"Prom"

1.3K 59 3
                                    


"Prom"

Ang love? Hindi mo alam kung saan mo matatagpuan yan. Pwede kasing sa lahat ng lugar mahanap mo yung love. Ang totoo niyan hindi naman talaga hinahanap ang love kusang dumadating yan, sa tamang panahon at sa tamang oras. Pero paano kung dumating ito kaagad sa hindi mo inaasahang panahon at lugar?

Black and white.

Yan ang theme ng prom for this year. Naging busy talaga ang lahat para sa araw na ito. Ang mga lalaki busy sa paghahanap ng date nila. Ang mga babae naman busy sa paghahanda ng susuotin sa araw na yun. Pero siya? Busy sa pagbabasa ng libro.

"Julie Anne, gusto ko lang sabihin sayo na mamayang gabi na ang prom. Ni wala ka pang gown at hindi ka man lang nagiging busy sa pag aayos ng sarili mo."

Napabuntong hininga siya sa narinig sa best friend niya. Sinesermoman nanaman kasi siya.

"Ayoko naman kasing umattend dyan."

"Ay! No no! Yan ang wag na wag mong gagawin. Minsan lang ito, Julie. Minsan lang!"

"Frencheska Farr, kalma lang."

"Tara na maghanda ka na kasi!"

Kinuha niya ang kamay ni Julie at hinila ito palabas ng bahay. Mabilisan ang pangyayari at nakabili na sila ng gown. Inis na binalingan ni Julie si Frencheska.

"Maqui!!! Shit ka! Ang revealing ng suot ko! Maq, prom ang pupunta ko hindi bar! Mukha akong GRO dyan!"

"Grabe siya! May GRO ba na naka gown?"

Napailing nalang ako.

"Gaga ka talaga! Ikaw nalang magsuot niyan!Bwiset!"

"Ay no! Bagay naman eh. Makakahanap ka na din ng boyfriend tonight!"

Namula naman siya sa sinabi ng kaibigan.

"Ayieee. Kilig na yan!! Makakahanap ka din friend."

Inayos niya nalang ang gown na binili at nilatag sa kama.

"Ewan ko sayo."

"Basta kailangan makahanap ka na tonight."

Gabi na at kakatapos lang nila mag ayos. Sabay sila ng kaibigan niya dahil iisa lang ang dorm room na pinagsasamahan nila. Lumabas si Julie at napanganga naman ang kaibigan. Hindi kasi talaga palaayos si Julie lalo na kapag nasa school.

"Ganda naman this girl."

"Ikaw din Maq."

"Pero parang may mali."

"Ha?"

Kinuha niya ang bag na hawak ni Julie.

"Julie, bakit ganito ang bag mo? Seryoso ka? Back pack?"

"Uhm.."

"Ano bang laman nito?"

Binuksan niya ang bag ni Julie at napanganga sa nakita. May mga libro sa loob ng bag na yun. Tiningnan niya ng masama ang kaibigan.

"Julie Anne San Jose!"

"Sorna. In case lang na ma bored ako."

"Anong ma bored ka? Hindi ka mabobore dun! Hahanap tayo ng forever mo!"

Nilapag niya ang bag ni Julie pero makulit ang bata kaya kumuha siya ng isang libro at itinago yun.

"Nakakainis Julie ah! Magpabili ka na kasi ng sasakyan sa Papa mo! Jusme! Tingnan mo itong kotse mo! Panahon pa ng kopong kopong sa luma! Madami ng sira ito eh."

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now