"Sleep Well"

4.5K 83 3
                                    


"Sleep well"

Buti nakayanan ko pa na mag SPS ngayon kasi sobrang inaantok na talaga ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Julie, kung gusto mo matulog ka muna."

"Mamaya nalang po siguro, Ma. Mabibitin lang naman din ako sa tulog ko. Titiisin ko nalang muna po."

"Okay sige."

Kinuha ko ang unan ko at pinatong ang ulo ko doon. Pinikit ko ang mata ko. Kahit sandali lang Julie matulog ka muna..pero hindi ko makuha ang gusto ko. Minulat ko ang mata ko at tumayo.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Iinom lang po ako ng coffee."

"Ha? Eh kakanta ka mamaya."

Oo nga pala. Umupo nalang ako.

"Anak, kanina ka pa hindi mapakali ah? Dahil pa ba yan sa pagod o sa ibang bagay na?"

Napabuntong hininga ko.

"Ma, hindi pa kasi siya nagpaparamdam simula pa kahapon.."

"Hmm? Nag away ba kayo? Ay sandali, nag away kayo o inaway mo?"

Napayuko ako.

"Ayan. Anak naman kasi, bakit mo naman kailangan awayin yung tao?"

"Wala na kasi siyang oras sakin.."

"Asus. Ikaw nga walang oras sakanya eh nagreklamo ba siya? Tska anak naman, issue niyo nalang ito palagi."

"Mama.."

Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

"Kaya mo pa ba, Anak?"

"P..Po?"

"Anak, kung nahihirapan ka na may choice ka namang bumitaw pero kung mahal mo siya, lalaban ka."

"Mama..."

Pilit siyang ngumiti sakin.

"Alam mo anak? Boto ako sakanya pero kung nahihirapan na kayong dalawa? Suko na tayo.."

Umiling ako. "Hindi ko po siya bibitawan, Ma."

Ngumiti nalang sakin si Mama at hinalikan ang noo ko. Nagsimula na ang SPS. Nakakaramdam pa din ako ng antok pero kaya naman. Nakuha ko pa nga na mag picture picture eh. Model lang ang peg.

"Oh Julie? Tara na, baba na tayo doon."

"Uhm..dito muna po ako."

"Sigurado ka?"

Ngumiti ako sa lalaking kumukuha sakin ng litrato.

"Opo."

"Okay sige."

Umalis na siya at naiwan nalang ako mag-isa doon. Tumingin ako sa paligid. Napabuntonh hininga ako. Iniisip mo kaya ako? Matapos ko mag muni muni bumaba na din ako. Kakanta ako mamaya. Ilang oras pa ang hinintay ko ng turn ko na ulit para naman sa adarna. Matapos nun agad akong tumakbo sa parking lot.

"W..Woah."

Natawa si Papa. "Pinadala niya."

Napangiti naman ako. Meaning okay kami. Naalala niya ko. Agad kong niyakap ang malaking muppet na nakaupo sa pwesto ko. May roses din don.

"Laki ng smile ng anak ko. Sige na pumasok ka na."

Pumasok na ko sa loob ng kotse. Tinago ko muna sa likod ng yung stuff toy baka makita ng adiks. Nang makalayo na kami kinuha ko yun at niyakap. Nagtext ako sakanya.

Thank you.

"Anak matulog ka na muna."

"Opo.."

Pinikit ko ang mata ko. Ilang sandali pa nakaramdam ako na parang lumulutang ako. Para akong nasa ere. Minulat ko ang mata ko at napanganga ako. Hindi ako makapag salita.

"You eat first before you sleep."

"M..Moe?"

Ngumiti siya sakin. "Kanina pa ko dito sa bahay niyo. Nakapagluto na din ako."

Hindi ko siya sinagot pero sinagot ko naman siya ng yakap. Namiss ko siya. Napangiti ako ng niyakap din niya ko pabalik.

"Namiss din kita."

Kumalas siya sa yakap namin. Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti. Dinala niya ko sa dining area. Pinakain niya ko at pinagsilbihan. Tinola ang ulam at talagang napaka sarap nito. Matapos ko kumain umakyat na ko sa taas. Gusto ko sana siyang tulungan maghugas kaso ayaw naman niya. Naligo nalang ako at hinintay siya sa kwarto ko. Tulog na din siguro sila Mama. Puyat din kasi sila.

"Baby?"

Napangiti ako ng pumasok siya pero napasimangot ako ng makita ko na basa ang damit niya. Tumayo ako at kumuha ng towel.

"Baby, basa ka na oh."

"Okay lang yan."

"Tss. Hindi kaya. Magpalit ka na."

Natawa naman siya sa kasungitan ko.

"Oo na po."

Humiga na ulit ako habang nagpapalit siya ng damit. Pambahay ang suot niya so dito siya matutulog. Akala ko hihiga na siya pero lumabas siya sa kwarto ko. Baka may kukunin lang. Humiga ako at pinikit ang mata ko. Hindi ko na kaya..

Maari ba muna natin tong pagusapan

Sa dami-rami na ng ating pinag daanan

Ngayon mo pa ba maiisipang isuko

Ang lahat ng ating pinag samahan

Masikip sa damdamin hinigop ng hangin

Ang lakas, pinag hihinaan ng wagas

Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban

Baka sakali na ito ay masalba pa

Lumalamig ang gabi

Hindi na tulad ng dati..

Hindi ko alam pero parang naririnig ko pa din ang kantang kinanta namin kanina sa acoustic segment. Tinamaan ako sa kanta na yun kanina. Kung susuko ba ko sakanya may mapapala ako? Magiging masaya ba ko? Nasubukan ko ng sumuko at hindi ko kaya..napatunayan ko yun.

"May sinat ka.."

"Mmm."

Ungol ko. Naramdaman ko na sinalat niya ang noo ko.

"Aalagaan kita. Hindi kita iiwan, baby."

"W..Wag mo ko iiwan.."

"Hinding hindi, Julie. Ngayon pa na may pinanghahawakan ako.."

Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Kung panaginip ba ito..

"Basta ang alam ko, hindi ako susuko sayo, satin.."

Nakaramdam ako ng paghalik sa labi ko.

"Salamat at pinahawak mo sakin muli ang puso mo.."

May pagasa pa ba kung susuko ka na

Larawan mo ba ay lulukutin ko na

Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama

Damdamin mo tila ay napagod na

Ikaw at ako ay alaala na lang

Kung susuko ka na..

Minulat ko sandali ang mata ko. Nakita ko si Elmo na nakaupo sa tabi ko at may hawak na gitara. So siya pala ang kumakanta.

"M..Moe.."

"Shhh.."

Pinahiga niya ko sa dibdib niya.

"Sleep well my love."

At napangiti ako kahit inaantok ako. Naalala ko yung pinag usapan namin ni Mama. Hinding hindi ko siya susukuan.

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now