"Too"

1K 44 0
                                    


"Too"

10:00 PM.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Ang pagkakatanda ko lang ay nagkausap kami kanina. Hindi ko alam kung totoo yun o panaginip lang.

"Ay kabayo!"

Napahawak ako sa bibig ko ng mapasigaw ako ng malakas. Nandito kasi natutulog ngayon sa kwarto ko si Joanna at Jac. Tumayo ako at tumingin sa bintana at nanlaki agad ang mata ko ng makita ko siya na nasa ibaba.

So totoo nga? Baliw na talaga siya.

Kumuha ako ng maayos ayos na damit at nagpalit kaagad. Matapos nun dahan dahan akong lumakad papunta sa pintuan ng kwarto ko pero bago pa ko makalabas narinig ko si Jac at Joanna na tinawag ako. Napalingon ako sakanila.

"Ate, ingat ka." Sabi ni Joanna.

"Ate, sabihin mo sakanya pasalubong ah?" Sabi ni Jac.

Napailing nalang ako at tumango. Sumenyas ako sakanila na matulog na ulit. Ngumiti lang sila sakin. Lumabas na ko sa kwarto ko at nadaan ako sa kwarto nila Mama. Hindi na ko nagpaalam pa at lumabas na kaagad sa bahay namin. Pinagpawisan ako doon ah? Kung nagkataon na mahuli ako ng magulang ko na tumatakas, malalagot talaga ako.

"Hey."

Tiningnan ko siya. Pa hey hey pa siya, hindi ba siya nag-iisip at kung ano nalang ang pumasok sa isip niya bigla nalang niyang gagawin at hindi man lang inaalam kung anong kakalabasan ng actions niya?

"Let's go?"

Lumapit siya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Talagang ginagawa mo kung anong gusto mo noh?"

Ngumiti siya sakin.

"I told you.."

"Whatever."

Pumasok na ko sa kotse niya. Nakita ko siya na napatawa nalang sabay pasok na din sa kotse niya. Nagsimula na siyang mag drive at nakangiti pa ito habang nagmamaneho.

"Saan ba tayo pupunta? Kapag ako napagalitan ni Papa sa ginawa kong pagtakas, malalagot ka sakin!"

Ngumiti lang siya. Hindi niya ko sinagot kaya kinulit ko pa siya ng kinulit para sabihin kung saan kami pupunta. Ilang minuto pa ang nakakalipas huminto ang sinasakyan namin.

"Hoy! Hindi mo ba talaga ako sasagutin kung saan tayo pupunta?"

"Nandito na tayo."

Napakunot noo ako. Tumingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung nasaan kami. Bigla akong napatingin sakanya at nakangiti lang siya sakin.

"Tara?"

Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Muli akong tumingin sakanya sabay tingin ulit sa simbahan.

"Anong.."

"Simbang gabi."

Sagot niya sakin.

"Makikilala tayo, alam mo ba kung anong ginagawa mo?"

Napailing siya bigla.

"Bakit nag-aalala ka na malaman ng ibang tao na magkasama tayo o nag-aalala ka na malaman ng bf mo na magkasama tayo?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko lang sigurong pag-usapan ang tungkol doon lalo na kung siya ang kaharap ko dahil alam ko na hindi tama yun. Natigil ako sa pag-iisip ng hawakan niya ang kamay ko.

"You're safe with me."

Hindi ko na masyadong inintindi pa ang sinabi niya dahil alam ko naman sa sarili ko na totoo yun. Hinila niya ko sa loob ng simbahan, bago pa kami makapasok naglagay na siya ng cap sa ulo ko at ganun din siya. Isang oras din ang nakakalipas ng matapos ang misa at nagsi-alisan ang mga tao. Tiningnan ko siya na nakatingin pa din sa statue ni Jesus.

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now