sa ibang aklat...

****ooooo****

Author's note:

Kung lumundag po kayo sa pahinang ito ay hindi ninyo maiintindihan ang kwento. Kaya mas makakabuti kung mag-umpisa po tayo sa unang kabanata. Salamat.

Random po ang mga eksina, mapupuna po ninyo ang paputol-putol na pagsasadula ng bawat karakter. Sapagkat hindi po ako naglalagay ng "CHARACTER POV"

>>>for your comments and suggestions handa ko pong sagotin ang mga iyan kahit pa negative :)

#bagohang writer pa po ako.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Where stories live. Discover now