"Count to Three"

946 46 6
                                    


"Count to Three"

"Come with me."

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwa siya nito. Seryoso ang mukha niya habang sinasabi abg katagang yun. Hindi ko siya maintindihan.

"Why?"

"I have no time to answer your question, Julie Anne. I need you to come with me."

Umiling ako.

"Ayoko. Walang dahilan para sumama ako sayo."

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at nilapitan nalang niya ko at bigla akong hinatak. Pumapalag ako pero masyado siyang malakas.

"Ano ba! Let go of me!"

Hindi ko napansin na mabilis niya kong nakaladkad sa hagdanan. Nakita ko na nakatayo si Mama at Papa.

"Ma! Pa!"

"Tito, Tita, aalis muna po kami ni Julie."

Nagkatinginan si Mama at Papa sabay tumingin sa kumag na ito.

"Sure."

Nanlaki ang mata ko ng pumayag sila. Ngumiti naman ang loko at muli akong hinatak hanggang sa nakarating na kami sa kotse niya. Pinasakay niya ko.

"Saan mo ba ko dadalhin ha? At talagang nabilog mo ang magulang ko at pumayag sila na sumama ako sayo?"

Galit na sabi ko sakanya. Tiningnan niya ko.

"Bakit? Obvious na ba na sakin parin nagtitiwala sila Tito at hindi sa boyfriend mo?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Sinarado niya ang pinto at sumakay na din sa kotse. Tiningnan ko siya ng masama. Okay, sige. Tama na siya dun sa part na nagtitiwala sakanya sila Mama at Papa pero gumagawa ng paraan si Ben na ma gain ang trust nila. Tumingin ako sa pinto at akmang bubuksan ang pinto ng nilock niya yun.

"Ano ba! Walang point para magkita at mag usap tayo kaya please lang.."

Hindi siya nagsalita at inasikaso lang ang pag seatbelt sakin. Tiningnan niya ko.

"No escaping now, Julie."

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Wala na kong nagawa dahil hindi rin naman ako makakaalis. Wala din ang cellphone ko para humingi ng tulong. At hindi naman ako makapag reklamo dahil may basbas ng magulang ko ang pagkidnap sakin ng Mokong na ito. Palihim ko siyang tinitingnan at nakita ko na seryoso lang siya. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mukha niya.

Naalala ko noon tuwing nagmamaneho siya. Tuwing patakas kaming nagkikita, palagi siyang nakangiti kahit pa nagmamaneho. Ang sabi niya sakin hilig niya ang makasama ako sa loob ng kotse o kahit saan basta kaming dalawa lang. Nag eenjoy siya kasi pareho kami ng hangin na nalalanghap. Hobby ko din noon na pagmasdan siya pero ngayon iba. Ibang ibang Elmo ang nakikita ko. Parang halos walang bakas ng Elmo na kilala ko noon.

Ako ba ang may gawa nito?

Masyado na bang masakit ang nagagawa ko at hindi ko naramdaman na nakagawa ako ng isang manhid na tao?

Ako ba?

"Nandito na tayo."

Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nasa overlooking kami ng Antipolo. Dito kami madalas magpunta lalo na kapag may problema kami. So ibig sabihin may problema nga talaga kami na pag uusapan. Bumaba siya ay pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na din ako at hindi na nag-abala pa na kausapin siya dahil mag aaway lang kami. Mas maganda ng siya ang mauna para matapos na ito.

Umupo kami sa may puno doon. Pinutol na puno yun na ginawang upuan. Nakatingin ako sa city lights. Maganda. Sobrang ganda ng lugar na ito pero naisip namin na dito dalhin ang problema namin. Nagbabakasakali kasi kami na kung nasa isang magandang lugar kami, lahat ng problema namin mawawala. Lahat ng pangit matatabunan ng maganda.

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now