"Pangarap"

1.9K 59 3
                                    


"Pangarap"

"Moe, sinabi ko na sayo, ayoko ng batang yan."

Napahawak naman ako sa noo ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ayaw mo sakanya? Anak mo siya. Anak natin siya."

"Elmo naman eh. Alam mo naman na isang pagkakamali lang ang nangyari satin. Sumama ako sayo para kapag nanganak na ko iiwan ko na sayo yung bata."

"Bakit? Bakit kailangan mo pa kaming iwan? Binigay ko naman ang lahat ah? Gumagawa naman ako ng paraan para mabuhay tayo. Binibigay ko din ang mga pangangailangan mo. May kulang pa ba? Kulang pa ba?"

Binitawan niya ang damit na nilalagay niya sa maleta. Umupo siya sa tabi ko.

"Sorry. I'm sorry talaga pero ito ang dapat nating gawin. May gusto pa akong marating sa buhay. Gusto kong tapusin ang pag-aaral ko. Hindi ko magagawa yun kung may anak akong aalagaan. Nagpapasalamat ako sayo kasi binigay mo ang lahat. Simula palang nung gabing may nangyari satin at sa araw na nalaman mo na buntis ako hindi mo ko iniwan. Binigay mo ang lahat ng kailangan ko. Sana maintindihan mo, bata pa tayo. May pangarap pa tayo sa buhay. Hindi ko kayang ibigay yun sa anak natin eh. Hindi ako karapatdapat maging ina niya dahil sa una palang tinuturing ko na siyang pagkakamali."

"Julie naman.."

Tumayo siya. "I'm sorry."

Kinuha niya ang maleta niya. Aalis na siya. Bago siya lumabas ng pinto tumingin siya sa anak namin na nasa kama. Limang buwan palang ito. Napayuko siya at lumabas na. Napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na siyang nagawang habulin pa. Tiningnan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog.

"Kaya natin ito anak."

After 5 years..

Limang taon na ang nakakalipas. 21 years old na ako ngayon. Nag working student ako para may pangtustos ako sa pangangailangan ng anak ko. Wala na akong magulang. Tinakwil na nila ako kasi maaga daw akong nakabuntis. Sabi nila simula nung nalaman nila na nabuntis ko si Julie, wala na akong magulang.

"Tatay?"

Napatingin ako kay Miggy. Cyrence Miguel ang buo niyang pangalan. Lumapit ako sakanya. Siya ang mini me ko. Sobrang kamukha ko siya.

"Hi little boy."

"Tatay? Are you okay?"

Kinarga ko naman siya. "Oo naman little boy. Kumain ka na ba?"

Umiling siya. "Hindi pa po Tatay."

"Bakit naman? May pagkain na sa mesa ah?"

"Gusto ko sabay tayo Tatay."

Napangiti naman ako. "Okay sige Miggy. Gusto mo ba after natin kumain mamasyal tayo? Punta tayo sa park?"

Tumango naman siya. "Yes, Tatay. Gusto ko yun."

Kumain na kami. Graduate na ko pero mahirap makahanap ng trabaho kaya pumasok muna ako bilang driver. Hindi ito ang pangarap ko. Marangal ang trabaho na ito pero may pangarap din naman ako. Naisip ko na kung iisipin ko ang pangarap ko paano na si Miggy? Ipapasok ko na siya sa kinder. Kailangan ko ng magtrabaho. Mas importante siya kesa sa pangarap ko.

"Little boy, kamusta naman sa simbahan? Hindi ka naman nangungulit kay Mother Elena ah?"

Umiling siya. "Hindi po ako makulit Tatay. Parati po akong tumutulong dun at nagdadasal."

"Talaga? Mabuti naman."

Sa simbahan ko siya dinadala kapag pumapasok ako. Nakilala ko si Mother Elena nung panahon na hindi ko alam ang gagawin ko. Ako lang ang nagpapalaki sa anak ko. Bata pa ko. Wala akong alam sa pagiging ama.

JuliElmo One Shots Book 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt