"PromoShoot"

1.2K 61 4
                                    


"PromoShoot"

"Juliepuff!"

May narinig ako na tumawag sakanya. Sigurado akong siya yun.

"Uii! Ben? Aga ah?"

"Siyempre makikita kita babe."

Napakunot noo ako. Babe talaga?

"Ikaw talaga!"

Sinilip ko sila at may paghampas pa talagang naganap.

"Sa pagkakaalam ko wala kang lahing mamboboso."

Dahan dahan akong napalingon sa likod ko. Nakita ko naman si Tito Jonathan na nakangisi sakin. Napakamot tuloy ako sa ulo ko at nahihiyang ngumiti sakanya.

"Sorry po Tito."

"Ano ka ba? Bakit ka nag sosorry?"

"Eh kasi po binabantayan ko po si Julie."

"Ikaw naman! Halika nga mag usap tayo."

Bigla naman akong napatingin kay Ben at Julie na nag uusap ngayon. Napabuntong hininga ako.

"Don't mind them. Nandyan ang Tita Ivic mo."

"Sige po, Tito."

Pumunta muna kami sa bakanteng dressing room. Umupo kami sa sofa doon pero bago ako umupo kumuha muna ko ng coffee.

"Elmo."

"Po?"

Inabot ko sakanya ang coffee na ginawa ko.

"Wag kang humingi ng sorry dahil lang sa binabantayan mo si Julie. Hindi kita pinipigilan doon kasi karapatan mo naman yun."

"H..Hindi naman po yun ang problema ko, Tito. Ayoko lang po na maisip niyo ni Tita Marivic na wala po akong tiwala sa kung ano man po ang ginagawa ni Julie. Simula palang po na maging kami at pareho pa po kaming nasa showbiz, hinanda na po namin ang sarili namin sa kung ano po ang pwedeng mangyari lalo na po ang trust issues. Hindi na po yun maiiwasan."

"Alam ko yun. Kaya nga tutol ako sa pag sho-showbiz ni Julie. Dahil mahal ko ang anak ko, siyempre kung saan siya masaya susuportahan ko lalo na napatunayan naman niya sakin na kaya niyang pagsabayin ang pag aaral at trabaho. Ang hindi ko lang inaasahan yung maging kayo."

Napangiti ako. Naalala ko kasi kung paano ako humingi ng pirmiso kay Tito Jonathan na ligawan ang anak niya. Nung una ayaw niya talaga ni kahit ilabas ko lang si Julie para mag date.

"Oo nga po, hinigpitan niyo pa nga po kami."

Natawa siya.

"Pero worth it naman diba? Ibinigay ko sayo ang tiwala ko na ipaubaya ang anak ko sayo."

"At nagpapasalamat po ako at ipinagkatiwala niyo po sakin ang anak niyo po. Pero Tito, humihingi pa din po ako ng tawad sainyo. Hinding hindi po ako magsasawa na humingi po ng tawad sa mga nangyayari noon at lalo po ngayon."

"Naiintindihan ko naman at may tiwala ako sa na makakaya mo yan."

Huminga ako ng malalim.

"Sana nga po makaya ko kahit mag isa lang po ako. Ilalaban ko parin po ang anak niyo."

Malungkot siyang ngumiti sakin. Alam ko kasi na nalulungkot siya sa mga nangyayari samin.

"Magtiwala ka lang sa pagmamahal ng anak ko para sayo."

Napayuko ako.

"Sana lang po hindi niya makalimutan na mahal ko siya."

Tiningnan ko si Tito. Pareho nalang kami na napainom sa kape na hawak namin. Ilang sandali pa lumabas na kami ni Tito para icheck si Julie. Nagsisimula na sila mag photoshoot. Nakita ko si Ate Rose na kinunan sila gamit ang cellphone niya. Nakalimutan ba niya na kasama ako dito? Nakalimutan ba ni Julie na nandito ako?

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now