"Sixth"

1.2K 72 0
                                    


"Sixth"

Maaga akong nagising kasi may baccalaureate mass ako ngayon. Tumingin ako sa orasan. Saktong 6am ako nagising. Bumangon ako at tiningnan ang phone ko. Punong puno ito ng notif sa twitter. Nakita ko ang date.

May 30.

Napangiti ako. Di naman ako bitter para hindi ngumiti. Totoo naman na espesyal talaga ang araw na ito. Di lang para sakin pero para sakanila na din. Bumangon ako at bumaba na kaagad sa kusina. Wala pang gising. Sinalubong ako ng mga aso ko.

"Hey babies."

Binuksan ko ang ref. Nagugutom kasi ako. Balak ko sana mag cereal nalang pero naisip ko mas masaya kapag kasama ko sila kumain. Kadalasan ang nagluluto si Mama so ngayon mas bago. Ako ang mag try magluto.

"Ayan."

Ngiting ngiti ako ng matapos ko ang naluto ko. Ilang sandali palang nagising na sila. Bumaba sila at umupo sa may dining.

"Woah. Anak? Nagluto ka?" Sabi ni Papa.

Tumango naman ako.

"Opo Papa."

"Aba, bakit anak? Anong oras ka ba nagising?"

"Uhm 6am po."

"Ahh."

Bago kami kumain nakita ko si Jac na nakatingin sa niluto ko.

"Jac ayaw mo ba nung food?"

Ngumisi si Jac.

"Hehe. Masarap yan, Ate. Gustong gusto ko yan at sure ako na gustong gusto mo yan."

"Ha?"

"OMLEtte"

Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala, talagang mag aasar siya eh yan palayaw sakanya dati. Tiningnan ko buong pamilya ko. Ngiting ngiti sila sakin. Napaupo ako at kumain nalang.

"Hmm ehem."

Napatingin ako kay Papa.

"So, May 30 ngayon. Nag text na ba?"

"Po? Hindi naman po ako umaasa na babatiin niya ko eh. Tska malay niyo naman po Pa, baka nakalimutan na niya ang araw na ito. Okay lang naman. Sanayan lang naman."

Bigla siyang natawa.

"Pa?"

"Anak, hahaha. Ang gusto kong sabihin nagtext na ba sayo si Sir Glen kung anong oras ka dapat nandun? Para mahatid kita."

Natawa si Mama.

"Ikaw naman anak, obvious ka naman masyado."

"Hahaha! Ate, bitter mo."

Namula naman ako. Akala ko kasi yun ang ibig sabihin ni Papa. Tumayo ako since tapos naman na ko kumain.

"Mag aayos na po ako."

Nag ayos na ko. Slight make up lang. Tapos uniform. Ito na ang huling beses na magsusuot ako ng uniform. Nakakaiyak.

"Nakakamiss.."

Magsusuot na ko ng relo ng may makita ako na pamilyar na bagay. Yung couple bracelet naming dalawa.

"Oo nga..nakakamiss."

Nilagay ko sa bulsa ko yun at tska ako bumaba. May nagtext sakin. Si Maqui. Bumati ng happy anniversary ang lokaret. Loka nga talaga.

Julie! SIX na kayo ni Baby boy ngayon! Congrats! Love you. See you soon! - Maqui.

JuliElmo One Shots Book 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant