"Single"

1.3K 56 2
                                    


"Single"

"Hi."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko na nakangiti siya sakin. Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Teka, sakin ba siya nag hi? Tumingin ako sa paligid ko at tumingin ulit sakanya.

"M..Me?"

Natawa siya.

"Yes, you."

Ahh, so ako nga. Ngumiti ako sakanya.

"Hi din."

"Pwede?"

Tumingin siya sa upuan na nasa harapan ko. Tumango naman ako kaya umupo na din siya. Tahimik lang kami. Medyo nakakailang lang kasi tinititigan niya ko. Hindi ko namalayan na hinahawakan ko na ang mukha ko. Baka kasi may dumi. Napatigil ako ng makita ko siya na natatawa.

"S..Sorry. Hehehe! Uhm, wala kang dumi sa mukha kung yun ang inaakala mo."

"Ahh.."

Tumango tango ako.

"He's right."

"Huh?"

"Maganda ka nga talaga."

Hindi ako makapag salita sa sinabi niya. Tumingin siya sa ibang direskyon. Masasabi ko na kahit anong anggulo pa maganda din talaga siya.

"You're a very lucky girl, Julie."

Nakikinig lang ako sakanya.

"May taong handang ibigay sayo yung happiness na deserve mo kahit pa ang kapalit nito sakanya eh masasaktan siya."

Tumingin siya sakin.

"Alam mo ba na palagi ka niyang kinukwento sakin? Everytime na may achievement ka sinasabi niya yun. Nag kwento na din siya kung paano kayo nagsimula at kung paano kayo nagtapos. Nakakapanghinayang pero ganun daw talaga. Iniisip ko nga kung bakit kailangan niyo pagdaanan yun eh. Pero kahit ganun, sobra sobra pa din yung ipinapakita niya samin na pagmamahal para sayo."

Natawa siya.

"Minsan nga gusto ko na irecord kasi paulit ulit niyang bukang bibig ang pangalan mo."

Bakit hindi ako makapag salita?

"Pero lately, ibang Elmo yung nakikita ko. Sobrang masayahin. Palaging nakangiti."

"P..Paanong iba? Masaya at nakangiti naman pala siya.."

Halos pabulong kong sabi at mukhang narinig naman niya yun.

"Kasi lahat ng pinapakita niya samin hindi totoo. Hindi naman talaga siya masaya. Yung mga ngiti niya hindi naman talaga totoo. Mas gugustuhin ko pa na makita siyang iniiyak ang problema niya."

Dahil ba sakin? Hindi naman niya ko sinisisi diba? Pero dahil nga ba sakin kaya ganun nalang si Elmo? Kung ganun ang ginagawa niya nakakatakot nga yun. Madalas kasi na kapag malungkot o nasasaktan siya, palagi niyang pinapakita yun like seryoso siya palagi at maliit lang kung magbigay ng ngiti. Kung ganun nga edi ibig sabihin..

"Sobrang sakit na ng nararamdaman niya."

Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya ulit.

"Hindi naman sa nakikialam ako kung ano man ang meron sainyo. Kaibigan ko na din kasi siya at malakas ang pakiramdam ko na kapag nagpatuloy baka sumabog na siya."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mesa.

"Ikaw lang naman ang lakas niya at ikaw din ang kahinaan niya."

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now