"Seed"

1.4K 64 7
                                    


"Seed"

And you think you happiness is real

There's so much more the world has to reveal

But you choose to be concealed

"Ang lakas ng mga tweets mo ngayon, Moks ah? Yung totoo revenge time na ba ito?"

"You know me, hindi ako marunong gumanti."

Natawa naman siya.

"Eh ano yung mga tweets mo? Sobra na yun ah? Halatang may pinapatamaan ka."

"Wala nga!"

"Sus! Wag ako. Ilang taon na din tayong naglolokohan sa relasyon na ito at saksi ako sa pagtataksil mo sakin! Hahaha."

Mas napatawa ako sa sinabi niya.

"At least magkaibigan tayong dalawa."

Binato naman niya ko ng unan.

"Loko! Pasalamat ka lang at boto ako sa love team niyo."

"Edi salamat po."

"Leche Magalona!"

Napailing nalang ako.

"Pero seryoso nga, pinapatamaan mo nga ba siya?"

Napabuntong hininga ako.

"Hindi naman sa pinapatamaan ko siya. Sadyang gusto ko lang ma realize niya na worth it din naman ako."

"Worth it ka naman para sakanya ah? Matagal ka niyang minahal."

Napa bitter laugh ako.

"Kung mahal niya ko hindi niya ko bibitawan at ipagpapalit sa iba."

"Tingin mo magkakabalikan pa kayo? What if bumalik siya sayo?"

Umiling ako.

"Di na, safe na nga siya sa akin noon hindi naman siya nag stay tapos babalik siya sakin? The day she chose to leave me is also the same day she took everything from me. So no."

"Ngayon naniniwala na ko. Love is not enough kahit pa gaano kayo katatag, magkakahiwalay din kayo lalo na kapag sumuko na yung isa."

"Hindi naman siya sumuko."

Napatingin siya sakin.

"Hmm?"

Humiga ako sa kama niya at pinikit ang mata ko.

"Napagod lang siya."

Nakaramdam nanaman ako ng unan sa mukha ko. Napaupo ako.

"What?"

"Kung napagod siya edi pagpahingahin mo! Wag mong sukuan kung mahal mo pa! Para saan pa ang inilaban mo noon kung susuko ka ngayon? Wag kang tanga!"

May point naman talaga si Janine pero iba na ngayon. Siya ang lakas ko nung lumalaban ako. Paano ko iisipin na ang nag iisang lakas ko eh sinukuan ako?

"Hay. Wag na..."

Tumayo ako at naglakad lakad sa kwarto niya.

"Sumuko lang isa, susuko ka na din. Sige, paano mga fans niyo?"

"Fans namin? Pati nga sila damay dito kahit ang dapat na ginawa lang nila eh kiligin samin. Nagkakasakitan na sila. Naglalabasan na sila ng sama ng loob. Hindi yun ang binuo namin ni Julie. Bumuo kami ng fandom na masaya, puno ng kilig, masaya kahit up and down ang istorya namin."

"Hay. Ang gulo ng life niyo."

"Hayaan nalang natin."

Lumapit ako sakanya at pinitik siya sa noo.

JuliElmo One Shots Book 2Kde žijí příběhy. Začni objevovat