"Instead"

963 53 8
                                    


"Instead"

"Can I stay a bit longer?"

Tumingin siya sa paligid sabay tingin sakin. Umiling siya sakin at nagbuntong hininga.

"I'm sorry pero baka makita nila tayo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang set up natin sakanila. I'm not ready, sana maintindihan mo ko."

May magagawa pa ba ko? Ganito naman talaga kami parating patago..palihim.

"Okay, doon muna ko sa room ko. Hindi muna ko uuwi. Please, I want to spend time with you, please let me."

Halatang nagdadalawang isip siya pero pumayag naman din siya kaagad. Tinanguan niya ko.

"Babalik na ko doon. Magtago ka okay?"

Tumango ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Tumingin siya sa mga mata ko. Please, sana palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Sana makita mo lahat ng effort ko para sayo.

"I'll see you later."

Bumitaw na siya kaagad sa pagkakahawak ko. Tiningnan ko siya habang naglalakad palayo sakin. Muli niya kong tiningnan pero wala akong nakikitang kahit anong emotion sakanyang mga mata kundi takot at kaba na baka mahuli kami na magkasama. Gustuhin ko man sana na umakyat na sa kwarto ko hindi ko nagawa kaya nag cap ako at nag shades.

Sinundan ko siya.

Nagtago ako di kalayuan sakanya. Tiningnan ko lang sila mula sa malayo. Hindi ako ganito. Hindi ko kayang tinatago ang nararamdaman ko lalo na sa mga taong alam ko na makakainti samin pero dahil sa takot na nararamdaman niya na malaman ang naging set up namin heto ako ngayon pati sakanila naglilihim ako.

"Excuse me, Sir?"

Napatingin ako sa waiter. Hindi naman niya siguro ako nakilala, malamang naka shades ako.

"Yes?"

"Wala naman po. May table po sa loob gusto niyo po ba mag dine in?"

Mukhang mas maganda kung mas malapit ako sakanila. Hindi naman siguro nila ko makikilala. Tumango ako sakanya. Dinala niya ko kaagad sa likod nila. Kinuha ko ang menu. Wew, sana hindi ako mabuko dito kundi magagalit sakin si Julie.

"So inaanak? Hindi ba darating ang boyfriend mo?"

Napakunot noo ako. Darating? So ibig sabihin pupunta dito yung tukmol na yun?

"Parating na siya, Ninang."

Nanlaki ang mata ko ng sabihin ni Julie yun. Wait? Parang wala naman siyang nabanggit sakin na may pupunta na halimaw dito ah? Bakit hindi niya sinabi sakin yun? Bakit kailangan hanggang dito umabot pa ang promotion nilang dalawa.

Yes, wala akong pakialam kung ano man ang tawag niyo sa relasyon na meron sila dahil para sakin napakalaking PR lang naman yun. Ganyan naman talaga ang kalakaran sa showbiz kaya don't me.

"That's good."

"Yeah. Excited na nga siya. Late lang siya kasi may inasikaso pa pero nagtext siya na parating na siya."

"Kaya pala palaging blooming itong si Julie Anne natin noh? Marivic? Jonathan? In love na in love sa boyfriend niya eh. Pasado naman na siguro sainyo noh?"

Bigla akong kinabahan. Pasado na kaya sakanila yun?

"Oo naman."

Narinig kong sabi ni Tita. Geez. Meron pa, si Tito pa.

"Kung saan masaya ang anak ko."

Bigla akong napapikit. Wala na, hindi na ako ang gusto ng magulang niya para sakanya. I'm out of the picture. I'm really out.

JuliElmo One Shots Book 2Onde as histórias ganham vida. Descobre agora