"Elevator"

1.1K 65 0
                                    


"Elevator"

"Moe!"

Hmm.

"Moe!!!"

Bakit ang ingay?

"Moe!! Wake up!!"

Minulat ko ang mata ko. Napakunot noo ako ng makita ko si Maqui na nandito sa loob ng kwarto ko at masamang nakatingin sakin. Napabangon tuloy ako ng wala sa oras.

"Maq? Paanong.."

"Nakita ko si Tita Pia na palabas ng unit mo. Sabi niya hintayin nalang daw kita magising eh kanina pa ko naghihintay."

"Hmm? Bakit? Ano bang meron?"

"Bumangon ka na dyan! May gagawin tayo."

"At ano naman yun?"

"Basta malalaman mo din."

"Pwede bang pass muna? Inaantok kasi ako."

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Napabuntong hininga ako.

"Oo na po ito na babangon na."

"Good! Pa laptop muna ko ah?"

Tumango nalang ako bago pumasok sa loob ng banyo. Napailing nalang ako kasi naman tiklop pa din ako hanggang ngayon kay Maqui. Ganyan talaga siya eh kapag umangal ka patay ka. Naligo na ko at doon na din ako nagbihis. Paglabas ko sa banyo nakita ko na naglalaptop pa din si Maqui.

"Akala ko ba aalis tayo eh bakit seryosong seryoso ka dyan? Ano ba yan?"

Lumapit ako sakanya. Tiningnan ko kung anong ginagawa niya.

"What?"

Tumingin siya sakin.

"Hindi ka affected?"

"Dapat ba?"

Pumunta ako sa may salamin doon at nagpabango. Nagsuot na din ako ng relo.

"Tara na nga at umalis na tayo."

"Okay."

Nasa parking na kami at hinanap ang kotse niya. Kotse nalang daw niya ang gagamitin namin. Ako na ang nag drive.

"Maq, saan ba tayo pupunta? Hindi naman pwede na mag drive nalang ako buong magdamag diba?"

"Punta tayo sakanila."

"Ano?"

"Punta tayo sakanila."

"Kaninong kanila?"

"Kay Julie."

Napahinto ako ng pagmamaneho dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo? Sakanya? Maq naman, diba napag usapan na natin yun? Kung saan siya masaya hayaan nalang natin siya. Nasa process na nga ako ng moving on tapos gusto mo pa magkita pa kami."

"Aba! Wag ka nga Elmo Magalona. As if naman na dyan sa puso mo eh walang natitirang kahilinhan na makita siya ulit."

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Hindi mo naman siya kailangan makausap. Gusto ko lang makita siya."

"Sana ikaw nalang.."

"Ano ka ba, hindi masaya kapag wala ka. Dapat magkasama tayo."

Napabuntong hininga nalang ako at nag drive na ulit. Hindi ko maintindihan si Maqui. Bakit ba niya pinaglalapit nanaman ang mundo namin ni Julie eh hindi na nga mundo ang namamagitan saming dalawa kundi planeta na. Ewan ko ba dito kay Maqui kung anong binabalak niya basta ang alam ko? Masasaktan nanaman ako.

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now