Ang Wakas

228 7 0
                                    

Magandang sumilay ang haring araw, nagpagaspasan palayo sa mga puno ang mga ibon, at napapatingin sa kanila ang bawat hayop na madaanan.

"Yyeeehhhaaa!!! Habulin mo ako." Si Dwet.

"Ang bagal mo mahahabol din kita." Sagot naman ni Elyas.

Isang linggo na rin ang nakaraan. Pilit niyang binubura ang mga alaala ni Zandra. Masaya na ngayon si Elyas dahil mistula silang nagbalik sa pagkabata. Hindi niya mahabol-habol si Dwer, sakay sila sa kanya-kanyang ekarpe.

"Hey Dwet!" Nagflash sa windshield ng bawat isa ang mukga ni Dew. "Pwedeng sumali?" Kumindat pa ito.

"Iiyak ka lang..."

"Andito na ako sa likod nyo!"

"Bahala ka basta ikaw ang taya..."

"Ang angas mo naman!"

Mistulang mga ibon na naghahabolan ang mga ekarpe sa himpapawid. Bihasa na rin kasi si Dwet sa pagpapalipad ng ekarpe.

"Hoy!" Nagflash sa windshield ni Dwet si Dap, nasa unahan na agad ang ekarpe nito. "Sino kayang iiyak!? Yeeehhhaaaa!!!"

Napakamot ng ulo si Dwet dahil pangalawa na lamang siya.

"Hindi ako magpapatalo sayo!" Binilisan pa ng husto ni Dwet ang sasakyan hanggang sa makasabay na ito kay Dap, at kumaway.

May tumawid sa itaas nila.

"Padaan!" Tuwang-tuwang wika ni Berto.

"Bakit wala ka sa opisina mo?" Kunot ang noong tanong ni Elyas.

"Wala ka bang trabah?" Interesado namang tabong ni Dap.

"Meron! Kaya nga ako narito."

"Bumagsak ba kami sa speed limit?" Mababakas sa mukha ni Dwet ang pangamba dahil higit na mahigpit ang parusa rito sa Munpre.

"Ako nga rin... Pero idinikklara kong world play time day ngayon!" Binilisan pa ni Berto ang sasakyan, kasunod niya sina Dap at Dwet. "Lumingon kayo sa likod!... Yooohhhoooo!!!"

Maraming sasakyan sa himpapawid. Mistulang mga dragonfly sa ere tuwing hapon ang mga ekarpeng nasa likod nila. Maging sa ibaba nila ay ganun din.

"Wooowww...!" Nanlalaki ang mga mata ni Dew dahil sa kakaibang tanawin sa lahat ng dako at nailiko niya bigla ang sasakyan, babangga na ito kay Elyas!

Buti na lamang at mat sensor ang bawat ekarpe, kaya kusa itong umiwas sa tiyak na kapahamakan.

Pinagpawisan sa kaba si Dew. "Hooo.... Akala ko katapusan ko na."

"Humabol nama kayo dyan!" Si Berto. Makikita sa bawat windshield nila ang mukha ng mga kasama.

Muling napakamot ng ulo si Dwet dahil pangatlo parin siya.

"Ako dapat ang mauna!"

"Kanina mo pa sinasabi yan! Di mo naman magawa!" Si Dap.

Biglang nagpataas si Berto dahil merong bundok sa unahan nila.

"Babangga ako!!!" At parang babaeng nagtitili sa nerbyos si Dwet. Imbes na kontrolin paitaas ay pumikit siya.

"Kahit kailan talaga Dwet, gunggong ka parin! Nerbyoso pa!" Kanti ni Dap kay Dwet. Kung saan ay kusang umangat ang ekarpe ni Dwet kaya hindi ito bumangga sa bundok.

Pataas-pababa sila sa hanay ng mga bundok.

"Ang maguhuli, magmamasahe!" Hamon ni Elyas, kahit na siya din ang nasa hulihan ng karira.

Huminto bigla ang mga ekarpe nila Berto, Dap, at Dwet dahil biglang may dumaan sa harapan nila. Sinamantala naman iyon nila Elyas at Dew ang pagkakataong iyon. Maliksi nilang nilusutan ang mga nagdaraan.

Mundo ng mga Kapre (Kompleto na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon