"My Plan"

2K 69 0
                                    


"My Plan"

Hindi ako mapakali. Kanina pa ko lakad doon at lakad dito. Hindi ko na malaman kung anong gagawin ko o anong iisipin ko. Masyado niyang sinakop ang isip ko.

"Cookie monster!"

Napatingin ako sa pintuan ko. Nandun si Janella at nakatingin sakin na para bang nagtataka.

"Y..Yes?"

"Kanina pa ko dito at kanina pa din ako nahihilo sayo. Ano bang problema mo ah?"

Napakagat labi ako.

"Hoy! Ano nga?"

"Oo na."

Pumunta ako sakanya at pinapasok siya. Binuksan ko ang laptop ko at pinakita sakanya ang mga pictures na nasa gallery. Nakita ko naman siya na napangiti.

"Ang ganda niya. Kelan kuha ang mga ito?"

"Ngayong araw.."

"Ah..oh? Eh anong problema?"

Napabuntong hininga ako.

"Look! Look at that! Ang daring masyado ng suot niya! Ayoko ng ganyan! Tapos tingnan mo yung pose niya? Kainis! Nang aakit siya! Inaakit niya ko!!"

Sigaw ko. Nakita ko naman na natulala si Janella sakin. Umupo ako sa couch at napahilamos ng mukha. Maya maya tumingin ako sakanya.

"I'm weird right?"

Tumango naman si Janella.

"Unfortunately, Cookie Monster."

"Hayy."

"May rights naman siya, tingnan mo napaka ganda niyang babae."

"Alam ko naman yun pero kasi torture eh. Nandito ako tapos nandun siya. I'm here and she's over there! Torture yun. Hindi ko makikita ang ganda niya. Hindi sapat ang picture lang."

"Para kang baliw Elmo. Alam mo sa palagay ko? Miss mo lang si Julie eh. Call her."

Napatayo ako.

"No..no..."

"But why? Alam mo kung naiinis ka sa pose niya edi sabihin mo sakanya. Sabihin mo kung anong nararamdaman mo."

Napailing ako. "Ayoko."

"Eh sabi mo torture para sayo? Ngayon naman ayaw mo? Ano ba?"

"Titiisin ko nalang kesa mag away pa kami dahil dyan.."

"Hmm?"

"Ilang beses na namin naging issue yan. Mas maganda kung wag ko nalang pansinin para walang away. Mahal ko kasi talaga siya kaya titiisin ko nalang ito. Ikaw na ang may sabi, may karapatan siya. Ang sexy at ganda kasi niya."

Tumingin ako kay Janella. Nakangiti siya sakin.

"Sweet ka talaga noh?"

"Hindi naman.."

"Alam mo, call her."

"Janella, ayoko nga na mag.."

"No."

Pinahinto niya ko sa pagsasalita.

"Ang sinasabi ko lang eh, call her and tell her how much you love her? Miss her? Ganun."

Napaisip ako.

"Alam mo? Hulog ka ng langit! Tara samahan mo ko."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now