"Chase"

980 51 3
                                    


"Chase"

Napakunot noo ako kaagad sa sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa insta. Nakita ko nga na may picture nanaman sila. Kaya ayokong tumatambay doon eh, may masamang elementong sumasapi sakin para basagin ang pagmumukha ng taong yun.

"Huy!"

Napabalik ako sa sarili ko ng sumigaw siya.

"What?"

"Ang sabi mo sakin hahayaan na natin siya. Anong meron at nakakunot ang noo mo? Affected ka pa rin, aminin mo na."

"Ewan ko ba! Habang pinipilit kong gustuhin ang kalimutan siya, hindi ko naman magawa dahil mas nangingibabaw sakin yung pagmamahal na meron ako para sakanya."

"Hayaan mo nalang, Moe. Wala naman na tayong magagawa."

Napangisi ako.

"Yeah, right. Sa relasyon naming dalawa kahit noon pa man, siya nalang ang palaging nag dedesisyon. Hindi na bago sakin kung yan ulit ang tinatahak niyang daan."

Tumingin ako sakanya.

"Wish you were here, Maq."

"Kaya mo yan, Moe. Teka, kamusta na nga pala ang pag-aaya mo kay Janella na mag date kayo?"

"Hmm. Napag usapan naman na namin ni Janella ang gagawin namin. Alam mo naman na PR nalang ang labanan ng mga networks ngayon."

"Sabagay. Oh sya, inaantok na ko. Balitaan mo nalang ako kung ano ng nangyayari sa bestfriend ko na hindi ko alam kung nasa katinuan pa."

Natawa kaming pareho.

"Baliw ka, Maq!"

"Totoo naman eh. Ngayon naniniwala na talaga ako."

"Saan?"

Ngumisi siya.

"Na love is blind."

Napangiti naman ako at napailing. Kung ano ano kasing iniisip ni Maqui. Binaba na niya ang tawag sa skype. Agad akong napahiga sa kama ko at pinikit ang aking mga mata.

WHAT WHAT WHAT WHAT WHAAT.

What to do, Elmo? Kailangan maalis mo na si Julie sa sistema mo baka yan pa ang ikamatay mo. Kailangan mo siyang kalimutan. Tama, kalimutan mo na siya. Bumangon ako at sinuot ang jacket ko na nakasabit sa upuan. Lumabas ako ng kwarto ko at kinuha ang susi ng kotse. Ako lang mag-isa dito dahil yung driver ko hinir ni Mommy. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil ang alam ko lang kailangan ko libangin ang sarili ko.

Habang nagmamaneho, hindi ko pa din naalis sa isip ko si Julie. Yan ang bagay na ayoko eh. Mananakop siya. Sinakop na nga niya ang puso ko pati ba naman isip ko? Hininto ko ang sasakyan at tumingin sa labas ng bintana. Napabuntong hininga ako ng makita ko kung saan ako dinala ng pagmamaneho ko.

"Bakit naman dito? Hay.."

Napailing ako.

"Nanalo ka nanaman, Julie."

Lumabas ako ng sasakyan ko at nagsimulang maglakad lakad sa lugar na yun. Walang pagbabago ang lugar na ito dahil mas gumanda pa ito nung huling punta ko. Pumunta ako sa may bridge doon dahil yun ang favorite spot namin. Tumingin ako sa mga isda na lumalangoy langoy.

"Ang daming ala-ala dito.."

"Ayy! Hala!"

Napatingin ako sa nagsalita. Nakita kong nahulog ang dala niyang mga bulaklak kaya tinulungan ko siya.

"Okay ka lang?"

Napatingin siya sakin. Nanlaki naman ang mata niya. Oo nga pala, hindi naman ako naka diguise ngayon.

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now