"April Fools"

1.5K 67 1
                                    


"April Fools"

Alam niyo ang panloloko hindi laging nagaganap sa April 1st. Araw araw kaya. Everyday is april fools. Kahit saang bahagi o parte mo pa tingnan lolokohin at manloloko ka lang.

"Niloloko mo lang ang sarili mo."

"Haynaku. Kausap nanaman niya ang sarili niya sa salamin."

Napatingin ako sa may pinto ng dressing room ko.

"Barbara, ang aga mo ah?"

"Hoy! Di ako late ah. Maaga ka lang."

Natawa naman ako. Lumapit siya sakin at umupo sa may sofa.

"So ano yung sinasabi mo sa sarili mo? Niloloko mo lang ang sarili mo? Tama ba? Yun ang pagkakarinig ko eh."

Tumango ako. "Tama naman diba?"

"Hmm. Pwede. Bakit mo ba nasabi?"

"Wala. Realization lang."

"Give me an example, Hulyeta."

Umayos ako ng upo at humarap sakanya.

"Like..yung mga fans namin ni Moe? They keep on telling na babalik kami. Na kasama si Moe sa concert ko..na nagkikita kami ng palihim..na may forever kami..alam mo yun? Ayoko man aminin pero niloloko lang nila ang mga sarili nila eh."

"Talaga ba?"

Tumango ako.

"Hmm."

"What?"

"So mga fans mo ang problema mo?"

"Hindi naman..yung pinaniniwalaan lang nila.."

"Ayun! Tumpak! Nakuha mo!"

Napakunot noo ako.

"Ano?"

Natawa siya. "Nakuha mo ang sagot sa tanong mo. Dyan sa iniisip mo. Pinaniniwalaan. From the root words, naniwala, naniniwala, at pinaniwalaan. Ayan na Hulyeta. Ayan na ang sagot mo. At least yung fans mo, niyo, naniniwala parin kahit alam nilang niloloko nila ang sarili nila. Sinasabi nila na babalik kayo? Bakit? Hindi ba? Sinasabi nila na nasa concert mo si Moe? Bakit wala ba talaga? Sinasabi nila na nagkikita kayo ng palihim? Diba palagi pa nga? Sinasabi nila na may forever kayo? Diba naniwala ka nga?"

Nakikinig lang ako sakanya.

"Alam mo Julie, kung sinasabihan mo ang mga fans mo na niloloko lang nila ang sarili nila pwes itanong mo din sa sarili mo kung niloko mo din yang puso mo at utak mo sa paniniwalang kayo pa din ni Elmo hanggang finish line. Dahil totoo naman diba Julie? Hanggang ngayon naman?"

Napayuko ako. Lumapit siya sakin.

"Julie, hindi panloloko ang ginagawa ng fans mo. Alam mo kung ano?"

"A..Ano?"

"Hope. Umaasa. More of naniniwala sila Julie. Hindi panloloko yun."

"Barbie.."

"Once mo din naranasan kung anong nararanasan nila ngayon. Ang mangulila sa taong mahal mo. Sana maintindihan mo parin sila sa gusto nila at sa pinaniniwalaan nila."

Tinapik niya ang balikat ko at tska lumabas sa dressing room ko. Napaisip ako at hindi ko naiwasan na maluha. Naging bitter kasi ako. Nakalimutan ko nararamdaman nila. Na pressure kasi ako eh. Kapag nakakabasa ako ng mga tweets nila na gusto nila si Elmo sa concert ko? Nakaka pressure na hindi ibigay ang isang bagay na alam kong mahirap maibigay.

"Kung may magagawa lang ako eh.."

Kinuha ko ang phone ko dahil alam kong hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Pumunta ako sa may fire exit. Tinawagan ko siya..

(Julie..)

"Everyday is April fools."

(I know..)

"Niloloko ko lang ba sarili ko..?"

(No.)

"Eh anong tawag mo sa ginagawa natin? Sa palihim nating pagkikita? Moe, niloloko lang ba natin ang sarili natin?"

(No, Julie. We're just being true to ourselves. That you and me..that.)

"Meaning..."

(Julie, listen to me. Kung niloloko nga natin ang mga sarili natin, so what? Kung yung mga fans nga natin may mga pinaniniwalaan eh, kahit alam nila na niloloko at pinapaasa nila ang sarili nila hindi pa din sila sumusuko. Masaya pa sila, alam mo ba kung bakit?)

"Kasi mahal nila tayo.."

(Yes. Mahal nila tayo.)

Pareho kaming nanahimik.

(Don't overthink, Julie.)

"Sorry..kung ano ano kasing iniisip ko."

(That's okay.)

"I gotta go. May rehearsal pa ko."

(Okay. Ingat ka. I'll call you.)

"Bye Moe."

(Bye Julie.)

Nang matapos ang pag uusap namin agad na kong pumunta sa recording studio. May konting reunion lang na magaganap sa sugarpop. Ilang oras din ang nakalipas bago kami mag break. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Ang laki na ng mga pinagbago namin. How time flies so fast. Sinuot ko muli ang headset at kumanta kanta nalang.

"Cause everyday..every night I keep looking up the skies and I pray that someday.."

Nanigas ako ng may yumakap sa bewang ko. Itinago nito ang mukha niya sa leeg ko.

"You will wake up in my arms and love will never end..we belong together..always and forever.."

Pagkanta niya. Humarap siya sakin.

"Call my name ang I'll be there."

Napahinto ako at nakatulala lang sakanya. Nung nakaramdam na ko ng comfort mula sa yakap niya. Nawala na lahat ng iniisip ko. It feels like home.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ko sakanya. Hinigpitan niya ang yakap niya sakin.

"Nandito ako para sabihin sayo na suko na ko sayo."

Napatingin ako ng seryoso sakanya. Ganun din siya. Magsasalita pa sana ako ng ilapat niya ang labi niya sa labi ko. Wala na kong nagawa kundi ang damhin yun. Pumikit ako. Ilang minuto pa lumayo na siya. Hinalikan niya ko sa ulo. Minulat ko ang mata ko at nakita ko siya na nakangiti sakin.

"Close?"

Nilapit pa niya ang mukha niya sakin pati katawan. Natawa naman ako. Natawa din naman siya sa ginawa niya.

"Suko na ko sayo Julie Anne San Jose."

Tumango tango ako.

"April fools?"

Umiling siya. "For real."

"What?"

Dinikit niya ang mga noo namin.

"Suko na ko sayo Julie Anne, isunusuko ko na ang puso ko sayo. Talo na. Mahal talaga kita."

Napangiti ako. "Foolish words from Elmo Magalona again?"

"Yeah. Foolish words from me that came from my foolish heart who loves you more than the truth."

"I love you."

"I love you."

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now