"Miracle"

1.2K 59 9
                                    


"Miracle"

"Ano yan?"

Napatingin ako kay Janella na kakapasok lang galing sa labas. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang hawak ko.

"Rosary? Hindi ko alam na religious ka pala cookie monster?"

Napangiti naman ako.

"Hindi ako religious na tao. Minsan nakakaligtaan ko na pumunta sa church."

"Eh bakit may rosary ka?"

"It's a gift from someone."

Tumango tango naman siya. Kinuha niya yun at tiningnan. Kinuha ko naman ang script ko para magkabisado.

"Cookie monster?"

"Hmm?"

"Anong madalas mong hinihiling kay God?"

"Hmm..ang totoo niyan wala. Palagi lang akong nagpapasalamat sakanya. Sa lahat ng blessings."

Tiningnan niya ko.

"Talaga?"

Tiningnan ko ang rosary na hawak ni Janella.

"But now, I'm praying for a miracle."

"Miracle?"

Tumango ako. Kinuha ko sakanya ang rosary na yun.

"Because I badly need one, just one."

"Bakit?"

"To have a courage to save myself to the pain I'm feeling right now."

"Cookie monster.."

Tumayo ako at itinago ang rosary sa bulsa ko.

"She gave this to me."

"From Julie Anne?"

"Yeah. From Julie Anne."

"May nangyari ba?"

Umiling ako.

"Wala pa pero baka malapit na.."

"Are you ready for that?"

Ngumiti ako sakanya.

"I don't know."

"Alam mo Cookie Monster, naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo at kung ako man ang nasa posisyon mo isa lang naman ang gagawin ko. Kakausapin ko siya. Sasabihin ko kung anong nararamdaman ko."

"And then?"

"Alam mo, wag kang matakot sa magiging resulta ng pag uusap na yun. Yun lang ang tanging paraan para malaman mo kung pareho pa ba kayo ng nararamdaman."

"Paano kung hindi na?"

"Well, kung hindi na kayo pareho, tanggapin mo. Ganito kasi yan, kapag talo ka na pero ayaw mo pang sumuko, magpahinga ka muna. Kapag masakit na, pagalingin mo muna. At kapag mahal mo pa, sabihin mo sakanya. Simple lang naman talaga yung mga bagay bagay para maayos ang problema. Iniisip kasi agad natin na masasaktan tayo sa magiging resulta kaya naduduwag tayong harapin yung katotohanan."

Pilit akong ngumiti sakanya at naupo nalang. Nagsimula na kami mag throw lines at habang nagaganap yun iniisip ko lahat ng payo ni Janella kanina. Kaya ko na ba? Handa na ba kong harapin siya? Tumayo ako.

"Oh Elmo, bakit?"

"Uhm, may kailangan lang po akong puntahan. Babalik din po ako. Pwede po ba?"

"Ah, okay sige." Sabi ng isang staff.

Tumakbo na ko palabas pero bago pa ko makalabas tinawag ko si Janella.

JuliElmo One Shots Book 2Där berättelser lever. Upptäck nu