"Tiptoe"

1.4K 59 1
                                    


"Tiptoe"

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong nangyari basta hindi ko talaga alam. After nun dali dali akong pumunta sa backstage at nakita ko si Mama na umiinom ng tubig. Nilapitan ko siya kaagad.

"Ma!"

"Oh anak? Bakit?"

"Where is he?"

"Uhm.."

"Ma, saan siya? Please tell me."

Umiling si Mama.

"Hindi ko alam, anak."

Napasabunot ako sa sarili ko. Shit! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. For sure nakita niya yun. For sure napanuod niya yun. Hindi ito ang intensyon ko kaya ko siya pinapunta dito. Hindi yun. Hinding hindi..

"Ivic, bakit tumakbo si Elmo sa..."

"Wait lang po!"

"Julie Anne!"

Hindi ko na pinansin pa si Mama at Papa. Tumakbo nalang ako sa lugar kung saan naka park ang kotse niya. Sakto na nakita ko siya na binubuksan yun at mukhang hindi pa niya mabuksan dahil nagkakanda hulog ang hawak niyang susi.

"Shit! Shit! Shit!"

Yun lang ang naririnig ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapaiyak dahil hindi ko naman sinasadya na masaktan siya. Unti unti akong lumapit sakanya at niyakap siya patalikod.

"Shhh.."

Napatigil siya.

"I'm sorry...I'm sorry, Elmo.."

Hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siya.

"M..Moe.."

"You're so close to me but why does it feel that you're a world apart?"

Bigla niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Dahan dahan niyang binaba ang kamay ko na nakayakap sakanya. Humarap siya sakin. Kita ko sa mata niya ang halo halong emosyon. Galit...sakit...lahat.

"Alam mo ba kung gaano kasakit yung nakita ko kanina? Lahat ng naririnig ko? Lahat ng napapanuod ko? Alam mo ba kung gaano kasakit yun, Julie?"

"M..Moe.."

"Para kang pinapatay ng paulit ulit. Para akong sinasaksak sa puso ko. Bakit hindi mo nalang ako pinatay?"

Umiling ako.

"Moe naman.."

Nakita ko na tumulo na ang luha sa mata niya at ganun din ako.

"Sabihin mo nga sakin, bakit mo ba talaga ako pinapunta dito? Para ba ipakita sakin yun? Gusto mo ba na makita ko yun para masaktan ako?"

"Moe, never. Hinding hindi ko gagawin yun. Please, makinig ka sa paliwanag ko. Hindi ko alam na mangyayari yun. Hindi ko alam na aakyat siya..lalo na habang kinakanta ko ang kanta ko sayo.."

Bigla siyang yumuko at nakarinig ako ng mapaiy na pagtawa.

"Kanta mo para sakin..kung para sakin yun bakit kailangan niya makihati?"

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kahit ako hindi ko din alam kung ano ba ang nangyari. Nagulat lang din ako.

"Moe.."

Tumingin siya sakin.

"I thought I've already accepted what I had lost. I thought I've already forgiven myself for being careless, for being so selfish and for being stupid. Mali nanaman pala ako. Dahil kahit anong isip ko hindi na maaalis sakin na ako ang may kasalanan kung bakit nararamdaman ko itong sakit na ito. Pero Julie, ako lang ba talaga ang may kasalanan? Hanggang kelan pa ba tayo magpapakatanga Julie?"

JuliElmo One Shots Book 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora